THE BUTTERFLIES INSIDE THE CORE
-Krist-
Nakatingin lamang ako sa bintana ng room namin. Medyo magulo ngayong Huwebes pero ayos lang dahil hindi na rin naman ako ginagambala ni Reniel. Iniwasan na niya ako kagaya ng gusto ko.
Pero, ginusto ko nga ba talagang iwasan niya ako?
May isang bahagi ng isip ko ang nakikipagtalo sa puso ko. Totoo nga bang mahal ko na si Reniel?
"Dean?" Untag ko sa naka-earphone na si Dean.
"Bakit, bakla?" Paglingon nito sa'kin.
"Paano mo nalalaman kung inlove ang isang tao?" Taka kong tanong.
"Bakit naguguluhan ka na ba?" Tudyo nito.
"Secret," aniko na ikinabusangot ng mukha nito. "Sagutin mo na lamang ang tanong ko kung ayaw mong lumipad sa mukha mo itong librong hawak-hawak ko kanina pa." Dugtong ko dito at ipinalo ang makapal na libro ng mathematics.
"Ito na nga, eh." Anito at humarap sa'kin. Hindi pa naman nag-uumpisa ang klase kaya may oras pa kami para makipagdaldalan sa kaklase at sa iba pa. "Alam mo 'yung tinatawag na "butterflies inside the core"? 'Yan 'yung tipo na parang laging kumukulo ang iyong tiyan kahit hindi ka naman nagugutom or what. Nagkakaroon ba ng reaksyon ang sarili mong katawan salungat sa dapat gawin ng nasa isip mo." Anito na nagpatango sa'kin.
Sinulat ko ito sa palad ko. "Butterflies inside the core."
"'Yun pa 'yung sinasabi nila na parang may kumikiliti sa'yong tiyan?" I asked her.
"You've got it," anito at tumango-tango pa.
Pero 'yung saya ko napalitan din ng pagkabigla at pag-aalala. Nakita ko kasi ang imahe ni Mathias Arcillas sa labas at ito ay nakatingin ng masama sa'kin.
Napalunok ako. Napapikit at sa muling pagmulat ay wala na akong nakita kahit na isang daliri ni Mathias.
Napabuga na lamang ako ng hangin. Wala pa naman akong nararamdaman paru-paro sa aking tiyan. Pero basehan nga ba iyon kung talagang mahal mo ang isang tao?
Napalingon ulit ako sa paligid. Mga kaklase kong nag-uusap, nagtatawanan, naghahabulan, at naglalaro. Sino-sino nga ba ang mga nagmamahal sa kanila? Am I an exemption if I am totally inlove to the person who had two side?
"Ano ang bumabagabag sa'yo, Krist?" Takang tanong sa'kin ni Dean. Nag-alis na rin ito ng earphone.
"Inaalam ko lang naman kung sino sa mga kaklase natin ang nagmamahal, naguguluhan at hindi pa nararanasan ang bagay na iyon." Sagot ko na lamang dito.
Napabuntong hininga ito. "Ang drama mo," anito at inirapan ako at ibinalik na ang earphone sa tainga at tumalikod na sa'kin.
Napatungo na lamang ako. Hindi naman talaga ako madrama. Dahil kung ako ang tatanungin, do'n ako sa taong naguguluhan pa. Hindi ko man nararanasan ang ganitong bagay ay parang may alam ako dahil nagbabasa ako ng mga libro na Drama. Especially if it was a Boy's Love Novel. Mahilig rin ako manood nito at naitigil ko nga ang paglalaro ko ng games ng dahil sa BL Drama.
Napasubsob ang aking mukha ng may tumulak nito mula sa likod. Ang hinayupak, 'di ba niya alam na nakayuko lang ako.
Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko ang mga grupo ni Jake. Ano ba ang problema ng mga ito? Bakit ba pati ako nadadamay sa away nila ni Reniel? At kung iisipin nila na kinakampihan ko ang ulupong na iyon, nagkakamali sila. Dahil naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari at nalaman ko tungkol dito.
"What a nice day," anito at lumingon sa mga tropa niya. Nagsi-tanguan naman ang mga ito at nakangising tumingin sa'kin. "Balita ko ay absent daw ang pinakamamahal mong si Reniel, kaya, pwede ka bang sumama sa'kin kumain sa labas?" Masuyo ang boses na gamit nito.
Napalunok ako. Wala man lang text sa'kin si Reniel. Sinilip ko ang phone ko at pinindot ang on botton para silipin kung may nag-text nga. Pero wala so I turned it off at ibinalik ko na sa aking bulsa. I heave a deep breath at nilingon ko na sila. Apat lang sila. Malalakas ang mga dating at alam ng karamihan na pagkakaguluhan ito kapag magkakasamang naglakad sa hallway.
"Ano ba ang gusto mo sa'kin, ah?"
"You're the person who gave me butterflies inside my core," anito at kumindat pa.
"What a player," nasambit ko na lamang at umirap na lang ako at itinuon ko na ang aking tingin sa bintana.
Ramdam kong may naupo sa tabi ko kung saan ang upuan ni Reniel. Hindi ko na lamang ito pinansin at itinuon ang atensyon ko sa labas ng bintana.
After class, it was recess time. Nandito pa rin ako sa kinauupuan ko. Kagaya ng dati, hindi na ako lalabas pa ng room just to eat. At wala na ring gugulo sa pagkain ko kapag maglalabas ako ng aking baon. And then... I've missed those memories. Bakit nga ba sa dinami-dami ng gagawa niyon sa'kin ay ang dati ko pang kaibigan na nangako sa'kin na hindi ako iiwan?
"Pwede maupo?"
Napalingon na lamang ako sa tabi ko nang may umupo. "Kailangan mo pa bang hintayin ang sagot ko bago ka maupo?" Balik-tanong ko dito.
"Ikaw lang naman ang makakatulong sa'kin, eh." Anito at nag-pout pa.
"Tignan mo si nerdy, oh, kausap si Krist." Ani ng lalaki na dumaan sa gilid nito. At tinabig pa ang mga libro nito sa arm chair kaya nagsilaglagan iyon sa sahig.
Rinig ko ang mga tawanan ng iba naming kaklase. "Dito ka na kaya maupo?" Aniko rito. "Ite-text ko na lang si Reniel na humanap na siya ng ibang mauupuan dahil parang kailangan mo talaga ng tutulong sa'yo." Dugtong ko pa.
"Hindi na, nakakahiya na." Anito na nakangiti kaya nunka ko lang napansin ang braces nito na kulay itim.
How cute was he? At bakit nerdy ang tawag nila dito? Dahil ba sa nagsusuot ito ng makapal na salamin sa mata? Dahil ba ilag ito sa mga taong nakakasalamuha at ngayon lang naglakas ng loob at sa'kin pa?
"Huwag ka nang mahiya. Isa 'yan sa dahilan kaya ka iniinsultong nerdy, eh." Aniko rito at tinapik ang balikat nito.
"Naniniwala ka ba sa butterflies inside the core?" Tanong nito na nagpalaki ng mga mata ko.
"Bakit mo naman natanong ang bagay na iyan?" Balik tanong ko rito. Medyo namangha ako dahil kung ano ang sinagot ni Dean sa'kin ay iyon din ang magiging tanong nito.
"Kasi," anito at nagkamot ng ulo. "Hindi ko maexplain," anito at alanganing ngumiti. And here we go again. Nakita ko na naman ang magandang brace niya na kinaiinisan ng iba at ginagawang insulto.
"'Di ko pa alam ang bagay na iyan. Tinanong ko na rin iyan kay Dean pero parang tanga lang ako na nagtanong dahil kailangan ko pa palang pag-isipan kung bakit nangyayari ang bagay na iyon," aniko habang nakatingin sa aking phone at binabasa sa phonebook ang pangalang "Reniel". Nag-text na ako dito at dagli kong ibinalik ang tingin ko kay Lucas na isang kilalang "nerdy" sa buong university. Medyo makapal ang kilay nito. Mapupula ang mga labi at isa sa mga magagandang katangian niya ay ang mga taling sa bandang batok nito.
"Uhm.. salamat." Anito at nang tumayo ito ay bigla na lamang itong napabalik sa kinauupuan dahil tinulak ito ni Jake. Kasama nito ang kanang kamay nito na si Duean.
"Sino ang may sabi sa'yong maupo ka sa kinauupuan ko?" Sigaw na tanong nito.
"'Tol, don't be harsh at him." Ani naman ni Duean habang pinapakalma si Jake.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tanong nito. "Ako ang nagpaupo sa kanya," matatag na sagot ko.
Napalingon sa'kin si Lucas at pinandilatan ako ng mga mata. Ang ginawa ko lamang ay kumindat sa kanya para ipahiwatig na ayos lang ako at alam ko ang ginagawa ko.
"'Di ba, upuan ko na ito? Bakit mo pinaupo ang isang nerd dito? Paano kung magaya ka sa kanya?"
"Hindi ka rin ba nag-isip na kung ikaw ang uupo diyan ay baka magaya din ako sa'yo na isang barumbadong binata na walang alam kundi pakialaman ang buhay ng iba." Sagot ko dito.
Natahimik ito. Napansin ko namang nakayuko si Lucas. "Lucas, huwag kang mag-alala sa'kin. Ikaw nga ang gusto kong katabi dahil una sa lahat ay ayaw ko nang may magulo sa tabi ko na parang si Reniel at isang siga nakagaya nang nasa harapan natin." Pag-alo ko dito.
Nakita ko naman itong napangiti at lumingon sa'kin. At pati na rin sa iba. So, ngayon niya lang ba ginawa ang pagngiti sa iba dahil nag-iba ang tingin ni Jake dito at nag kanang kamay nito na si Duean? Bakit parang may nakita silang hindi dapat makita nang nakararami?
I heard some heartbeats. Alam ko kung kanino galing ang tunog na iyon. Kundi sa nasa tabi ko. Ang isang nerdy na nakangiti sa dalawang siga na ngayon ay nakatitig na lamang sa kanya.
"s**t," bulong ni Jake at umalis na ito sa harap namin kasama si Duean.
"Ano 'yung ginawa mo?" Manghang wika ko dito nang lumingon ito sa'kin.
I know that the curiosity is written to his face. Ngayon nga lang ito ngumiti sa iba kaya gano'n ang naging reaksyon nang nakararami. "Wala naman akong ginagawa," anito at umiling-iling.
"Ngayon ka lang ba ngumiti sa kanila?" Muling tanong ko.
"Uhm," anito at tumango na ikinalinaw ng pagiisip ko. "Sinabihan mo 'ko na gusto mo 'kong makatabi at kinilig ako sa sinabi mong iyon kaya naman napangiti ako," anito na nakayuko at pinipilit itago ang pagkakangiti ng mga labi.
"Bakit hindi mo ibigay sa iba 'yang ngiti mong 'yan? Alam mo bang kamukhang-kamukha mo si Phuwin Tangsakyuen." Aniko rito.
"Salamat pero 'di ko kilala ang tinutukoy mo,"
Napatanga ako sa sinabi niyang iyon.
~*~ ~*~ ~*~