ANG BAMPIRA
-Krist-
Nakatingin na lamang ako sa salamin ng kwarto ko ngayon. Sapo-sapo ang aking buhok at nag-iisip kung paano ko susuyuin ang halimaw na si Reniel na iyon. Hindi ko ito naabutan sa tinutuluyan niyang kwarto sa university kaya naman wala na akong pag-asa. So, it ended up by stepping out to the university.
Kita ko ang aking labi na nagdurugo. Ang dami ding nangyari kaninang 'hapon. Nang pauwi na kami galing eskwelahan ay iniwan na nila ako sa gate. Ako naman ay tuloy-tuloy sa paglalakad dahil 'di ko na nadala ang aking bisikleta. Naflat kasi, eh.
Nang nasa ikatlong poste na ako malayo sa eskwelahan ay bigla na lamang akong hinila ni Jake patungong damuhan. Kinakabahan ako nang mga oras na 'yun dahil wala akong ligtas kung papatayin ako do'n. Pero 'di nangyari iyon. Sinampal lamang ako nito.
"Don't you ever dare me call halimaw, asshole." Anito at umalis na.
'Buti na lamang at iyon lang ang nangyari sa'kin. Pero nang mga oras na hawakan ko ang aking labi ay nunka ko nalaman na napalakas pala siya sa pagsampal.
Deserve ko ba iyon? Totoo namang halimaw siya.
Kaya hanggang ngayon ay 'di pa din ako nalabas ng kwarto. Alam ko kasing magtatanong na sina inay kung bakit ako nagkaroon ng putok sa labi.
"Hindi ka pa ba kakain?"
Mabuti na lamang at hindi nila ako napansin kanina no'ng umuwi ako. At ito na nga, nakatok na si inay sa aking pintuan.
"Mamaya na lang po---ah!" Inda ko dahil nagtama ang aking mga labi.
"Anak? Ano'ng nangyari sa'yo?" Wika nito at kinatok nang kinatok ang pintuan.
"Ayos lang ako, 'nay!" Sigaw ko rito dahil alam kong kikilalanin nila kung sino ang gumawa nito.
Sandali itong natahimik. At sa pagkatahimik nito at may naramdaman ako sa bintana kaya napalingon ako do'n. May nakita akong pulang rosas sa paso. Natatandaan ko pa ang bulaklak na ito. Ito ay ang bigay ni Mathias the vampire. Pero bakit parang pinahiwatig ng kung sino ang pangyayaring ito?
"Anak?" Boses na iyon ni itay.
Siguro ay tinawag lang ni inay si itay para ito na ang magpalabas sa'kin mula sa kwarto ko. "Itay, mamaya na po ako kakain," katwiran ko.
"Hindi pwede, alam mo namang sabay-sabay tayong kumakain. Saka nandito si Reniel,"
Sa huling sinabi nito ay napatakbo ako sa pintuan at walang-lingon likod kong tinungo ang hapag-kainan. Tama nga si itay, nandito si Reniel. Ang akala siguro nito 'di ako maiinis dahil sa ginawa nitong tampu-tampuhan.
"Ikaw!" Duro ko dito dahil ang laki ng kasalanan nito. Kung hindi lang sana ito nagtampo at kung kasama ko itong umuwi dito sa bahay ay siguradong walang mangyayaring masama sa'kin. And about that, I must've out. I forgot the scar that Jake leave to my lips. Napatakip na lamang ako ng aking labi para itago ang mga nangyari dito.
"s**t," galit na turan ni Reniel at padabog na tumayo sa kinauupuan. "Bakit ka nagkaroon ng sugat sa labi, ha?" Pagalit na tanong nito.
Nakita ko sina inay at itay na nakatingin lang sa'kin. Alam kong magagalit ang mga ito dahil tinago ko ang sugat na bigya sa'kin ni Jake.
"Simpleng sugat lang ito. Nakagat ko lang," pagsisinungaling ko.
"Alam kong 'di magkakaroon ng sugat kapag kinagat ang labi. Kaya sabihin mo sa'kin kung bakit nangyari iyan sa'yo?" Tanong nito habang hawak-hawak ang pisngi ko upang suriin ang pisngi ko.
"It was a simple bruise," aniko.
"Simpleng sugat? Kinagat ka ba ng bampirang iyon?" Anito. "Aba, masarap ka siguro humalik kaya nakagat niya,"
"Bampira? Nahihibang ka na ba? Sa kung hindi ka ba naman nagtampu-tampo diyan, eh, 'di, sana, hindi ako napahamak." Matigas na wika ko at iwinaksi ang kamay nito sa pisngi ko. And it followed by tsking.
"Bakit ako? Bakit hindi ang bampirang iyon na ilang beses kang inalok makipaghalikan?" Paganting wika nito.
"Pwede bang huwag mong pagbintangan ang bampirang 'di na nanggugulo?" Pairap ko rito. Nakakainis makipagtalo.
"Eh, bakit ako ang pinagbibintangan mo?" Tanong nito at nagcross-arm.
Lumingon muna ako sa paligid at nang malaman kung bakit hindi nagsasalita sina itay at saka na ako sumagot. "Dahil iniwan mo ko sa eskwelahan. Alam mo naman yatang galit sa'yo si Jake,"
"Sinaktan ka ba niya?" Matigas na wika nito at hinawakan ang aking braso. "Masakit?" Tila maamong tupa na ang tanong nito.
"Kasalanan ko ito," he said while shooking his head and while tsking.
"Kasalanan mo nga. Bakit mo sinisisi 'yung nananahimik na bampira, ha?"
"Dahil nakita ko siya kani-kanina lang bago ako pumasok ng bahay niyo. Nakita ko siyang nakadungaw sa iyong bintana. Gustuhin ko mang doon dumeretso, natakot din ako dahil baka wala na rin akong dugo kinabukasan." Anito habang hinahaplos ang aking pisngi.
Napangiti na lang ako ng magkaroon ng kaunting init ang ginawa niyang paghaplos. Napatingin ako dito. Sa katunayan, sa mga mata nito. Bakas ang pag-aalala dito.
"Sandali lang, may mga gamot yata kayo rito. Kasalanan ko rin naman kung bakit ka nagkaganyan. Pero hayaan mo, gaganti ako sa gagong iyon." WIka nito. "Si Jake pala ang may gawa niyan sa'yo. Pero iyan nga lang ba ang ginawa sa'yo at wala nang iba?"
"Wala naman," aniko. "Pero huwag ka nang gumanti. Hayaan na lang natin. Tayo na lang ang lumayo sa kanya dahil kapat gumanti ka pa, lalo lang hahaba ang inyong pagiging magkaribal," dugtong ko.
"HIndi pwede 'yun, kailangan kong makaganti dahil sa ginawa niya sa'yo. Ako 'yung magkakaroon ng kasalanan sa'yo dahil sa iniwan kita kanina." Wika nito. "Saka, nakakainis ka rin naman kanina, eh. Gusto ko lang naman malaman kung ano 'yung pinag-uusapan niyo pero 'di mo sinasabi kaya nagwalk out ako." Dugtong nito. At nagkagat labi pa.
How this cute guy resisted by others?
"Sorry na, ikaw lang naman ang pinag-uusapan namin." Sagot ko dito.
"Hindi 'yung bampira na 'yon?"
"Bakit puro ka bampira?" Taka kong tanong.
"Wala, eh." Nagkamot pa ito ng ulo. "Kuhanin ko lang muna 'yung gamot, saan ba nakalagay?" Pag-iiba nito sa usapan.
Wala akong ibang nagawa kundi ang magkibit balikat. Bakit ba puro na lamang sikreto ang mga tao? Dahil ba sa natatakot sila sa magiging bunga ng gagawin nilang problema? Wala nga namang tao ang hindi makakapaglihim sa iba. Pero parang may iba akong nararamdaman sa isang ito na hindi ko matukoy-tukoy kung ano.
Hindi naman ito sa pagkakagusto sa'kin. It's something strange between him and...
Mathias.
~*~ ~*~ ~*~
I just woke up exactly at 5:00 AM. Dalawang araw na lamang ang hihintayin ko at makakapagpahinga na ako. Napalingon na naman ako sa katabi ko. May isa ring katanungan ang pumapasok sa utak ko na halata namang malalaman din ng iba kahit 'di ko gamitan ng salita.
"GISING NAA!" Sigaw ko rito. Para naman hindi na kami magkasama maligo at para hindi na rin kami ma-late. Wala naman kaming ginawa no'ng gabi pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko kundi ang tumingin sa mabituin na kalangitan.
"Kanina pa ako gising," anito at naghikab pa.
"Bakit hindi mo man lang ako ginising?" Taka kong tanong dito.
"Gusto ko kasing pagmasdan ang maamo mong mukha nang walang umaabala sa'kin," he said and winked at me.
I got blushed so I turned back. Ayaw kong makita niya akong mangamatis dito. "Bolero," tanging nasabi ko na lamang habang impit pa rin ang tili.
"Kinilig ka, 'no?" Tudyo nito at tinusok ang aking tagiliran dahilan para ako makiliti.
"Reniel!" Saway ko rito habang patuloy pa rin sa pangangaliti sa'kin.
Ilang minuto din ang nangyari na 'yon at ako ngayon ay nakahiga at nakapatong naman si Reniel sa'kin. Hinahabol pa rin namin ang aming hininga. Habang kumakabog ng malakas ang aking dibdib. Hindi ko lang maipaliwanag kung saan nanggaling ang gano'ng damdamin.
Pero masaya ako. Masaya akong kasama ang lalaking ito na unti-unti nang lumalapit ang mukha sa'kin.
Maraming pumapasok sa isip ko. Paano na lang kung isang araw ay malaman na lang niya na sinipsip na pala ng bampira ang aking dugo dahil sa hindi ko pagsipot sa mansyon nito? Paano na lamang kung makabuntis ito ng iba?
Pero parang nawala din ang lahat ng negatibong tanong nang magdaop ang aming mga labi. His soft lips touch mine. Medyo maiinit ang halik na ibinigay niya sa'kin. At habang tumatagal ay lalong lumalalim.
Naitulak ko na lamang siya nang maramdaman kong may matigas na bagay sa tiyan ko. "May klase pa tayo ngayon," malamig na wika ko. Hindi ko intensyon na kalimutan niya ang nangyari kani-kanina lang. Gusto ko lang malaman niya na hindi ito ang tamang oras para do'n.
Lalo na at hindi namin alam kung ano na ba talaga kami ngayon.
"Anak!" Sigaw ni inay sa labas.
"Palabas na po," pabalik na sigaw ko. Nilingon ko si Reniel. Tahimik lamang itong nakatingin sa pintuan. Ano nga ba ang iniisip nito? Isa pa sa tanong ko. Isa pa sa gusto ko; ang magkaroon ng kapangyarihan bumasa ng nasa isip.
Kagaya na lamang ng bampirang minsan ko nang naging kaibigan. Nang dahil lamang sa ibang tao ay nakalimutan ko na rin. Naalala pa rin kaya ako nito hanggang ngayon?
I just shook my head because of a lots questions coming to my mind. Nakakatakot isipin na baka biglang dumating ulit ito sa buhay ko at guluhin ulit iyon.
"Krist!" Muling sigaw ni inay.
"Mauna ka na munang lumabas, Reniel. Lilinisin ko lang itong kwarto." Aniko kahit ang totoo at gusto ko lamang mapag-isa at makapag-isip ng tama.
Tama nga ba ang iniisip ko o kailangan ko ng isang tao sa buhay ko para malibang ko ang sarili ko?
~*~ ~*~ ~*~