Chapter XIV

1592 Words
HALIMAW "Ito na lamang ba ang gagawin natin, Reniel?" Untag ko habang nakatingin sa mga bituin. "Kung ito lang ang gusto mong pampaantok, hahayaan ko." "Paano kung makakita tayo ng halimaw dito? Ano'ng gagawin mo?" Napatingin ako dito habang tinatanong ko iyon. Napatingin din ito sa'kin. Nagsalubong ang aming mga tingin. Pero 'di ko na tinangkang mag-iwas-tingin. Bakit ko nga ba gagawin iyon kung alam ko naman na mabibitin din ako? "Yayakapin kita upang hindi ka niya masaktan," simpleng sagot na biglang nagpa-arko ng labi ko, biglang nagpatibok ng puso ko at pagkakaroon sa isip ng isang magiting na tagapag-tanggol. "'Yung lang?" "Mabibitin ka ba kung sasabihin ko lang na yayakapin kita hanggang sa mawala ang halimaw sa pangingin mo?" Balik tanong nito. Nagkibit balikat na lamang ako. At sa ginawa kong iyon ay biglang humampas ang malamig na hangin sa'min. Nandito kami sa bakuran namin. Kung saan tanging maliliit lang na damo at nakapaligid na rosas lamang ang nando'n. "Hindi naman," aniko at binaling ulit ang atensyon sa paligid. Nakita ko ang buwan. Pero nakapagtatakag bigla na lamang itong nagiging pula. "Look," aniko na lamang. Ramdam kong gano'n nga ang ginawa niya. Pero laking gulat ko nang bigla niya na lamang akong niyakap at pinatungan. I know that my cheeks turned to red. "B-bakit?" I ask, stuttering. Dahil ilang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't-isa. "Para 'di mo makita ang blue moon," anito. Bigla na lamang nagkumabog ang puso dahil bigla itong ngumisi. "A-ano 'yan?" Aniko na utal-utal pa rin. "Bakit? Natatakot ka ba ngayon gayong kasama mo 'ko?" Balik tanong nito. "Hindi naman, pero sa nakikita ko sa ngisi mo at tingin mo, parang may balak ka na hindi ko nanaisin," aniko. "HALIMAWWWWWWW!" Biglang sigaw nito. Napabalikwas na lamang ako sa higaan ko dahil sa biglang pag-sigaw ni inay sa labas ng aking kwarto. "Tanghali na, anak. Baka ma-late pa kayo ni Reniel n'yan," anito. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ni Reniel. Na dito daw natulog. Kinakabahang nilingon ko ang aking katabi. Hindi nga nagkakamali si Inay, nandito nga si Reniel. Ang masaklap do'n ay wala itong saplot pang-itaas at kitang-kita ang maskulado nitong katawan. "Still wanting my body, babe?" Tanong nito. Nag-iwas ako ng tingin. Sigurado akong kapag sinilip ko ang sarili sa salamin ay para na akong kamatis. "f**k," naibulong ko na lamang bagaman rinig iyon ni Reniel. "Red as tomato, babe?" "Can you please stop teasing me?" Tili ko rito. Sabay bato ng unan. 'Di ko akalaing makakatulog pala ako saa labas habang tinititigan ang kalangitan na kay raming bituin. Tapos dito pa siya natulog. Nananadya yata ito? "Ano ba ang nangyayari diyan sa loob?" Natahimik na lamang kaming dalawa ni Reniel sa pillow fight nang marinig namin ang boses ni itay. "Wala naman po itay, pinauuna ko lang po si Reniel maligo," sagot ko kahit malayo sa tunay na sagot iyon. "Ah, gano'n ba? Lumabas ka na diyan at maghanda ng kakainin niyo. Magbaon ka na rin," ani itay at narinig ko na lamang ang hakbang nito papalayo sa kwarto ko. "Maligo ka na, para walang masabi si itay at inay," aniko at tinulak-tulak ko pa ito papalabas ng kwarto ko para maligo. "Oo na, huwag mo na akong itulak. Sasama naman ako sa'yo sa banyo, eh." Anito at kumindat pa. Pinalo ko ito sa balikat. "Iww," nandidiring wika ko pero ang isip ko ay nagkaroon ng imahe kung ano ang ginagawa namin do'n. Tagahilod ng likod. Natawa na lamang ako sa iniisip ko. Mabuti na lamang at hindi nababahiran ng dumi ito hindi kagaya ng ginagawa sa'kin ni Mathias. And speaking of the freaking vampire, nasa'n na kaya ito ngayon? ~*~ ~*~ ~*~ "Wahhh!" "'Yung tili mo Jade, nandito lang kami ni Dean," wika ko. Nakapalibot kaming tatlo dito sa classroom at kinukwento ko nga ang nangyari sa'min ni Reniel. Pinakain ba naman kami kaagad kaya sabay tuloy kaming maligo. At mabuti rin na hindi ito katulad ng ibang lalaki na kumakagat sa mga pain. Naligo ito sa loob ng cubicle kung nasaan nando'n ang bowl. At ako ang pinaligo niya sa paliguan. Napakasarap lang naman isipin na hindi siya gano'ng kababaw at kalibog. "Walang chukchakan-kene?" Tiling tanong ni Jade. "Low your voice," pag-e-english ni Dean dito dahil kung lahat ng classmate namin ay nandito sa loob, siguradong makikitsismis. "Paano ako hihinahon kung ang pinsan ko ay nakitulog sa kaibigan ko? At hindi lang siya lalaking tunay," anito at inilipat ang tingin sa'kin. Mapang-insultong tingin ang ipinukol nito kaya napalunok na lamang ako. "But can you low your temper?" Dean asked her again. "Okay, okay," sumusukong wika nito at nagbuntong hininga pa. "Ano'ng nangyari sa inyo ni Reniel pagkatapos?" Bakas pa rin ang pagkainteres sa tanong ni Jade. "Wala lang naman, naghiludan lang kami ng likod," pag-amin ko na nagpatili sa dalawa. "So, nakita mo 'yung ano?" Kumikislap na wika ni Dean. Nagkunot ako ng noo. "Ano?" Balik tanong ko. "'Yung ano ni Reniel," pagsalo ni Jade. "Anong anong ni Reniel?" Taka ko pa ring tanong. "Anong klaseng tanong 'yan?" Napabalikwas ako sa upuan ng marinig ang boses na iyon. Dahan-dahan pa akong lumingon sa pinanggalingan nito and it was only Jake. "Bakit ka nakikisali?" Maangas na tanong ni Jade kay Jake nang siguro ay mapagtanto din kung sino ang nagsalita kani-kanina lang. "Wala, mukhang maganda kasi ang question and asnwer portion na ito kaya nakitanong ako," maangas din na sagot nito. Hindi na lamang ako umimik. Ano ba ang gusto nitong lalaking ito? Bakit galit na galit siya kay Reniel gayong wala naman itong ginagawang masama sa kanya? "Hindi ito usaping lalaki," wika naman ni Dean kaya napalingon ako sa kanya. Sinasabi ng mata ko na wala kaming laban dito. "Bakit si Krist? Don't tell me--" "Hindi naman totoong lalaki si Krist, eh. May pusong babae siya," putol na wika ni Jade kay Jake. "So, lumabas din ang totoong kulay mo Krist? Kaya pala ang lapit-lapit sa'yo ni Reniel. Gusto yatang maka-isa. Naka-isa na ba?" Nakangising wika nito. Kinunutan ko ito ng noo. Kung ano-ano ang pumapasok sa isip nitong gagong ito. "At alam mo ba na ang lahat ng tao ay may tinatagong halimaw?" Nag-echo naman ang boses ng aking ina. Nagtanong pa ako sa kanya noon kung paano ilarawan ang halimaw na sinasabi nito. "Ang halimaw na tinutukoy ko ay ang tunay na kulay ng isang tao. Hindi ito basta-basta nagpapakita ng tunay na ugali kung hindi niya pa kilala ang mga makababangga niya. Lalabas lamang ang angas ng halimaw na pagkatao niya kapag alam niyang mas mahina ang makakalaban niya." "Huwag na huwag mong ilalabas ang angas mo dito dahil kahit ang nakakatakot na halimaw na pagkatao mo ay kaya kong pahinahunin." Matigas na sambit ko. "You shall take my wrath," naidugtong ko na lamang kahit wala naman talaga akong balak makipag-away dito. "Makakaya mo kaya?" Nakangising tanong nito at nagcross-arm pa. "Kakayanin ko," kinakabahang wika ko. "Baka 'di mo kayanin," nakangising wika nito at tumalikod na. "Masaktan ka lang," dugtong nito na nagpa-iba ng isip ko. Nanggalaiti ako sa narinig ko. Akala ko pa naman pakikipag-away ang nasa isip nito. Kalibugan na pala. "Isa kang halimaw!" Sigaw ko dito. Humarap ulit ito sa'kin. "Ako ang halimaw na kakain sa'yo ng buo, roar," wika nito at tumatawang tumalikod na. "Si Jake Magdaong, isang leader ng kilalang gang. Dating tauhan nila si Reniel pero nang dumating ang puntong naging isang kilalang siga din si Reniel ay nagkaroon din ito ng isang grupo. Grupo na kayang igupo ang tauhan ni Jake. Kaya gano'n na lamang ang galit nito sa pinsan ko. And some of the students here didn't know who was Reniel Pilantro. Ang anak ng may-ari ng school. And even Jake does not know about those descriptions about Reniel," mahabang litanya ni Jade. Napatango na lamang ako sa mga nalaman ko tungkol kay Jake at Reniel. "Pero bakit ayaw sabihin ni Reniel na siya ang anak ng may-ari ng school?" Tanong naman ni Dean dito. "Tsk, where's the thrill?" Tanong ni Jade at itinaas pa ang mga kamay. "'Di ba? Kilala niyo naman si Reniel, kapag gusto nito ang mga bagay, gumagawa siya ng paraan." Dugtong nito. "Mukhang mahaba-haba ang usapan ninyo, ah?" Natahimik na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Reniel. Medyo husky. Pero ayos na rin. Nilingon ko ito. Saka ako nagbalik sa kung saan nga ba ang upuan ko. Naki-upo lang naman ako sa tabi nina Jade habang nakapaikot ito. Gusto lang daw kasi nilang malaman ang mga nangyayari sa'min ni Reniel. At naikwento ko na nga ang mga nangyari. "Nakitsismis lang sila, alam mo naman. Libangan." Tanging nasambit ko na lamang at ngumiti ng alanganin. Sino ba naman ang may gustong malaman ang mga naikwento sa iba? "Ano naman ang pinag-usapan niyo?" Kinabahan na nga ako ng tuluyan sa tinanong nito sa'kin. Binalatan niya ang hawak niyang Fudgee Barr na chocolate flavor; my favorite snack. "Ahmm, ahh, ehhh," anikong naghahanap pa ng sasabihin. "Tungkol ba iyon kay Jake?" Nanlaki ang mga mata ko. Talaga ngang may alitan sa kanilang dalawa. "H-hindi naman." Hindi ito kumbinsido sa sinabi ko dahil bigla itong tumayo at naglakad papalabas. "Psst," Napalingon ako sa tumawag sa'kin. It was Jade. "Suyuin mo mamayang gabi ang halimaw na 'yon," pabulong na wika nito at nagsalute pa sa'kin. "Oo nga," malakas na wika ni Dean na nagpalingon sa lahat ng mga kaklase namin. Nagpeace sign ito at nagbuntong hininga na lang ako ng makita ko ang anyo ng aming guro sa labas patungo sa'min. ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD