BAGABAG
"Bakit na naman lutang ang babe ko?" Tanong ni Reniel sa'kin.
It was Wednesday mornin'. 'Di ko alam kung bakit naisipan nitong ihatid ako. Nagising na lamang ako sa katok ni inay at may gwapo daw akong bisita. At 'di ko akalain na ang bisitang iyon ay si Reniel na pinagkakape na pala ni itay at masisinang nag-uusap.
"Naiisip ko pa rin ang nangyari nu'ng isang gabi," ani ko na lamang.
Ang totoo ay iniisip ko ang mga katangahang ginawa ko habang kasama si Mathias. Hindi ko naman dapat samahan ang hindi ko kauri. 'Di ko lang din alam sa sarili ko kung bakit naging kaibigan ko ito.
Naipalo ko ang aking palad sa sarili kong noo. Oo nga pala, nag-iisa rin ako noong mga panahong sinusundan niya ako.
"Bakit mo naman naisip? Gusto mo bang maulit?"
Napalingon ako dito at sinamaan ko ito ng tingin. Binigyan ko ito ng middle finger sign. "Kahit magsumamo ka pa sa'kin, hindi mangyayari iyon." Aniko pa at tumayo na.
It was a rainy day. Kaya hindi na muna ako lumabas ng classroom. I was waiting for Reniel who taking the food. Hindi rin naman ako pinalabas kaya ano pa'ng magagawa ko?
And I was about to open my notebook when someone grabbed it and threw it at space. I just looked at and I backed my look on my bag. "Bakit mo ginawa iyon?" I asked Jake. My one of my classmate who was the leader of the gang inside of.
"Dahil gusto ko lang naman na mapansin mo 'ko,"
Alam kong hindi siya ang gusto ng pansin ko kundi ang nakababata nitong kapatid sa kabilang classroom. Si Jhanes. Maganda naman si Jhanes pero alam naman ng nakakarami kung ano ba talaga ang pagkatao ko kaya bakit hindi na lang sa iba ibigay iyon?
"Bakit hindi niya na lang ibigay sa iba ang kanyang atensyon?" Natanong ko na rin ang bumabagabag sa isip ko.
"Sino ba? 'Yung kapatid ko? Pinagsabihan na ni Reniel na tigil-tigilan ka niya dahil pagmamay-ari ka na daw niya. Kaya ito ako, kinukumpirma kung totoo nga ba ang issue na iyon." Anito.
Nanlaki ang mga mata kong nag-iwas ng tingin dito. Bakit ba lahat na lang nang napapatingin sa'kin ay sinasabihan ni Reniel. We aren't an official. But we made love. Alam ko na sa kanya iyon dahil no'ng panahong 'di ko sinasadyang masagi ang kanyang pang-ibaba ay nunka ko nalaman na even his is not erected, it's still big.
Namula ako sa isiping iyon.
"You almost red," wika ni Jake. Ito na 'yung tipo ng lalaking kahit hindi maganda manamit ay babagay rito. Pero ito na rin siguro ang lalaking sinalo lahat ng kademonyohan na pinasabog ng mundo. Aasta lamang itong mabait kapag may kailangan, pero kapag wala nang mahuthot sa'yo ay biglang mag-iiba ang anyo nito. He was a devil who dressed as an angel.
"Hindi ka namamansin, ah?" Anito na bigla na lamang hinablot ang aking bag at tinapon sa kung saan. Nando'n pa naman ang baon namin ni Reniel.
"Bakit mo tinapon?" Tanong ko na nakanganga pa. Hindi ako makapaniwala na sobra ito kaysa kay Reniel no'n. Pero nalaman ni Reniel na may past kami kaya nag-iba ang turing nito sa'kin.
But this guy who worn longsleeve and a gold necklace with cross pendant?
"Titignan ko lang naman kung totoo ang balitang kumakalat," anito at sumipol pa pabalik sa kanyang kinauupuan.
I can't do anything just to grab my bag on the floor the the notebook from nowhere. Bakit ko pa kasi naging kaklase 'to?
"Lahat ng mga nakakasalamuha mo, may parte 'yan sa buhay mo. Hindi mo man makita ngayon, makikita mo rin iyan sa tamang panahon,"
Nag-echo ang boses ng aking inay. May parte sa buhay ko ang mga taong ito? Bakit ngayon lang ito pumasok at hindi pa noong mga panahon na kasama ko si Mathias.
Si Mathias. May parte din pala sa buhay ko. I have an infatuation to but I am afraid to make it deep. 'Cause I know that he was really a real man. Pero no'ng mga panahon na hinalikan niya ako, totoo kayang may pagmamahal do'n 'cause he cares the kiss.
"Tulala ka na diyan?"
Napamulagat ako at napalingon sa katabi kong si Reniel. Hindi ko man lang namalayan ang pag-upo nito sa upuan nito dahil sa sobrang absorbed ang aking isip.
"Ahmm. Iniisip ko lang ang sinabi noon sa'kin ni Inay," aniko. Napakamot pa ako sa ulo nang makita ko kung gaano kadami ang dala nitong pagkain.
"Ano ba ang sinabi sa'yo ni tita?"
Tita. Simula kahapon ay sinabi ni inay na 'tita' na lamang ang itawag dito. "....Na lahat ng tao na nakakasalamuha ko ay may malaking parte sa buhay ko," aniko. Totoo naman ang sinasabi ko. Hindi ko na nga lang dinugtong ang tungkol kay Mathias.
"Ahhh. Basta mamayang hapon. Ako ang maghahatid sa'yo,"
"Paano 'yun? Nand'yan 'yung bike ko," katwiran ko. Kantyawan ka kasi ang sunod nito kung tatango ako sa gusto nito.
"Dinala na talaga ni tito kani-kanina lang,"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Ginamit mo na naman siguro ang kapangyarihan mo bilang isang anak ng may-ari nitong unibersidad." Nasambit ko na lamang.
"Tara, doon tayo sa likod kumain," pag-iiba nito sa usapan.
Napabuntong hininga na lamang ako at tumayo na. Wala na naman akong magagawa dahil nakatayo na ito.
"Pero naulan," aniko.
"Tumila na talaga," katwiran nito.
I just shrugged my shoulders to surrender. At wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Bakit nga ba parang dumaan lang ang ulan? Bakit hindi ito nagtagal?
"Dahil umiikot nga ang mundo. Hindi mananatili ang isang bagay sa kung nasaan ito ngayon,"
Nag-echo naman ang boses ng aking itay. Nagtanong din ako tungkol sa mabilisang pag-alis ng ulan tuwing buwan ng tag-araw.
"Parang ayaw kong sumama sa'yo, baka umulan ulit." Aniko na lamang at natigil ako sa paglalakad.
"Arghh, nagsusumamo ako sa'yo. Samahan mo naman ako dito. Ako lang talaga mag-isa ang laging nagpupunta dito kaya nakakabagot. Gusto ko'ng may kasama ako," umuungot na wika nito.
"Eh, 'di, magpasama ka sa iba." Aniko at inirapan siya. Tumalikod na ako para magkunwa'ng babalik pero ang loko, hinila na ako kaya napasigaw na lamang ako. Buti na lamang at medyo malayo na kami sa hallway nang sumigaw ako kaya kaunti lang ang napalingon sa gawi ko. Kung mga marites ang mga iyon ay magpupunta 'yun kung saan kami papunta ngayon at marami na siyang kasama.
Pero napalis ang mga imahinasyon sa isip ko nang hindi man lang kumilos ang mga ito para makitsismis.
"Bitawan mo na ako," aniko.
"Ayaw ko nga, baka mamaya ay bigla kang tumakbo." Anito at hinigpitan lalo ang pagkakahawak sa kamay ko. Kamay ko talaga ang hawak niya.
"Ang pagsamo ko sa'yo ay totoo, hindi na ako tatakas sa'yo basta bitawan mo lamang ako." Aniko na lamang dahil kinukuryente na ang aking kamay sa ginagawa nito.
Binitawan niya ito ng marahan. At tumingin sa'kin. The sparks in his eyes make my heart pound more. Agad akong nag-iwas ng tingin dahil baka mahalata niya ang tinatago ng aking mga mata.
"Do'n ulit tayo sa may puno," aya nito sa'kin.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod dito habang nakatungo. Kahit gaano kaganda ang paligid dahil puro bulaklak ay nalalayo naman sa tunay na emosyon ko ang mga ito. I felt nervous, and sad obvious because of the reality after this.
Nagsusumamo ako sa gumagawa ng istorya ko, bigyan niyo ako ng happy ending dahil parang 'di ko kakayaning mabuhay kapag wala akong pag-ibig sa dulo.
Pero may nagsusulat nga ba ng istorya ko? O ako mismo ang gumagawa ng kabanata sa mga ito? Kakayanin ko bang ituloy ito o susuko na lang?
"Hey? What's the matter?"
"Nothin'" Aniko habang umiiling. Dapat pala masaya ako dahil kasama ko ito. Kasama ko pa ito hanggang 'di pa natatapos ang school year. "May naisip na naman ako." Palusot ko.
"Lagi naman, eh." He said and followed by tsking. "Sa susunod, huwag ka munang mag-isip. Mahangin ngayon dito. Bakit hindi mo samyuin ang hangin at tumingala sa langit para malimutan mo naman ang bumabagabag sa isip mo," anito.
I looked at him. Nakatingin lang siya sa langit habang ngumunguya ng binili niyang pagkain. Napatingala na lang din ako at nakita ko ang asul na kalangitan. Dumaan lang talaga ng ulan kanina at mukahng 'di na masusundan pa. Sabayan pa ng mga ibong humuhuni na nasa puno lamang nakadapo.
Napangiti na lamang ako dahil tama siya. Masarap nga sa pakiramdam ang walang ibang iniisip kundi ang nasa paligid. Ang humuhuning ibon, ang malakas na hanging nagtatangay ng iba't-ibang amoy ng bulaklak na mayroon dito sa field.
"Ano sa palagay mo?" Untag nito.
"Masaya nga, magaan sa pakiramdam ang binigay mong payo sa'kin." Aniko pero ang ngiti ko ay bigla na lamang naglaho. "Pero may kulang," dagdag ko pa.
Nakita ko via peripheral vision ko ang paglingon sa'kin ni Reniel. "Ano naman 'yon?" Tanong na hindi babakas ang pagtataka.
"Pagmamahal," nasagot ko lamang iyon dahil iyon talaga ang kulang.
"Pagmamahal?" Pag-uulit nito sa sinabi ko.
"Pagmamahal." Diniinan ko ang salitang iyon. "At iyon ang araw-araw na bumabagabag sa'kin."
"Bakit naman?"
"Dahil iyon lang naman ang kulang sa'kin, eh? Ano pa ba sa tingin mo ang magpapabagabag sa isip ko?" Napatingin ako rito nang magtanong ako.
"Kung sino ang taong mamahalin mo," nakangiting sagot nito.
Napatingin ako sa malayo. Iisang tao lang naman ang biglang pumasok sa isip ko.
Ang imahe ng katabi ko.
~*~ ~*~ ~*~