JUST BREAK IT LIKE A PROMISE
-Krist-
Magkaharap kami ngayon ni Mathias dito sa kanyang kama. Magkatabi kami ngayon. 'Di na naman ako umuwi sa bahay. Gusto daw kasi nitong magkaroon siya ng kasama ngayon.
"Akyat naman tayo at silipin ang buwan," aya ko rito.
Tumango lamang ito at bumangon na sa pagkakahiga. Sumunod ako dito. Habang naglalakad pataas ay parang tumataas din ang tensyon na nararamdaman ko ngayon.
'Di ko na maintindihan ang sarili ko sa loob ng dalawang buwan. Nakilala ko lamang itong si Mathias ay parang nagkaroon na rin ako ng harang sa sariling ako. Pilit mang iwasan, pero 'di kayang takasan. Ito na ba ang tinatawag na tunay na pagmamahal o isa lamang kahibangan dahil nabibilang ako sa mga taong mukhang malabong makahanap ng tunay na kapareha na kayang mahalin maging sinoman ako?
Napatingin ako kay Mathias. He was so perfect. Kaya kung sino-sino na lang na babae ang natatagpuang patay nang dahil sa kanyang itsura. Ginagawa niya itong pambihag. Pero bakit ako? Naakit sa kanya pero 'di niya magawang kuhaan ng dugo?
"Kase, ikaw lang ang taong nakipag-kaibigan sa'kin,"
Naalala kong wika niya no'ng itanong ko rin ito sa kanya. Ipinilig ko na lang ang aking ulo.
Naupo ako sa tabi niya at tumingala din sa langit. Hindi gaanong maulap kaya kitang-kita ko ang maliliwanag na bituin.
At may naalala akong hero sa nilalaro ko. Si Johanna; "If my eyes could become one with the stars," I said.
Ramdam kong napalingon sa'kin si Mathias. Pero 'di ko iyon pinansin. Bagkus, nagkaroon ng ibang salita ang sinabi kong iyon. Gusto kong makita ang lahat. Gusto kong ang aking mata ay parang isang bituin na maliwanag. Natatanaw ang lahat.
"Tumutulo ang luha mo,"
Agad kong pinunasan ang aking luha. Naalala ko ang mga panahong may muntik na akong mahalin no'n. Pinangarap kong tumungtong sa taas at nang makamit ko iyon ay hindi ko na ito nakita pang muli. Ayaw ko nang magmahal dahil naipangako ko sa sarili kong siya lang ang lalaking mamahalin ko.
"Ano'ng naaalala mo?" Tanong nito.
Napalingon ako dito. May naglaro ding tanong sa isip ko pero naituon ko ang isip ko sa pagsagot sa kanyang tanong. "Ang lalaking minahal ko noon," simpleng sagot ko.
"Did he said promise to you?"
"Promise to what?" Napataas pa ang kilay ko. "Wala namang namagitan sa'min, eh. Minahal ko lang siya ng palihim, point." Sagot ko at tumingin ulit sa itaas. "Nagsabi siya sa bituin noon na hindi kami magkakahiwalay. He breaks it like a promise the he made on the brightest stars that everyone see,"
"Does he just break you like a promise,"
"Just break me like a promise," aniko sa kanya. "Sawa na ako,"
"I don't want to break you like that, honey," his husky voice getting through my nerves.
Napangiti ako ng mapait. Sinabi rin kasi iyong ng isang lalaki sa'kin, eh. Lalaking naging bully ko. Lalaking siguro ay namukhaan ang pagkabata ko kaya naging mabait sa'kin. Ang lalaking nagngangalang Reniel Claud Piscante.
"Siguro...... kailangan ko nang umuwi," aniko. "Baka kasi nag-aalala na ang aking mga magulang," dugtong ko. May katotohanan naman ito dahil ayaw nila akong nasama sa isang ito.
"Ihahatid na kita."
HABANG naglalakad kami pauwi sa'min ay may nakita akong lalaki. Kahit malayo ay matatanaw ito dahil sa street light. Curiosity goes up and all I want to do is to see who's the guy that swaying on the road.
"Bakit ba hindi kita agad nakilala?" Nag-echo ang boses nito. The winds blow cold. I looked at my side and no one theres. Nasaan na si Mathias? Kasa-kasama ko lang iyon kanina, ah?
Napahagod ako sa aking braso nang bumuga ulit ang malamig na hangin. Wala akong magawa kundi ang salubungin ang lalaking naglalakad sa daan. Huwag niya lang sana akong mapansin.
"I just break you like a promise!" Sigaw niya. Parang linya ko kanina na-- "Just break me like a promise,"
Palapit nang palapit. Kinakabahan ako. Kung sakaling susulyap ito sa gawi ko ay tatakbo ako.
Gaya nga ay nangyari iyon. Humaripas ako ng takbo hanggang sa makarating sa tapat ng bahay namin. Tanaw ko pa ang lalaking nakatingin sa pwesto ko pero isa na lamang itong itim na anyo. Nakahinga ako ng maluwag nang bumukas ang pintuan. Pero sa halip na mga magulang ko ang makita ko ay mukha ni James ang nakita ko.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Maarte kong tanong sabay pasok sa loob. Ayaw ko ng maulit ang gabing ito.
"Bakit ngayon ka lang?" Paglihis nito sa tanong ko.
"Sagutin mo muna ang tanong ko," sagot ko dito.
Bumuga ito ng hangin. "Kinakausap ni mama si tita at tito," sagot nito. "At ikaw?"
Tumirik pa ang mga mata ko para mag-isip ng palusot pero sa huli ay ang itay ko ang sumagot nito.
"Nakipagkita sa isang bampira, hindi ba, anak?" Tanong nito at nagcross arm. Alam kong masasabon ako nito mamaya at maraming itatanong sa'kin na dapat kong sagutin ng totoo.
"Opo, itay. Pero wala naman pong nangyari sa'king masama, eh," paliwanag ko.
"Eh, 'di, nakipagkita ka nga?" Kunpirma ni James.
"Bakit? May angal ka?"
"Hindi ka naman dapat pumupunta sa gano'n, eh." Sermon sa'kin nito.
"Ikaw si itay? Si inay?"
"Krist!" Saway sa'kin ni inay na kakadating lang. "Huwag kang sumagot ng ganyan lalo na kung hindi mo kaano-ano ang sinasabihan mo," dugtong pa nito na nagpabigla sa'kin.
Napalingon ako kay itay. Nakacross arm pa rin ito habang nakatingin sa'kin at hinihintay ang aking magiging sagot. Pero nanatili lang akong nakatayo habang nakaharap kay James.
Tumingin ako sa ate ni James. Nakatingin din ito sa'kin na may halong ngiti sa mga mata. Umiwas ako at tumingin kay tita na gano'n din ang tingin sa'kin. Ano ba'ng problema nila at bakit sila nakangiti?
"Ano'ng mayroon?" Tanga kong tanong.
"Anak, hindi mo pinsan si James. 'Yung asawa ni tita mo ay may anak at si James iyon. Naging mag-asawa sila na may anak sa ibang kapareha." Paliwanag ni inay.
"Pero bakit ang tagal ninyong sabihin iyon sa'min?" Tanong ko at pumasok sa loob. Nakakasama lang ng loob dahil myembro ako ng pamilya tapos 'di ko alam ang mga nangyayari.
"Kahit naman ako ngayon ko lang nalaman. No'ng pumunta ang tunay kong nanay sa bahay para kuhanin ako pero 'di ako sumama dahil masaya ako kahit wala siya," paliwanag ni James na sumunod pala sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Pero bakit ngayon lang?"
"Sa tagal ng panahong ay nalimutan na namin ang ugnayan namin ng noon." Sagot ni tita.
"Hindi ko matanggap na sa tinagal-tagal ng panahon ay ngayon ko lang malalaman na hindi ko pala kadugo si James," malungkot na wika ko.
"Pwede pa rin naman kayong magbonding, eh. Pwede niyo pa rin naman ituring na magpinsan ang isa't-isa," sagot ni itay.
"Pero 'di pwede," wika naman ng ate ni James.
"Bakit 'di pwede?" Wika ni inay at napatingin lang ako sa mga ito habang nakikinig.
"'Cause James have different feelings from Krist even they called as "cousin"," anito at nagsign pa.
Nanlaki ang mga mata kong unti-unting dumadako sa tabi ko. My heart pound hard. "Bakit?" Tanong ko na halos pabulong na lang at kami na lang dalawa ang makakarinig.
"Syempre, iba 'yung daloy ng dugo sa tunay na tinitibok ng puso," wika ni itay.
"Wala naman akong pakialam. Wala namang nakakaalam na magkamag-anak kayo dahil lahat naman tayo ay laging pami-pamilya lang ang iniisip. Hindi pa tayo nalabas ng mga magkakasama at ang turingan ay magpapamilya." Wika ni tita.
"Paano po 'yung mga kalaro namin no'n?" Tanong ko dahil ang iba naman ay nakakasalubong pa namin sa tabi-tabi. Baka bigla na lang magtanong kung bakit gano'n ang nangyari.
Pero magiging kami nga ba? Super dami nang pumapasok sa isip ko. Bakit ngayon pa nila sinabi ito? Para tuloy sasabog ang aking ulo dahil sa dami ng nangyari. Si Reniel na isa sa mga past ko ang muling nagbalik at naging mabait sa'kin. 'Di ko alam kung ginagawa niya lang iyon para makabawi.
Si Mathias na isang bampirang gustong magkaroon ng kaibigang mortal. At ako 'yon. Iba ang liwanag ng aking mukha kapag nasisilayan ko ang mukha ni Mathias.
At si James na all time cousin ko pero wala palang iisang dugo ang nag-uugnay sa'min. Masaya man ako dahil naging parte ako ng buhay niya, pero nalulungkot ako sa katotohanang hindi kami magkadugo.
At isa pa sa tumatakbo sa isip ko, ang katangahang pag-iisa na hindi ko akalain may switchin' do'n. Natulog akong si Mathias ang katabi pero nagising akong si Reniel ang aking mabubungaran.
"Anak?"
"Those memories of us were just an imagination?" Naitanong ko na lamang nang gambalain ni itay ang aking isip.
"Hindi imahinasyon iyon. Totoo ang lahat ng iyon. Ang kaibahan nga lang--"
"The feelings of James is different to the real feelings of cousin, isn't it?" Tanong ko kay tita.
Auntie's nodded my question. "Wala naman akong pakialam sa kasarian niyo. Ngayon pa't umamin din sa'kin si James na nagkakagusto na rin siyasa lalaki," natatawang wika nito.
Napangiti na lamang ako. Pero lunod pa rin ang isip ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Para akong nasa isang istoryang 'di malaman kung may katapusan, eh. Kung isa na lamang akong hero sa nilalaro kong online games. Isa sa mga magigiting na manlalaban. Amora. Ang heroine sa online game na puso ang ginagamit para lumaban.
Sana gano'n din ako. Pero 'di ako marunong lumaban. Marunong lang akong magmahal.
~*~ ~*~ ~*~ ~*~