A MATHIAS ARCILLAS
-Krist-
"Ihahatid na kita sa inyo. Baka mamaya ay du'n ka na naman magpunta at makipakita ka pa kay Mathias the vampire na 'yun," wika ni Reniel.
"Bakit concern ka sa kaibigan namin, aber?" Mataray na wika ni Jade. "Bakit 'coz? Naiinlove ka na ba sa kanya?" Diretsang tanong nito na kinakilig ng iba pa naming kasama.
Patungo pa lang kasi kaming gate. "Kapag nga inlove ako sa kanya, may magagawa ba kayo?"
Alam kong sinasabayan niya lang ang tanong nina Jade pero kumabog ng malakas ang dibdib ko. 'Di ko alam kung bakit nakikita ko sa kanya ang persona ni Mathias Arcillas.
Mula kasi nang magpakilala ito sa'kin. Mag-isa lang ito. Isang bully. Isang taong nabubuhay sa kung anong gusto niya. Na parang si Mathias Arcillas. Isang bampirang may kakayahang mamuhay sa paraang gusto nito.
Napailing na lang ulit ako. Si Mathias na naman ang nasa isip ko. Ayaw ko nang makipagkita dito dahil napapahamak ako. Baka kung ano pa ang sumunod na mangyari sa'kin. Ayaw ko ring sirain ang pangakong binigay ko sa mga magulang ko. Kahit wala naman talaga.
"Ayan, nasa malalim na namang pag-iisip si Krist. Huwag niyo kasi siyang ibully," wika ni Dean.
"Eh, kung ipalo ko kaya sa'yo 'to?" Aniko at ipinakita ang mga librong hawak ko.
"Bakit hindi mo kuhanin kay Krist 'yang mga libro ng magkaroon ka naman ng points?" Tanong ni Jade kay Reniel.
Huminto ako sandali para makalayo sa kanila. Gumagawa sila ng paraan para magkalapit kami ni Reniel without knowing the whole details of us.
Nagkatinginan kami ni Reniel. Alam ko ang tingin na iyon. Pareho kaming napangiti at natawa. Alam naming takang-taka ang mga kasama namin pero wala kaming pakialam.
Tuluyan na nga akong lumapit kay Reniel at iniabot ang libro. Ayaw na nitong matukso. Ayun ang sinasabi ng isip niya at ginamit niya ang kanyang mga mata upang hindi magkaroon ng mga salita.
"Ito na, babe," wika ko. Nawa'y hindi siya magulat sa tinuran ko.
Pero ang loko, namula. "B-babe," utal-utal na paguulit niya sa ginawa kong callsign.
"Bakit?"
"W-wala, t-tara n-na," utal-utal na wika nito.
Tumango ako at hinawakan ko ang isang kamay niya. 'Di ko alam kung bakit sa bigat ng libro ay inisang kamay niya ito.
"Kinikilig ako!" Tili ni Dean.
Pero iba ang nararamdaman ko. Para akong kinuryente na 'di ko maintindihan. Binitawan ko ang kanyang kamay sa pagbabakasakaling mawala ang init na naramdaman ko. Pero hindi rin nangyari nang tumingin ito. Nagkaroon ng lumilipad na paru-paro ang aking tiyan sa 'di maipaliwanag na dahilan. Si Reniel ito. Hindi si Mathias Arcillas na isang bampira.
I just looked at my heart when someone held it. Pumikit-pikit muna ako bago ako tumingin sa nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa'kin. And it was Jake, one of my classmates.
"Pwedeng makisabay? Gusto ko lang din kasing makita ang Glamour Village, eh," wika nito.
"Hindi naman sila pupunta ng Glamour Village," aniko at inalis ko ang kamay nito na nakahawak sa'kin.
"Eh, sa'n kayo pupunta?" Tanong nito nang binilisan namin ang paglalakad. Jake was a typical womanizer than Reniel. Marami mang mas gwapo dito ay nabibihag niya pa rin ang babae sa 'di ko alam kung paano.
"Sino ba ang nag-imbita do'n?" Tila inis na inis na wika ni Dean.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Malibog ba ang isang iyon?" Tanong ko habang kumakamot.
Pagkatapos kong magkamot ay hinawakan ni Reniel ang aking kamay na nagdulot ulit ng init sa'king katawan.
Nilingon ko ito. Nakangiti itong nakatingin sa'kin. Hawak pa rin ang librong pinahawak ko. Hindi man lang nahirapan kahit ilang metro na ang nalalakad namin.
"Oo, malibog ang isang iyon," sagot naman ni Jade kaya napabaling ang tingin ko dito. Nakanguso ito. "'Yung pinsan kong iyon ay sobrang sama ng ugali, 'di man lang naisip na isa rin akong babae," pagmamaktol nito habang nakanguso.
Nagtawanan naman kami. Apat lamang kami pero 'yung ingay na nagagawa ng dalawang babaeng ito. At napakurap ako. "So malibog din itong si Reniel? Lahi niyo, eh?" Tanong ko.
"Hindi, ah—,"
"Hindi, ah—,"
Sabay na wika ng magpinsan. Nagkatingin pa ang mga ito at tumawa.
"Malayo naming kamag-anak iyon. 'Yung pinsan ng mga magulang namin ay anak iyon," paliwanag ni Jade.
Nakahinga ako ng maluwag. "So, wala tayong kasamang manyak?" Tanong ko at lumingon kay Reniel. Alam kong naiinis na ito.
Bigla ko na lang naalala ang halik na ginawad nito sa'kin. Tumutugma, eh. Magkamag-anak sila ni Jake na isang womanizer, at isa rin itong womanizer na huminto na yata sa 'di malamang dahilan.
At naalala ko rin si Mathias. Kumusta na kaya ito? Umaga ngayon. Nagtataka ako kung nasaan ito tuwing umaga. Kung saan ito natutulog tuwing umaga. Si Mathias na unang nagabot ng kamay upang makipagkaibigan.
Naalala ko rin ang araw no'ng bata pa lamang ako. Kasama ko si James na pinsan ko. Siya lang ang naging kaibigan ko. Lagi kaming magkasama. At ngayon, lubos akong nangangailangan sa kanya. Gusto kong tulungan niya ako sa kinakaharap ko ngayon. Wala naman akong alam sa pag-ibig kaya nalilito pa ako kung ano ba dapat.
"Natulala ka na riyan?"
Napalingon ako kay Jade. "Pasensya na, may iniisip lang," aniko at nag-peace sign.
"Gandang apology and reason of." Wika ni Reniel na sinundan ng pag-iling.
"Sorry naman, namimiss ko lang naman ang pinsan kong si James," wika ko at inunahan na sila sa paglalakad.
Pero bago ako makarating sa bisikleta ko ay kinuha ko na ang mga libro ko. "Salamat," aniko at umalis na.
Siniksik ko sa bag ko ang mga libro. Mahirap nga naman mag-one hand kahit pababa ang kalsada. Ayaw ko pang mamatay, 'no?
Pero habang lumalayo ako sa paaralan ay parang may naiiwan. 'Di ko alam kung ano. Gusto ko mang lumingon ay 'di pwede dahil mawawalan ako ng balanse.
Ilang kilometro na ang pinapadyak ko pero parang ang lapit ko pa rin sa unibersidad. So, I decided to looked back pero dilim lang ang nakikita ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil bakit madilim? Lumingon ako sa harap at laking gulat ko dahil nasa harap ko si Mathias. Para itong galit sa paraan ng pagtitig nito.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong nito.
Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang tignan ang kanyang mukha kung galit lang ang makikita ko do'n. "Nag-nag," hindi ako makasagot ng ayos dahil wala naman talaga akong ginawa.
Anong oras nga pala ako umalis sa unibersidad. Maaga pa ba iyon? O gabi na dahil sa kwentuhan naming apat? "s**t," nasambit ko na lamang at napatingin kay Mathias. "Nakipagkwentuhan lang naman ako—"
"Nakipagholding hands ka kay Reniel?" He cutted me off with that word.
Napaamang ako. Paano nito nalaman ang ginagawa ko kanina?
"At hindi mo man lang sinaway ang kamag-anak nito na hinawakan din ang kamay mo." Matigas na sambit nito.
"I didn't mean anything," ayun lang ang nasabi ko dahil wala akong makapang dahilan sa utak ko. At alam ko rin namang mababasa nito ang nasa isip ko dahil isa itong pambihira.
"Alam mo ba kung bakit ganito ako?" Sigaw na tanong nito.
Alam kong walang makakarinig sa'min dahil nasa tapat kami ng mansyon. Isang kilometro pa mula sa bahay ni Aling Nena. Isang kilometro ulit para sa bahay namin.
Nagtaka ako sa mga sinasabi nito. Bakit ganito na siya bigla? "B-bakit nga ba?" Nagtataka kong tanong.
"Dahil mahal kita,"
Ang sagot niya ang naging dahilan upang tuluyan akong matumba sa bisikleta ko. Hindi man lang ako nito tinulungang itayo at nanatili lang itong nakatayo sa harap ko.
Ang ginawa ko na lamang ay inayos ang aking bisikleta at inakay ito habang naglalakad papalayo. Ayaw kong marinig iyon. Hindi man ako nakaranas ng pakikipagrelasyon, alam ko naman ang kosikwensa niyon dahil nagsasabi sa'kin si James.
"Ano?" Tanong nito na sumusunod na pala sa'kin.
"Ang hirap namang sagutin ang salitang hindi naman tanong," wika ko dito at pinagpatuloy ang paglalakad.
Hangga't maari ay gusto ko nang makauwi at makapagpahinga.
"May gusto ka na ba kay Reniel, ha?"
Hinarap ko an siya dahil sa tanong niya. Binitawan ang bisikleta at sinampal ito. Sumama ang tingin ko dito dahil paano nito nalalaman na may gusto ako kay Reniel? Hindi man lang ako tanungin kung mahal ko rin ba siya?
"Wala akong gusto sa lalaking iyon, okay?" Aniko.
Nakita ko itong gulat na gulat sa ginawa ko. "B-bakit mo nagawa iyon?" Nauutal na tanong nito.
"Hindi mo man lang kasi ako tinanong kung mahal din ba kita. Bigla mo na lang siningit ang putanginang si Reniel," sagot ko sa tanong niya.
Nanlaki ang mga mata nito. Hinaplos ang nasampal na parte ng kanyang pisngi. Mabigat ang aking kamay. Alam kong kahit mahina lang ang palo ko at malakas ang impact niyon dahil sa lapad nito.
"M-may nangyari b-ba sa'tin?" Ako naman ang nagtanong dahil naalala ko ang nangyari kagabi.
"M-mayroon. At do'n ko din nalaman na gusto kong mabuhay kasama ka," wika nito na kinakilig ko.
Parang gusto ko itong yakapin ng mahigpit at halikan. Teka? Mahal ko na ba siya? Pinakiramdaman ko ang aking puso. Maayos itong tumitibok. Pero kapag kaharap ko si Reniel ay halos 'di ako makahinga ng dahil sa sobrang kaba.
"Liwanagin muna natin ang lahat bago tayo tumungtong sa sinasabi mong pagmamahal," aniko na lamang dahil wala na talaga akong masabi.
Talaga bang mahal ako nito? O minahal lang ako dahil sa nalaman kong may nangyari sa'min? Oh, Mathias Arcillas, ginugulo mo ang magulo kong isip.
~*~ ~*~ ~*~ ~*~