NAKAUPO PA RIN si Tanya sa may baitang na hagdanan sa labas ng malaking pinto ng kanilang mansiyon. Habang ang mga mata ay nakatanaw sa may gate. Dilim na pero wala pa ring sasakyan ni Karzon na sumusundo sa kaniya. Pero sa pagkakaalam niya, alas kuwatro pa lang ng hapon ay nakabalik na ito sa Manila. Pero bakit alas siyete na ng gabi ay wala pa rin ni anino ng sasakyan nito? Nakalimutan na ba siya nitong isama pabalik sa Pagbilao City? Huminga siya nang malalim. “Bakit ba ako naghihintay sa iyo?” aniya na minabuti na ang tumayo mula sa pagkakaupo. Kung ayaw naman siya nitong balikan sa bahay nila ay walang problema sa kaniya. Papasok na sana si Tanya sa may pinto nang makita naman niya ang paghinto ng sasakyan sa labas ng gate nila. Biglang bumundol ang kaba sa dibdib niya nang makit