“WHY ARE you staring at me?” Sa halip na magbawi ng tingin si Tanya ay nginitian pa niya si Karzon. “Bakit? Kinikilig ka?” pang-iinis pa niya sa kaniyang asawa. “Kilig? Tss. In your dreams,” ani Karzon na ibinalik ang tingin sa diyaryong binabasa. Si Tanya kasi ang nagdala ng kape ni Karzon sa may pool area. Sa halip na iwan na ito roong mag-isa ay naupo pa siya sa katapat nitong upuan at mataman itong pinagmasdan. “Karzon,” muli ay untag niya rito. “If you’re trying to piss me off, back off, Natanya. Let me read and drink my coffee in peace. Leave me alone,” pagtataboy na nito sa kaniya. “Are you still seeing someone?” May gatla na sa noo nang tingnan ni Karzon si Tanya. “Why are you asking me such a question?” Isinandal ni Tanya ang likod sa kaniyang kinauupuan. “Curious lang.”