NILAPITAN ni Tanya ang kaniyang ama na nagpapahangin sa may pool area nang gabing iyon. Kataka-taka lang na hindi pa ito natutulog. “Dad, bakit hindi ka pa po matulog?” masuyo niyang tanong dito na umupo pa sa kalapit nitong upuan. Pagkuwan ay yumakap sa isa nitong braso at isinandig ang kaniyang pisngi doon. “Mayamaya anak.” “Ano pong iniisip ninyo?” Huminga ito nang malalim. “Ikaw. Ikaw ang iniisip ko, anak. Walang araw na hindi kita inisip simula nang umalis ka ulit sa poder namin ng mommy mo.” Nginitian niya ang kaniyang ama. “Dad, I’m okay. Hindi mo kailangang mag-alala.” “Ang laki ng ginawa mong sakripisyo para lang makabangon ang kompanya natin at hindi tayo pulutin sa kalye.” “Dad, naman. Lahat ng anak, gagawin din po ‘yon para sa pamilya nila na lubos na nangangailangan. Ma