NAHAWAKAN ni Karzon ang kaniyang pisngi na hinagkan ni Natanya. Napabuntong-hininga siya. Pagkuwan ay napatingin sa kape na dinala nito. Kinuha niya iyon at bahagyang hinipan ang umuusok pang kape bago sumimsim roon. Nang matapos si Karzon sa ginagawa niya ay pumunta na rin agad siya sa silid nila ni Natanya. Naabutan niya itong tulog na. Isang sulyap pa rito bago niya hinayon sandali ang banyo. Paglabas doon ay nahiga na rin siya sa kama. Inayos pa niya sandali ang kumot na nakabalot sa katawan ni Natanya. Saka lang nahagip ng tingin ni Karzon ang bungkos ng rosas na nasa vase sa karatig na bedside table ni Natanya. Tipid na ngiti ang gumuhit sa labi niya bago itinuloy ang balak na pagtulog. PAGKATIMPLA NI TANYA NG KAPE ni Karzon ay walang paalam sa asawa na umalis siya ng penthouse