Chapter 13

1633 Words

HUMINGA NANG malalim si Karzon. Pagkuwan ay piniling sundan si Natanya na lumabas sa silid nila. Wala ito sa may salas kaya sigurado siyang nasa may pool area ito. At hindi nga siya nagkamali dahil nakita niya ito roon. Natigilan lang siya nang makita ang ginawa nitong pagtalikod sa may swimming pool. Pagkuwan ay bigla na lang nagpatihulog pahiga sa tubig. “What the,” naibulalas niya na napabilis ang paglalakad papunta sa kinaroroonan nito. Inaninag niya ito sa tubig. Para bang wala itong balak na gumalaw buhat doon. Napatingin siya sa suot niyang pangtrabaho. Sa huli ay hinubad din niya ang suot na sapatos at coat. Pagkuwan ay agad nag-dive para kunin sa ilalim ng tubig si Natanya na kumawag pa nang ipulupot niya sa baywang nito ang isa niyang kamay at dalhin ito sa itaas ng tubig.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD