KUNG TALAGANG walang pakialam sa kaniya si Karzon, bakit siya nito pinaghihigpitan sa ibang bagay? In denial lang ba ito na wala itong pakialam sa kaniya? But deep inside, he really cares for her. Ang sarap mangarap na ganoon nga. Na may pakialam sa kaniya ang malamig pa sa yelo na asawa niya. Aasa ba siya? Napabuntong-hininga si Tanya. Mahirap umasa. Lalo na at napaka-unpredictable minsan ng kaniyang asawa. Sala sa init at sala sa lamig ang ugali nito. “Ma’am Tanya, wala na po ba kayong nakakalimutan?” untag ni Nida kay Tanya. Nasa grocery sila ng mga sandaling iyon. Nang mapag-alaman kasi niya kanina na pupunta si Nida sa grocery ay sumama siya rito dahil wala naman siyang gagawin nang hapong iyon. “Wala na,” aniya matapos makuha ang mga kailangan niya sa pagluluto at sa mga person