NAG-IWAS ng tingin si Tanya nang makita ang pagdating ni Karzon galing sa opisina nito. Akmang babalik siya sa kaniyang pinanggalingan nang sa pagtalikod pa lang niya ay marinig naman niya ang pagtawag sa kaniya ni Karzon. “Natanya, sumunod ka sa study room,” mando pa nito sa kaniya. Nang unti-unti siyang lumingon ay likod na lamang ni Karzon ang kaniyang nakita. Hinahayon ang papunta sa study room nito. At ano naman kaya ang sasabihin nito sa kaniya? Naisip niya ang kape nito na bigla na lamang niyang dinala pauwi kanina kahit na may kalahati pa ang laman. Iyon ba ang issue nito? Huminga muna nang malalim si Tanya bago kagat ang ibabang-labi na sumunod kay Karzon sa study room. Nang makapasok din siya sa loob ng study room ay nagbaba siya ng tingin nang makita ang kaseryosohan na na