“KARZON, RELAX,” natatawa pang inagaw ni Lucas ang hawak na baso ni Karzon na may laman na alak. “Hindi tubig itong alak na iniinom mo,” saway sa kaniya ng kaibigan. Mariin siyang pumikit. Nahilot din niya ang kaniyang sentido. Mukhang masyado siyang naging sobra kay Natanya kanina. Worth it ba, Karzon, huh?! Lumunok siya. Nang makita niya ang sakit na bumalatay sa mga mata ni Natanya dahil sa out of control na mga salitang lumabas sa kaniyang bibig ay parang gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya. Ngunit nasabi na niya. Naalala na naman niya ang isang partikular na eksena sa mismong labas ng gusali ng Montejero’s Group kaninang hapon… Napahinto sa paglabas sa malaking glass door si Karzon nang makita sa hindi kalayuan ang dalawang tao. Natigilan pa siya nang makita niya si Natanya