NAKARAMDAM NG lungkot si Tanya nang bumalik na naman si Karzon sa pagiging masungit nito. Hindi na naman namamansin. May time pa nga na hindi ito umuuwi sa tanghali para sabayan siya sa tanghalian. Minsan sa hapunan, uuwi ito na busog na raw at nakakain na. “Karzon, sabayan mo akong kumain,” lakas-loob na kausap ni Tanya sa kaniyang asawa. Matamis pa niya itong nginitian. Nagbabakasakali na pumayag ito. Siya pa naman ang naghanda ng agahan nito. Gumising siya ng maaga para ipagluto ito. Pero sa halip na siya ang kausapin nito ay si Abi ang pinansin nito. “Makikihatid ng kape sa opisina ko. Pakilagay sa tumbler ko,” utos nito kay Abi. “Sige po.” Hayon na naman ang animo pinong kurot sa kaniyang puso dahil sa ginawang pang-i-ignore sa kaniya ng asawa. Huminga nang malalim si Tanya nang