Chapter 08

1023 Words

MATAPOS MATIMPLA ang kape ni Karzon ay inilagay na iyon ni Tanya sa tapat ni Abi para ito na ang magdala niyon sa kaniyang asawa na as usual ay nasa may pool area na naman. “Baka maghintay ang amo mo na magaling,” aniya kay Abi nang hindi agad ito umalis. Ang tingin ni Abi ay para bang may gustong sabihin pero nagpatuloy sa pagsasalita si Tanya. “Wala na yatang pag-asa na bumait ‘yon. Pinaglihi yata ng nanay niya sa sama ng loob.” “Ma’am…” “What? Tama naman ‘yong sinabi ko. Nasa hitsura din naman niya, eh. At isa pa—” Nang marinig ang pagtikhim sa likuran niya ay saka lang nagawang tumigil sa pagsasalita ni Tanya at animo slow motion pa nang lumingon siya sa kaniyang likuran. Parang gusto niyang matunaw nang makita roon si Karzon na nakatayo. Nang magbawi ng tingin si Tanya ay napal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD