"Ayan na pala si Daddy.. Welcome home, Daddy!" masayang sabi ni Hestia kaya agad na tumakbo si Jasper papalabas.
"Daddy! you're back!" masayang bungad naman ni Jasper kay Raven pagkababa niya sa sasakyan. Binuhat niya ang anak at hinalikan ang noo nito.
"Hey, little guy. How's your day?" tanong niya habang buhat ang anak bago napatingin kay Hestia na naghihintay rin sa kaniya sa may hamba ng pinto at pinagmamasdan siya. Lumabi pa si Hestia na "Did you good today? hindi nagpasaway kay Mommy?"
Tumango si Jasper sa kaniyang tanong. "Yes po, Daddy. We played and watched cartoons then we ate ice cream. Kasi gusto po ice cream ng twins po." kwento pa nito sa kaniya kaya napatingin siya sa kaniyang asawa na impis at hindi pa halata ang tiyan.
"Are you craving for ice cream, Baby?" tanong ni Raven na ngayon ay lumapit kay Hestia at humalik sa labi nito. Yumakap naman si Hestia kay Raven at pinagmasdan ito.
He looks tired, however, dahil sa presensya nilang mag-ina na sumalubong sa asawa ay kahit papaano ay napawi kahit kaunti ang pagod nito.
"You should have told me, para nabilihan kita." sabi pa ni Raven bago humaplos sa tiyan niya.
"I know that, baby. Pero alam ko na busy ka kanina. And besides, I have a car. Malapit lang naman ang convenience store rito sa atin." sabi ni Hestia sa asawa para naman hindi ito mag-alala pa. He told her that she should tell him kung ano ang mga cravings niya at ito ang bibili. Pero alam niyang busy ito lalo pa sa kaganapan ngayon sa kumpanya.
"Okay, but sa susunod na may gusto ka sabihin mo sa akin ha?" anito habang nakatitig sa mata niya. "Medyo nakokonsensya ako na wala akong masyadong oras sa inyo, lalo na sa iyo nitong mga nakaraang araw."
"Baby.. Huwag kang ganyan." sabi pa ni Hestia at pinisil ang pisngi ng kaniyang asawa. "Tara na nga, pumasok na tayo sa loob at marami tayong paguusapan."
Naghanda si Hestia ng Dinner para sa kanilang tatlo. Nasa highchair sa gitna nila si Jasper na siyang sarap na sarap sa pasta na niluto niya. At habang inaasikaso niya si Jasper ay si Raven naman ang umasikaso sa kaniyang pagkain. Sinalukan siya nito sa plato at inalalayan pa paupo sa upuan.
"Thank you, baby." Hinalikan ni Raven ang kaniyang noo bago ito ang naupo naman sa upuan nito.
"I made chocolate pudding, you want me to get it na? or later na lang?" tanong ni Hestia sa kaniyang asawa.
"Mamaya na, after this."
Ngumiti si Hestia at napatingin sa kaniyang asawa na sinimulan ng kumain ng dinner. "Nag-punta kami kay Grandma kanina. She's happy to see Jasper after beeing in the hospital. I told her, we will visit her again soon, and kasama ka na." aniya pa.
"Yes, nabalitaan ko nga kay Mama kanina. She told me na nandoon kayo when I called him about Glen."
Tumango-tango si Hestia at ibinaba muna ang hawak na kubyertos. "So? how's the meeting? ano napag-usapan niyo kanina? si Glen? hindi na man na siya babalik sa kulungan 'no? naawa ako kay Granma, sinisisi niya ang sarili niya sa pagkakakulong ni Glen."
"Actually, I'm kinda upset with Glen. Aminin na natin na may pagkakamali rin siya dahil masyado siyang naging kampante sa project. Hindi dapat niya nag-approve sa project na barat na ibinigay sa kaniya. At hindi madaling sulusyonan ang nangyari. Idagdag pa na nilalaglag tayo at may kapit yung kliyente. Pero wala na eh, what we have to do is move forward. Gawan na lang ng paraan para at least mabawasan yung ibinabato laban sa company."
"So babalik na siya sa kumpanya?"
Umiling si Raven, "That's one thing na kailangan ko na i-discuss sa iyo, baby."
Kumunot ang noo ni Hestia sa sinabi nito. Ngayon ay naging seryoso lalo si Raven. "I was now transfered to Salazar's construction. Ako ang inatasan nila na magpatakbo ngayon."
"What?" gulat na sabi ni Hestia. Kaya naman sinabi ni Raven kung ano ang nangyari at mga desisyon kanina sa meeting. Napabuntong-hininga si Hestia dahil sa kaniyang mga nalaman. "So? ano nang gagawin natin?"
"Masyadong malayo ang location ng kumpanya rito sa bahay." ani ni Raven at biglang nalungkot ang mukha ni Hestia.
Tila alam na niya ang susunod na sasabihin nito. Na marahil ay dahil sa malayo, maaring linggohan na lamang ito makakauwi sa kanila. Oo, malungkot man pero wala naman silang choice. Kailangan nila mag-sakrepisyo ngayon lalo pa at hindi biro ang pinagdadanan ng kanilang pamilya.
Tipid na ngumiti si Hestia, "Don't worry about us. Magiging maayos lang kami ni Jasper rito sa ba-"
"What are you talking about?" Putol ni Raven sa kaniya bago napailing. "There's no chance I'm gonna leave you here."
"Eh sabi mo kasi malayo, so paano--"
"I'm planning to get a condo unit malapit lang sa kumpanya. At dadalhin ko kayo ni Jasper. Baka masiraan ako ng bait dahil aminado na nga akong kulang ang oras ko sa'yo ngayon when you needed it the most dahil buntis ka. Tapos iiwan ko pa kayo rito just to clean up yung kalat na ginawa ni Glen? Hell no, I don't care kung malugi ang kumpanya niya."
"Raven, huwag kang ganyan."
"I know. Kung hindi lang dahil kay Grandma. Pero kung mapapabayaan ang pamilya ko huwag na lang. Kaya you have to come with me, dahil hindi pwede na hindi kayo sasama sa akin ni Jasper. Temporary ko lang naman hahawakan ang kumpanya. Just to help Glen dahil hindi pa siya pwedeng bumalik. I know it's going to be a big adjustment for everyone. But I want you to stay beside me."
Tumango si Hestia at hinawakan ang kamay ni Raven. "Good, then let me become your secretary again." aniya sa asawa na agad ikinailing nito.
"Baby, you're pregnant."
"O bakit? buntis rin naman ako na nagtrabaho sa iyo."
"Nagtrabaho ka sa akin at nabuntis ka, magka-iba iyon." pagtatama ni Raven kaya natawa si Hestia. Sumilay rin ang ngiti sa labi ni Raven bago napainom ng tubig.
"Pero, I'm still pregnant na nagtrabaho sa'yo. And until now, I'm still fixing your schedule. I work as your secretary so bakit hindi mo na lang ako tanggapin ulit? tutal pinaplano ko na rin naman talaga na bumalik sa pagiging secretary mo."
"Na as if I'll let you, knowing that you are carrying not just one, but two babies, Hestia."
"Boss naman." reklamo pa na sabi ni Hestia kaya mas lalong sumilay ang ngiti sa labi ni Raven. Tila nagbalik sa isipan niya ang nakaraan.
"Stop calling me, Boss. I'm your husband now."
"Hmmp mukhang namimiss mo nga eh." putol naman ni Hestia.
"Nope, it's not just that.. it's because, it's turning me on. At baka makalimutan ko na nandito ang anak natin." anito at napatingin sila kay Jasper na busy sa pagkain nito.
Natawa si Hestia at kumindat. "P'wede naman eh. Pagbigyan kita later. Pero pumayag ka na please.. besides, I miss working with you. Saka ikaw na rin ang nagsabi na you wanted us to be beside you. I know malaking tulong kung nasa tabi mo talaga ako kahit pa sa opisina para naman mas maging maayos ang trabaho mo."
"Hindi naman iyon, Baby. I want you beside me, pero iniisip ko rin naman si Jasper. Paano na siya?"
---
"So may mga previous experience ka na rin ba sa pag-aalaga ng bata?" tanong ni Hestia sa babae at tumango ito.
"Yes po, Ma'am. May naalagaan na po ako na baby girl, pero mga 2 years lang po dahil bumalik na sila ng America." paliwanag pa nito sa kaniya kaya naman ay tumango si Hestia. Tiningnan niya ulit ang documents nito. "Sabi dito may anak ka?"
Tumango ang babae. "Yes po, pero maaga po nawala sa akin ang anak ko. Anim na taon pa lang siya. Kaya po ibinuhos ko na lang po sa pagtatrabaho. May inalagaan po akong pamangkin ko. Siya po ang kasa-kasama ko rito sa Maynila. Sakalukuyan ay may trabaho po siya sa isang hotel na nasa malapit lang po."
"Okay sige. Umm. I'm sorry for your loss. So Minirva, right? mukhang okay naman na. Maganda ang records mo at ang recommendation ng agency mo. You can start right away, if you wanted to start tomorrow, much better para ma-familiarized ka rito sa lugar." masayang sabi ni Hestia sa babae kaya lumapad ang ngiti nito. "So tanggap na po ako, Ma'am"
Tumango si Hestia kaya mas lalong natuwa ang babae. "Magiging Stay-in Nanny ka para sa anak ko na si Jasper dahil papasok na ako sa trabaho ulit. But don't worry. Kagaya nang napagkasunduan namin ng asawa ko, M-W-F lang ako sa kumpanya and T-TH ay naka-work from home ako. After ng work ko, you can rest naman na. Maybe sometimes we will ask you to extend pero kapag kailangan lang talaga lalo na if we're going to be late for a meeting or kung may Travel ang asawa ko. Pero malimit lang naman iyon. And of course, you'll received a monthly salary of 20,000 pesos plus health benefits, holiday pay and bonus. And oo nga pala, you have 2 days off every week."
"Naku, Ma'am... Salamat po!" tila naiiyak na sabi ng babae at niyakap siya.
"You're welcome." sabi pa ni Hestia. "Tara ipakita ko ang kwarto mo." Tumayo sila at tinungo ang isa sa mga silid sa condo. "This is going to be your room. I-memessage ko sa iyo mamaya ang code ng pinto, incase lang na hindi pa kami nakakabalik from my check-up sa OB ko."
"Buntis ka Ma'am?" tanong ng babae at tumango si Hestia.
"Yes, I am and twins sila. Kaya kailangan ko rin ng extra help"
"Naku, congratulations, Ma'am!"
"Salamat.. Oo nga pala, pasensya ka na at medyo makalat pa rin ang bahay at hindi pa masyadong naa-yos ang gamit lalo na mga gamit ni Jasper. Kakalipat lang din kasi namin kahapon. Medyo nawindang ako sa gamit ng anak ko."
Naging mabilis ang paglipat nila dahil nais nila na naka-settle na sila sa condo bago sila pumasok sa kumpanya. Kaya malaking tulong rin na may makakaagapay si Hestia kay Jasper. Magaan naman ang loob niya kay Minirva. Sa tingin niya ay mapagkakatiwalaan naman ito.
"Huwag kang mag-alala, Ma'am. Akong bahala sa mga iyan bukas. Chill ka lang, Ma'am"