Chapter 3

2302 Words
"Kumalma ka muna, Kelly. Walang mangyayaring masama sa kaniya, we promised you that. Yes, don't worry. Papunta doon si Raven ngayon. No, hindi ako sasama, bibisita ako kay Grandma ngayon. Oo, babalitaan kita, bye for now." Malungkot niyang ibinaba ang tawag at napatingin kay Raven na nag-bibihis. "Umiiyak siya, hindi ko naman masisisi si Kelly at nag-aalala siya para kay Glen. Sa tingin mo ba makakalabas kaagad si Glen ngayong araw." Lumapit si Raven sa kaniya at hinalikan ang kaniyang noo. "I don't know, but I will do my best." Anito bago humalik naman kay Jasper na naglalaro sa ibabaw ng kama. "Mauuna muna ako, tatawagan na lang kita kaagad. Saka pala, papapuntahin na lang daw ni Mom ang driver niya to get you and Jasper." Tumango si Hestia at tipid na ngumiti. "Baby, Oo nga pala, before ka umalis. May nais sana akong sabihin sa iyo. Mamaya ko sana sasabihin ng gabi. Pero mas okay siguro kung ngayon pa lang ay masimulan na ang paghahanap." "Paghahanap?" tanong ni Raven. "Naisip ko kasi to hire a Nanny for Jasper. Yung makakatulong ko sa pag-aalaga sa kaniya." Kumunot ang noo ni Raven, "Akala ko ba ayaw mo ng Nanny?" Tumango siya, dahil iyon talaga ang napagkasunduan nila noon pa man, na hindi sila kukuha ng Nanny para kay Jasper. Pero nagbago ang isip niya. "I know, but.. I think we need help.. pati na rin sa pag-maintain ng house. Ngayon na medyo makulit na si Jasper, na I'm pregnant again, and mukhang madalas ka ng kakailanganin sa company, sa tingin ko ay kailangan ko ng makakatuwang sa bata pati na rin dito sa bahay." Biglang lumungkot ang mukha ni Raven at lumapit sa kaniya bago niyakap siya. "I'm sorry.. I'm sorry, I wasn't able to help you with everything since this happened to my family. Pasensya ka na kung parang wala akong time sa inyo lalo na nitong mga nakalipas na araw--" "Raven." putol niya sa sinasabi ng asawa bago hinalikan ito. "Ano ka ba? hindi ka nagkukulang okay. Isa pa, naiintindihan ko. Kaya nga rin naisip ko na kumuha na rin ng kasambahay. Para naman ay kahit papaano hindi ka na rin mag-alala lalo pa kapag naiiwan kami dito sa house. Na hindi tayo nag-aalala kung saan natin iiwan si Jasper kapag kailangan natin pumasok sa trabaho." aniya pa bago hinaplos ang pisngi ni Raven. Tila nagtaka naman si Raven sa sinabi niya lalo pa at may nauna na silang kasunduan dalawa, "What do you meant by that? ibig sabihin ba ay papasok pa rin sa kumpanya? pero diba sabi mo hihinto ka muna lalo pa at buntis ka?" "Nagbago ang isip ko. I think kakailanganin mo pa ako sa mga panahon na ito." Nanlaki ang mga mata ni Raven at hinaplos ang pisngi niya. "Are you sure? hindi ka ba mahihirapan?" Umiling si Hestia at ngumiti. "Hindi, at kung mahirapan man ako, I will tell it right away. Ako mismo ang hihinto para hindi ka mag-aalala." "Sabi mo iyan ha?" sambit pa nito kaya tumango siya. Dahil doon ay napapayag niya si Raven. "It's up to you, hire whoever you want." "Yes! thank you!" masayang sabi ni Hestia at dinampian ng halik ang labi ni Raven. "Sige na, mag-iingat ka ha? tawagan mo ako kaagad kung anong update kay Glen at sa kaso." bilin niya sa asawa habang hinahatid ito sa may pinto para umalis na. --- "Glen, laya ka na." wika ng isa sa mga pulis kay Glen kaya nanlaki ang mga mata nito na tumayo mula sa kinauupuang sahig. Halos pagbagsakan siya ng langit at lupa nang dalhin siya rito ng pulis. Ni wala nang nagawa ang lawyer niya dahil mismong lokal na pamahalaan ang nagpa-issue ng warrant para sa kaniya. "Paanong?" "Nasa labas ang pinsan mo." sabi pa ng pulis sa kaniya pagkatapos ay dinala siya sa may assessors upang ibigay ang mga gamit niya. Pagkatapos non ay lumabas na siya at nakita si Raven kasama ang lawyer niya pati na rin ng kumpanya. Nang makita niya si Raven ay agad na bumuhos ang luha niya. Dali-dali niya itong niyakap ng mahigpit habang lumuluha. "Raven! thank you bro! akala ko talaga mabubulok na ako sa kulungan!" palahaw na iyak niya at napailing na lamang si Raven. "Wala iyon." tipid pa na sabi ni Raven pero hindi huminto si Glen sa pag-iyak. "Calm yourself down, Glen. Marami pa tayong pag-uusapan. Ang importante ngayon ay nakalaya ka na." sabi ni Raven kaya naman ay bumitiw ito sa kaniya. "Let's go, sa kumpanya tayo didiretso. Ngayon ay papalabas na sila ng presinto. "Teka, hindi muna ba pwedeng umuwi ako ng bahay? maligo man lang, makapag-toothbrush, makakain ng masarap." "Sa company na, doon ka na maligo. Nandoon na sila, Dad." sagot naman ni Raven habang papunta sila sa sasakyan. Napatingin pa ito sa dalawang lawyer na kasama nila. "Sa company na lang tayo magkita. Sa akin na siya sasabay." "Sige po, Mr.Salazar." sagot ng dalawa. Nang makarating sila sa sasakyan ay hindi pa rin akalain ni Glen na nakalabas na siya. Kagabi pa man ay iniisip niyang habambuhay na siyang makukulong dahil din naman ay at fault siya sa nangyaring trahedya. Alam niya na mahirap kalabanin ang local na pamahalaan pagdating sa mga kaso na ganito. Kaya hindi niya alam kung paanong nagawa ni Raven na ilakad ang paglabas niya sa kulungan. "Bro, salamat sa ginawa mo. Pero paano ako nakalabas? sabi sa akin ni Attorney kahapon ay mahihirapan daw tayo na makalaya ako agad." nagtatakang tanong ni Glen. "Walang imposible sa pera, Glen. You know that." sagot ni Raven bago binuhay ang sasakyan. "It's been days simula ng trahedya. Days at parang hindi pa umuusad ang kaso. Nagagalit yung mga apektado dahil parang walang ginagawa ang gobyerno, so they need to act up para hindi maibunton sa kanila ang galit ng mga apektado ng trahedya." sagot ni Raven bago iniliko ang sasakyan sa kanto. "They just need a show, and pumayag na magpyansa tayo. Of course dahil iyon sa kaso na isinampa natin sa kanila." "Kaso?!" gulat na sabi ni Glen at tumango si Raven. "After you, they are planning to release a warrant of arrest para kay Grandma, a part of their plan to act up sa mga nangyayari. Actually nakikita ko na mangyari ito. At sana nung una ay naiayos na at nakapagsampa na tayo. Hindi naman tayo papayag na tayo lang ang sisihin sa nangyari. Alam ko na iipitin tayo, pero ilalaban ko ang side natin lalo pa at pangalan ng pamilya ang nakataya rito." aniya at napatingin kay Glen. "Ito pa lang ang simula Glen, so dapat maghanda ka. Hindi magiging madali ang laban natin na ito." Biglang nalungkot ang mukha ni Glen at parang kinabahan ulit dahil sa sinabi niya. "Ibigsabihin ba n'on ay may posibilidad na bumalik pa rin ako sa kulungan?" "Hindi natin alam. Pero ipanangangin mo na sana hindi." sagot ulit ni Raven at iniabot sa kaniya ang telepono kay Glen. "Tawagan mo si Kelly, kanina pa nag-aalala ang Fiance mo." Agad naman kinuha ni Glen ang telepono at tinawagan si Kelly upang sabihin ang kalagayan niya. At habang kausap nya ito ay tinatahak nila ang kahabaan ng kalsada papunta sa kumpanya ng kaniyang Grandma kung saan si Glen ang President and CEO. Sa bungad ay maraming tao ang nagkukumpulan. Mga pamilya ng mga apektadong pamilya na nasawi sa trahedya. Nag-ra-rally ang mga ito sa labas. Habang ang ilan naman sa mga nagrarally doon ay ang ilan sa mga empleyado ng kumpanya. Wala kasi silang nagawa kundi tumupad sa nais ng pamahalaan na magsara muna sila habang patuloy ang pag gulong ng kaso. Kaya naman ay marami na rin sa empleyado ang galit dahil sa ilang araw na walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba sila sa trabaho o tuluyan nang isasara ang kumpanya. Na siyang nanganganib na talagang mangyari ngayon. "Teka, tama ba na nandito tayo? hindi ba delikado?" "You need to do this, nandito ang apektado sa trahedya. But most importantly our employees. Kailangan na i-address natin sa kanila kung ano na ang estado ng kumpanya." sagot pa ni Raven sa nangangatog na si Glen. "Ngayon talaga? Paano kung pag-baba natin diyan ay barilin tayo o kuyugin tayo ng mga iyan?Bro naman." "Edi tapos na problema mo. Pero sana ma-guilty ka kasi ako, pamilyadong tao. Sigurado ako na hindi ka maililibing, dahil hindi ka hahayaan na ilibing ni Hestia." nakangising sabi ni Raven kaya tila napalunok si Glen. "Parang mas nakakatakot si Hestia sa mga iyan." Tumango si Raven. "Kaya umayos ka dahil gusto ko na rin matapos ang lahat ng ito. Ayoko na maapektuhan ang mag-iina ko." Paglabas nila ng sasakyan ay kinuyog nga sila kagaya ng inaasahan nila. Ngunit talagang hinarap ni Glen ang mga empleyado niya. Ginawa naman nito ang kaniyang makakaya upang ma-address sa mga naroon ang nangyayari. Maaring imposible man ang lumabas sa bibig ni Glen ayon sa pandinig ni Raven. Ngunit alam niya rin naman na gagawin din talaga ni Glen ang lahat ng makakaya niya upang masolusyunan ang lahat ng ito. "Alam ko kung bakit nandito kayo. Naiintindihan ko, lalo pa kung bakit kayo galit sa akin. Pero.. pare-pareho lang na hindi natin nais ang nangyari. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko upang maibigay lahat ng pangangailangan ng mga naapektuhan. At sa mga empleyado namin, ipapangako ko naman na magbubukas ulit ang kumpanya sa lalong madaling panahon." Hinayaan ni Raven na si Glen ang humarap sa mga naroon, na tila hindi naman nagustuhan ng ilan sa mga board. Lalo pa at hindi kalaunan ay nagpadala ng ibang staff para kunin ang dalawa sa harap at dalhin sa conference room ng kumpanya. "It is not yet our plan to talk to the public. Hindi dapat nagsalita si Glen sa mga tao na nasa labas lalo lang makakalala sa nangyayari lalo pa ngayon na kakalabas niya lang sa kulungan." Ani ni Atty. Jacob na siyang lawyer ni Glen. "Hindi ba mas lalong lalala ang mangyayari kung tatalikod lang tayo? si Glen na inaasahan ng mga empleyado niya?" tanong naman ni Raven na ikinatango naman ni Glen. "Tama si Raven, mas lalong magagalit ang mga empleyado kung makikita kami na bababa sa sasakyan tapos hindi sila papansinin. Tama si Raven na dapat i-address na ang mga bagay-bagay sa lalong madaling panahon. Lalo pa at ang dami ng apektado sa nangyari." "Ngunit hindi iyon agad ang solusyon." sagot ni Mr.Febras na isa sa mga board. "We should wait a little more. Baka mas lalong mainis at umalis ang mga investors. Not to mention pa na umalis na halos kalahati ng investors natin. Ngayon maaring umalis na rin yung mga natira. Dapat hintayin muna natin ang resulta ng investigation bago tayo kumilos at sumagot sa gusto nila. Tama ba attorney?" Tumango ulit ang lawyer ni Glen. Na agad naman pinabulaanan ng isang attorney. "We already filed our counter demand. Hindi masama kung haharap si Mr.Grimes sa mga tao na nasa labas. Mas lalong sasama ang imahe niya kung makikita siya ng mga tao at hindi niya papansinin ng mga ito." Paliwanag naman ng lawyer na dala ni Raven. "And I think, our employees can't wait for the result of the investigation. Maliban na lang kung willing na magbayad ang kumpanya sa mga empleyado kahit pa na sirado ang kumpanya at walang operations." sagot ng ama ni Raven na kanina pa rin nakikinig kung ano ang magiging desisyon. "The board wont allow it. Masyadong malaking pera ang papakawalan. Not to mention the money that the government wanted us to pay to settle yung mga pamilya na naapektuhan ng trahedya. That money, they are willing to pay it. Yung ibabayad sa empleyado for not working dahil ipinasara tayo, it's impossible na ma-approved ng board. Masyadong malaki ang mawawala, malulugi tayo ng tuluyan." "Pero hindi ba mas lalala kung pati yung mga empleyado natin mawala rin? we don't have a choice but to re-open the company." wika ulit ng nakakatandang Salazar. "Can we do that? can we re-open the company? tutal, nag-kontra demanda na. Siguro naman they will allow." "They will allow." sagot ng lawyer ng kumpanya. "However, they will not allow Glen to manage it. Not now na may on-going case siya. Also, with the medical condition of our chairman, we think, hindi rin posible na siya ang mag-take over. Kung ang vice president naman, the board will not allow it since he is not a Salazar. So ang tanging paraan lang is to assign a new Salazar to take over the position as Chairman. A Salazar na hindi kasama sa kaso ng Salazar Construction. Kapag nangyari iyon, they will allow to re-open the company kahit may on-going case pa. We can continue our projects at makakapagtrabaho ang mga empleyado natin." Sa sinabi nito napatingin ang mga naroon sa kanila ng kaniyang Ama. Lalo pa na sa binanggit ng lawyer ay sila lang dalawa ang maaring mag-take-over sa posisyon ni Glen. "Well, mukhang I have to cancel my retirement, kahit matagal na akong retired." wika ng ama ni Raven. Agad naman napailing si Raven sa sinabi ng kaniyang ama. Alam niya na his dad is not fit to work anymore. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit rin ito maagang nag-retire noon, hindi lang dahil sa dumating si Veronica sa pamilya. May previous madication na ang kaniyang ama for heart disease. At kahit na alam niyang gumaling na iyon ay hindi sila pwedeng magpakampante at hayaan na ang kaniyang ama ang mag-takeover sa problema ngayon. They can't risk it. Kaya kailangan na magdesisyon ni Raven. Wala na siyang pagpipilian pa kundi gawin ang nararapat. "No, Dad. I will take over the company for the meantime." sagot niya na ikinagulat ng mga naroon. "Pero son, paano ang kumpanya mo?" "I will let Glen manage it. While I take over his company."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD