Chapter 5

1780 Words
"Sorry I have to put you two in this kind of situation. Na dapat ay nag-rerelax lang kayong mag-asawa sa sarili niyong kumpanya. Ikaw Raven na you've done so so much for Salazar's Group. At Lalo ka na Hestia, dahil nagdadalang-tao ka. Ngayon ay kayo pa itong gagawa ng paraan para ayusin ang gusot na ginawa namin ng pinsan niyo." sabi ng kanilang Grandma na nasa harapan nila ngayon. Magkahawak ang kamay silang humarap sa kanilang Grandma upang sabihin ang kanilang desisyon na pag-manage muna ng kumpanya nito. Alam nilang nakarating na sa Grandma nila ang naging pag-uusap sa board. Pero nandito sila upang personal na ipaalam ang pag-uumpisa ng kanilang trabaho sa kumpanya bukas. At lalong-lalo na ang kaniyang desisyon na payagan si Hestia na sumama sa kaniya at magtrabaho bilang secretarya. "Granmda, huwag po iyan ang isipin mo. Ang importante po ay ligtas ka at wala na rin sa kulungan si Glen. You know that this family is very important to me and my wife." sagot naman ni Raven sa kaniyang Grandma na siyang pinangsang-ayunan ni Hestia. "Yes po, Grandma. Huwag ka pong mag-alala sa amin ni Raven." Itinaas ni Hestia ang magkahawak nilang kamay ni Raven. "We're a team, Grandma. Besides, I'm the best secretary he has.'" "Oo naman, pinaka-the best." sabi pa ni Raven at hinalikan ang kamay ni Hestia. Kapwa sila natawa pati na rin si Grandma. "You really look good together and look in-love. I'm really glad na nahulog kayo sa isa't-isa." dagdag pa ni Grandma kaya nagkatinginan ang dalawa at ngayon ay inakbayan ni Raven si Hestia. "Swerte ko, Grandma." "Talagang swerte ka sa akin ano." nakanguso pa na sabi ni Hestia kaya naman ay hinalikan na naman siya ng asawa sa pisngi bago mas hinapit papalapit sa kaniya at hinaplos ang impis niyang tiyan. "Pero, Iha? sigurado ka ba talaga na ayos lang kung papasok ka na rin sa kumpanya? isn't going to affect you and the babies? Hindi ba maselan ang pagbubuntis mo ngayon iha?" Umiling si Hestia sa tanong ng kaniyang Grandma. "Hindi po Grandma, sa makatuwid po may approval po ng doctor ko yung pagpasok ko ulit sa office. Healthy naman daw po ang mga babies at hindi naman po sumasama ang pakiramdam ko. The truth is ewan ko ba para pong wala akong paglilihi na nararanasan ngayon. Unlike nung kay Jasper noon." "Mabuti naman kung ganon, I'm sure din naman na hindi ka papabayaan nitong apo ko." "Opo naman, Grandma. Ako pa ba?" nakangiting sabi ni Raven kaya napalabi si Hestia. "Pero lumipat na kayo sa condo?" tanong naman ni Victoria na ngayon ay lumapit habang hawak ang kaniyang apo na si Jasper. "Yes, Mom." Napabuntong-hininga ito. "I hope you two are not having a hard time moving from your own house to that small condo. Alam kong malaking adjustment iyan para sa inyo. And sad at the same time lalo pa at kailangan niyo munang iwan pansamantalaga ang bahay niyo. " "Yes it is a big adjustment, Mom. Pero mas okay na ito, at least malapit lang ang pamilya ko sa akin." ani ni Raven. "Yes, Ma. Mas okay rin po na malapit kami kay Raven, dahil malulungkot po talaga ko kung once a week lang siyang uuwi sa amin." kumento pa ni Hestia at agad siyang pinanlakihan ng mata ni Raven. "Thank will not happen, kasi mauuna pa akong mabaliw kapag nangyari iyon." "Hmm.. clingy." siniko ni Hestia si Raven at napangiti lang ito. "But kids? paano pala si Jasper? nakakuha na ba kayo ng Yaya niya?"Tumango ang dalawa bilang sagot. "Yes po, Ma. Nakakuha na po ako ng Yaya niya. Actually po nasa bahay na po siya ngayon. Pinapunta na namin para naman ay ma-familiar na siya sa area doon sa condo. Saka makapag-impake na ng mga gamit niya." Tumango ang dalawa. "If you two need help, lalo na kay Jasper please don't hesitate to call us okay? I can help naman, kaya ko naman na mag-alaga ng apo ko. Lalo pa at soon madadagdagan na naman." Lumapit si Raven sa kaniyang ina at napangiti. "Mom.. alam namin na pwede kang mag-alaga ng apo mo. Pero nag-aalala kami na baka hindi na namin makuha ni Hestia." Natawa sila, lalo pa at napanguso si Victoria. "Ikaw talaga, Hmmm.. akin na lang kasi ito si Jasper. Gumawa naman na kayo ng bago eh, tapos dalawa pa. Kaya akin na 'to ha?" anito pa bago pinangigilan ang pisngi ni Jasper. Natawa lang sila lalo pa at napahagikgik ang bata. "With what'a happening now? sa tingin ko ay hindi natin kakayanin ang lahat ng ito kung wala ang cute na baby na ito. At lalong mas kakayanin natin dahil may paparating pang dalawa na bagong miyembro ng pamilyang ito." Nagkatinginan si Hestia at Raven dahil tama ang sinabi ni Victoria. Without Jasper, na bunga ng pagmamahalan nila, kung wala mismo ang pagmamahaan nila para sa pamilya. At isama na rin ang mga anak na kaniyang dinadala ay marahil mas mahirap na harapin ang nangyaring ito. Dahil lahat ng mayroon sila ngayon ay ang kanilang natatangging dahilan upang magpatuloy at ipaglaban ang mayroon sila laban sa kalunos-lunos na nangyari. Without it, wala silang magiging inspirasyon. At para saan din ba ang ginagawa nila ngayon, kundi para sa kanilang anak at magiging anak pa. --- "Ang saya nang pagbisita natin kala Mama. And of course I'm happy rin na makita si Grandma na nasa maayos na kalagayan." masayang sabi ni Hestia kay Raven habang nag-dadrive ito ng sasakyan at pauwi na sila sa bagong condo nila. Sa back seat ay naroon si Jasper na mahimbing nang natutulog sa car seat nito. "Yeah, I'm glad na medyo okay na si Grandma. However, I know naman na patuloy pa rin na iniisip niya ng company, at pati na rin si Glen." sagot naman ni Raven bago pasimpleng humaplos sa tiyan ni Hestia kaya sumilay ang ngiti sa labi nito. "How's Glen by the way?" Hestia. Napabuntong-hininga si Raven at itinuon ang pansin sa tinatahak nilang daan. "He's good, much better than the last time I saw him. Sinabi ko na magpahinga muna siya, lalo pa at he was traumatized because of the arrest. And he can start na i-manage ang company natin by next week." Tumango si Hestia at tipid na napangiti. "I hope he'll be okay soon. At sana ay hindi na talaga matuloy ang kaso na gusto nilang idiin sa kaniya." "That will be impossible. But let's hope for the better. Let's hope na magbago ang ihip ng hangin." Nagkwentuhan pa sila habang nasa biyahe. Ilang minuto lang ay narating nila ang condo unit kung saan ang bago nilang tahanan ngayon. Tulog pa rin si Jasper nang makarating sila kaya naman ay binuhat ito ni Raven hanggang sa maakyat sila sa kanilang unit sa 30th floor. Sakto naman na pagkapasok nila roon ay naroon pa ang yaya ni Jasper na si Minirva. "Welcome back po, Ma'am and Sir." bati nito sa kanila. Napangiti si Hestia at lumapit kay Minirva lalo pa at nagulat siya dahil malinis ang buong unit at wala na ang mga boxes na hindi pa nila naliligpit. "Hi! wait.. naglinis ka? anong nangyari rito?" tanong niya at ngumiti si Minirva. "Maaga po ako nag-unpack, Ma'am. Nagligpit po ako at naglinis ng kaunti. Yung mga gamit po ni Baby Jasper inayos ko na po sa silid niya. Pati na rin po yung ilang gamit na para rito sa sala. Yung mga gamit niyo naman po na naka-box ipinasok ko muna po sa kwarto niyo at ang ilan po ay nasa storage area. Pangit po kasi na may mga boxes po rito na naka-kalat, baka po kasi matalisod ka po, at makasama sa iyo." "Aww.. Minerva, salamat. Nag-abala ka pa." aniya at napansin naman ang asawa na nakatingin sa Ginang. "Oh, Oo nga pala, Baby. Hindi pa pala kayo nag-mi-meet ni Minerva ano? So Baby, meet Ate Minerva, siya ang Yaya ni Jasper. Ate Minerva, ito po si Raven ang asawa ko." "Hi, Minerva, nice meeting you." "Nice meeting you po, Ser." bati naman ng yaya kay Jasper. "Um, salamat po sa pagtanggap sa akin dito." "No, Thank you for applying. We really need your help with Jasper." masayang sabi pa ni Raven. "And thank you for today, sa paglilinis at pag-aayos ng mga nakakalat rito kahit hindi iyon ang trabaho mo. I really appreciate it" "Maliit na bagay, Ser. Masaya po ako na nakatulong. Saka para naman po sa safety ni Madam ay ni Baby Jasper." "Teka? what's that smell? adobo ba 'yon?" tanong ni Hestia lalo pa at may naamoy siyang mabago na mula sa kusina. "Um.. Ma'am.. nagluto po ako ng hapunan natin. Adobo po." "Really? favorite ko ang adobo. Bigla po tuloy akong nagutom." napahawak pa sa tiyan na sabi ni Hestia dahil naramdaman niya na nga ang pag kalam ng kaniyang sikmura. "I hope you don't mind po na nangialam po ako sa kusina." nahihiya pa na sabi ni Minerva. Umiling si Hestia at ngumiti, "Make yourself, Ate." "Salamat po, Ma'am." Napatingin si Minirva kay Baby Jasper. "Ser, ilipat ko na po ba siya sa room niya?" "Hindi na, I'll do it. Samahan mo na lang ang Ma'am mo sa kusina at mukhang nagugutom na." Napalabi si Hestia, "Sabay tayo ah." "Go ahead, susunod ako." ani pa ni Raven bago hinalikan ang noo ni Hestia. Masaya naman si Hestia na lumapit kay Minirva at pumunta na nga sila sa may kusina. --- "I like her, magaan ang loob ko kay Ate Minirva. Sa tingin ko talaga ay magkakasundo kami." sabi ni Hestia kay Raven bago tumabi sa asawa na ngayon ay nasa kama at nag-titingin ng emails sa kaniyang laptop. "Yeah I think so. Medyo magaan din ang loob ko sa kaniya. I hope na tumagal siya sa atin." Tumango si Hestia, "Sana nga eh. Tapos ang sarap niya rin magluto 'no? Yung Adobo niya, parang adobo ni Nanay. Na-miss ko tuloy si Nanay." "Invite her na magpunta rito. I'm sure magagalit yon na pinag-compare mo ang adobo niya sa adobo ni Manang Minirva." Natawa si Hestia at pinisil ang pisngi ng kaniyang asawa. "Ikaw talaga!" Mas lumapit siya kay Raven na ngayon ay itinabi na ang hawak niyang laptop. "Are you ready for tomorrow?" Tipid na ngumiti si Raven. "Yeah, and I have to. How about you?" tanong nito sa asawa at tumango naman si Hestia. "Ready na ready!" aniya bago hinalikan ang labi ni Raven. Ngunit hindi iyon ang naing kinahinatnan kinabukasan. Lalo pa na si Hestia na siyang hindi nakaramdam ng paglilihi nitong mga nakaraang araw ay halos hindi na makatayo dahil sa tindi ng pagsusuka at pagkahilo, pagka-gising na pagka-gising nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD