Chapter 1
Nagtatakbuhan ang mga bata, si Nora, Veronica, Janina at Jasper na masayang naglalaro sa malawak na hardin ng mansion. Nagsasaya dahil sa nagaganap na munting salu-salo sa kanilang tahanan. Silang pamilya lang at ilang kaibigan at kamag-anak ang naroon. Habang ang mga matatanda ay masayang nakamasid at nagku-kwentuhan. Tuwang-tuwa naman ang mga bata sa mga bubbles na lumilipad sa paligid dulot ng bubbles machine na inupahan ng mag-asawang Salazar.
"Tignan niyo ang mga bata, ang sasaya nila." Masayang sabi ni Victoria habang nakatingin sa tatlo na naghahagikgikan habang pinuputok ang mga bula.
Makikita mo ang pag-aalaga ng dalawang nakakatandang bata na si Veronica at Nora sa dalawang paslit na si Janina at Jasper. Minsan lang mag-kita-kita ang nga bata kaya naman halata mo ang giliw sa mga mukha nila.
"Ate na Ate si Veronica sa kanila, Balae." Sabi naman ni Mirna na ina ni Hestia.
Sumangayon naman ang mga ito, lalo na si Victoria. "Well, siya na ang bunso at hindi na masusundan pa. Kaya sabik sa nakababatang kapatid. Parang si Raven lang noong dumating si Vern. Talagang giliw na giliw sa kapatid." Masayang sabi pa nito bago napatingin kay Raven na nakaupo at umiinom ng juice. "Kaya no wonder na rin at agad na gumawa ng sariling Jasper, hindi ba Hestia?"
Napangiti si Hestia at pinagmasdan ang anak na masayang-masaya na naglalaro. Sunod ay naramdaman niya ang mga bisig ni Raven na bumalot sa kaniyang baywang. Samantalang nakaupo lang ito kanina, ngayon ay nakayakap na sa kaniya. Sabay nilang pinagmasdan ang kanilang anak na malapad ang ngiti. Hindi nila bukod akalain ang paglipas ng panahon. Parang kailan lang noong nalaman nila na nagdadangtao si Hestia, parang kailan lang noong nakasama at nahawakan nila sa kanilang mga bisig ang musmos na sanggol. Ngayon ay kaarawan ulit niti.
Simple lang ang celebrasyon para sa birthday ni Jasper. Ngayon ang ika-dalawang kaarawan niya. At kasabay ng celebrasyon para sa kaniyang pagkasilang ay ang isang magandang balita rin kanilang ibabahagi sa pamilya.
"Kids are gift from God! Masaya rin ako at malulusog at masayahin ang mga bata dito sa pamilya. At sana nga ay madagdagan pa ang mga bata sa pamilya natin." Sabi pa ni Catalina bago napatingin kay Glen na kasama si Kelly. "Official na yung dalawa, pero ayaw pa rin magpakasal. Kahit apo, ayaw pa tayo bigyan." Anito kaya natawa sila. Saglit pang natigil ang dalawa sa paglalampungan at napatingin sa kanila dahil mukhang nakahalata na sila ang topic sa mesa. Bumakas naman ang hiya sa mukha ni Kelly at hinampas si Glen.
"Hayaan mo na muna, Ma. Baka ma-pressure ang dalawang iyan. Hayaan muna natin." Sabi pa ni Victoria.
Napatingin naman si Mirna sa anak. "Tia? Raven? Kayo ba? Wala pa ba kayong balak na sundan si Jasper?"
Nagkatinginan ang dalawa sabay na napangiti. Dahilan kaya mapakunot ang mga noo ng mga magulang nila.
Parang nag-usap ang mga tingin nila. Nagtatanungan kung sasabihin na ba nila ang masayang balita na nalaman nila nitong nakaraang linggo lang.
Sasabihin na ba natin?
Sabihin na natin..
Muli silang napangiti dalawa. At yumakap lalo si Raven kay Hestia. "Actually po we have news." Sabi ni Raven at napakagat ng labi si Hestia.
Natahimik naman ang mga nasa harap nila na tila nagtataka kung ano ang sasabihin nila. Ngunit dahil sa topic ay tila agan na-gets ng mga ito, lalo na si Mirna.
"Hoy! Huwag niyong sabihin?!" Ani ni Mirna at napaturo sa dalawa.
Kumunot naman ang noo ni Victoria "Wait? What do you mean, huwag sabihin? Anong meron?"
"Are you pregnant, iha?" Diretsong tanong ni Catalina.
"Mama! Omg! Teka? Totoo ba?" Gulat na sabi ni Victoria at agad na kumintab ang mga mata na napatingin sa kanila.
Agad naman nilang kinumpirma ang balita. Kapwa sila tumango dalawa, kaya naman ay mas lalong nabalot ng tuwa ang mga mukha ng mga ito.
"Og my god! Really? You're pregnant?!"
Tanong ulit ni Victoria.
"Yes po, Ma." Anito bago hinawakan ang kamay ni Raven. "Actually, we're planning po sana na sabihin in a different day, para hindi masapawan ang birthday ni Jasper."
"Ano ba kayo! Naku! Dapat lang at sinabi niyo na!. Hayy! Ang saya-saya namin!" Sabi pa ni Mirna sa kanila.
"Oo nga. Oh my god!"
"Well, napag-usapan din kasi namin ni Hestia na saka na sabihin. It's still under observation dahil nasa early stage pa." Paliwanag pa ni Raven.
Tumango si Hestia. "We don't want to upset the family incase na may mangyari sa twins. Since it's still early pa talaga"
"Wait--- twins?!" Sabay-sabay na sabi ng mga ito tila hindi makapaniwala. Nakatawag naman iyon ng pansin kala Glen pati na rin sa mga ama ng tahanan na kasapukuyan nagbabantay sa mga bata.
Muling nagkatinginan ang dalawa at tumango. "Yes po, twins."
"Hestia is pregnant with twins." Kumpirma pa ni Raven kaya mas lalong napasigaw ang mga ito sa labi na tuwa.
Kambal na saya ang naramdaman ng buong pamilya dahil sa balita na sinabi nila. Bukod pa doon ay wala na atang mas sasaya sa mag-asawang Raven at Hestia dahil sa magiging bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Ngunit ang araw na iyon ang naging simula ng totoong hamon sa pamilya nila. Dahil kung kambal na saya ang naramdaman nila. Ay tila kambal din ang pagsubok na haharapin nila. Lalo pa at kambal din ang dumapong kamalasan sa buhay nila.
---
Dalawang bagyo ang pumasok sa bansa, magkasunod ito kaya naman double ang pinsala. Ilang araw ng walang tigil ang pag-ulan dahilan upang maglikha iyon ng labis na pinsala at pangamba sa mga taong nasa apektadong lugar. Mataas ang baha dahilan upang lumikas na ang ilan, samantalang marami pa rin ang naiwan sa kanilang mga tahanan.
The New City, isa sa malalaking proyekto na hawak ng Salazar construction ang sinisisi ng mga tao dahil sa matinding baha. Bago pa man masimulan ang proyekto ay nakatanggap na ito ng labis na eskandalo. Pareho na kinokontra ng mga tao na nakatira sa paligid ng site, at kinokontra rin ng ilang Environmental organization lalo pa at apat na bundok ang apektado sa construction. At nasimulan na nga ang pagpatag ng isa sa mga bundok bago pa man dumating ang bagyo.
Hindi nila alintana ang nangyari. Lalo na ang isa sa mga kinakatakutan ng mga nakatira doon ay nangyari na nga.
---
Napakalakas ng ulan. Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising si Raven sa walang tigil na pagtunog ng kaniyang cellphone. Antok pa man, ay kinuha niya ang telepono sa may side table at tinignan kung sino ang tumatawag.
Glen is calling...
"Sino 'yan?" Tanong ni Hestia na tila naalimpungatan din.
Tipid na ngumiti si Raven. "Si Glen, sagutin ko lang baka emergency. Matulog ka na ulit baby."
Napatingin si Hestia sa may bintana. "Later, silipin ko muna si Jasper sa kwarto niya. Ang lakas ng ulan baka nagising din iyon."
Tumayo si Hestia upang puntahan ang anak. Habang si Raven ay napaupo sa kama at sinagot ang tawag ng kaniyang pinsan.
"Hello--"
"Raven! We have a problem." Putol nito sa kaniya. Halata ang pagkataranta sa boses nito kaya naman ay nawala ang antok niya. "Dude! I don't know what to do!"
"Calm down. Teka, anong nangyari?" Tanong niya sa pinsan.
Halata sa boses nito ang pagkataranta, na tila umiyak din ito. Ang nasa isip niya ay baka may problema ito at ang kasintahan. Ngunit higit pa pala doon ang dahilan ng pagtawag nito.
"Kumalma ka at sabihin sa akin kung ano ang problema?"
"Raven, yung site gumuho."
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya naisip kailan man na maari itong mangyari.
"What do you mean na gumuho ang site?"
"Ewan.. bumaha... Tapos siguro lumabmot yung lupa. Nagkaroon ng sinkhole sa main site.. tapos landslide sa paligid."
"Ano?!" Napasapo siya sa kaniyang mukha. Iniisip na sana ay panaginip lang lahat ng ito. "May casualties?"
Hindi ito nakasagot. "Glen, may casulaties?! Sagutin mo ako."
"Marami, Raven. For now kinukumpirma pa kung ilan."
Dahil sa sinabi nito ay napahinto si Raven. Ngunit hindi pa pala doon natatapos ang lahat.
Pumasok sa loob ng silid si Hestia bitbit si Jasper at nasa kabilang kamay naman ni Hestia ang kaniyang telepono. Bakas ang takot at pagkabahala sa mukha nito. "Raven! Tumawag si Mama Vic! Sinugod si Grandma sa hospital dahil sa heart attack!"