Bumukas ang pinto ng silid at pumasok si Raven at Hestia. Bumungad sa kanilang harapan ang itsura ng kanilang Grandma na nakahiga sa hospital bed nito at walang malay habang naka-dextrose at oxygen.
"Mga anak," basag ang boses na sambit ni Victoria nang makita sila. Hindi alintana ang pagsugod nila lalo pa sa ganitong oras.
Bumakas naman ang pag-aalala sa mukha ni Raven at Hestia dahil na rin sa mga nalaman nilang nangyari.
"May bagyo, hindi na muna sana kayo sumugod ng ganitong oras. Alam niyong delikado. Teka? nasaan si Jasper? sino ang naiwan sa kaniya?" tanong nito nang may pag-aalala.
Si Hestia ang lumapit sa Ginang at pinisil ang kamay nito. "Huwag po kayong mag-alala. Nasa bahay po si Kelly, pumunta sila ni Glen kanina, nakisuyo muna po ako, hindi rin kasi namin pwedeng dalhin dito."
"Tama, makakasama sa bata, ikaw ba iha? maayos lang ang pakiramdam mo. Dapat hindi ka rin padalos-dalos. Makakasama iyan sa mga dinadala mo."
Tipid na ngumiti si Hestia at umiling, "Maayo lang po ako, Ma." Napatingin si Hestia kay Grandma nila. Sa sandaling ito ay lumapit si Raven at hinawakan ang palad ng kaniyang Grandma na walang malay.
"Kamusta si Grandma, Mom?" agad na tanong ni Raven sa kaniang ina, halata ang pagtataka sa mukha dahil walang malay ang kaniyang Grandma.
Umiling naman si Victoria bilang sagot, tila hindi sigurado sa kaniyang sasabihin sa kung anong kalagayan ng kaniyang mother in -law. "She's still not stable. Halos mag-agaw buhay siya kanina. Salamat sa Panginoon at na-revive si Mama. Kung hindi, hindi ko alam ang gagawin ko. Namin ng Daddy niyo." naluluha na naman na sabi ng Ginang habang inaalala ang mga kaganapan kanina at malamang ay na-trauma ito sa nangyari.
"Nasaan si Daddy, Mom?" tanong ni Raven sa ina.
"He was here, a while ago. But he has to go sa company ni Mama para tignan ang mga kaganapan doon ngayon. He has some of the board on the phone kanina. Si Glen ba nasaan? kasama niyo 'di ba?"
"Kanina, Mom. Hinatid lang din kami, sabi niya rin ay pupunta siya sa Salazar's construction. Baka magkasama na sila ni Dad ngayon." aniya at napabuntong-hininga. "Mom? gaano ba katindi ang nangyari, tinatanong ko si Glen kanina pero hindi siya sumasagot. Kung makikita niyo siya kanina ay tuliro siya at talagang hindi na alam ang gagawin."
Umiling ang Ginang sa kaniyang tanong. Sumabay din nakita sa mukha nito ang awa sa pamangkin. "Son, the truth is, hindi ko rin alam. Kaya nga naroon din ang Daddy mo ngayon sa Salazar's construction ay para malaman kung gaano ka-grabe ang nangyaring sakuna." Napatingin ito sa kaniyang mother in law. "Ang importante ngayon ay ang kalusugan ng Grandma niyo. I can't manage to loose someone in the family right now. Hindi ang grandma niyo at hindi rin kakayanin ng Dad niyo." Sunod naman na tumingin ulit si Victoria kay Hestia. "Ikaw rin iha, nag-aalala ako sa'yo, lalo na sa kalagayan mo."
"Mama, ayos lang po ako at ang mga baby, sabi naman ng doctor ko ay maganda ang pagbubuntis ko at hindi maselan. Kaya I will try po tumulong, pwede po akong mag-bantay kay Grandma rito, sasamahan po kita." sabi ni Hestia sa kaniyang biyenan.
Agad naman na ikinailing iyon ng Ginang, "Salamat, iha. Pero siguro mas makakabuti kung sa bahay ka lang. Delikado rito sa hospital at hindi purkit na hindi maselan ang pagbubuntis mo ay ligtas ka na rin na hindi mahawaan ng mga sakit rito sa hospital. Tandaan mo may paslit ka pa sa bahay niyo. Kaya mamaya ipapahatid ko na kayo at babalitaan na lang kung ano ang nangyari sa Salazar's construction."
---
Dalawang araw ang lumipas simula nang mangyari ang trahedya. Nanatili sa hospital si Catalina para mas makasiguro na mapabuti ang kalagayan nito. Samantalang ito pa lang ang umpisa ng pagsubok sa buong pamilya nila. Hindi biro ang nangyari, hanggang ngayon ay mainit pa rin ang mga kaganapan hindi lang sa kumpanya kundi maski na rin sa publiko.
"Sigurado ka ba na ayos ka lang diyan? baka gusto mo na lumuwas kami, ano ba ang pwede namin na maitulong diyan?" tanong ng kaniyang Nanay na nakikibalita ngayon sa kaniya. Simula nang kumalat sa news at isinisisi sa Salazar construction ang nangyari ay wala nang tigil ang kaniyang mga magulang sa pagtawag sa kaniya lalo pa at nalaman nilang mag-isa lang siya sa bahay dahil tumulong na rin si Raven sa paglutas sa nangyayari sa kumpanya ng kaniyang Grandma.
"Maayos lang ako, Nay. Dito lang ako sa bahay kagaya ng sabi ni Raven dahil medyo magulo pa ngayon. Pero magiging maayos din po lahat, Nay. Ayaw rin kasi ni Mama na sumama ako sa mga meeting at magulo nga. Si Raven na muna po ang bahala."
"Bilib din talaga ako diyan sa asawa mo. Haay, sana talaga ay malinis na ang pangalan kumpanya at ng Grandma niya. Diyos ko, wala naman kasalanan lalo pa at natural na calamidad ang nangyari eh. Wala naman kayong control doon."
Napabuntong-hininga si Hestia. "Kaya nga, Nay. Pero alam mo naman, Nay. Hindi talaga maiiwasan ang ganyang sisi lalo pa at hindi pa tapos ang project nila."
"Kung sabagay," dagdag pa nito. Ngunit hindi talaga niya mapigilan ang pag-aalala para sa anak. "Sure ka na maayos ka diyan ha? Kung nais mo rin, maari kayong mag-bakasyon ni Jasper muna rito, at least kasama niyo kami, may mag-aalaga sa inyo. Para naman hindi mag-aalala si Raven lalo na kapag wala siya diyang sa bahay niyo."
"Hindi na, Nay. Mas kampante rin po kasi ako kung nandito, para naman maalagaan ko rin ang asawa ko sa mga panahon na ganito. Mas kailangan niya ako sa tabi niya ngayon, Nay." dahilan niya dahil iyon ang totoo. Hindi rin siya makampante kung lalayo siya lalo na at ganito ang pinagdadaanan ng asawa niya.
Napatingin si Hestia sa kaniyang relong pambisig, at tinignan ang oras. "Sige na, Nay. May check up din ako ngayong umaga sa OB."
"Sige, Anak. Ingat ka, ingatan mo mga apo ko."
"Opo, Nay."
Ibinaba niya ang tawag at hindi inaasahan na makaramdam ng isang yakap mula sa kaniyang likuran. "Talagang kailangan kita sa tabi ko, I will really appreciate it. However, okay rin naman ang payo ng Nanay mo na magbakasyon ka sa kanila."
"Raven," tipid niyang sabi bago hinarap ito. Hindi niya napansin na dumating na ito. "Kanina ka pa ba diyan? akala ko ay aabutin ka ng hapon?"
Umiling ito at hinalikan ang kaniyang noo. "Siyempre, sasamahan kita sa check-up mo. Hindi pwedeng hindi."
Lumapad ang ngiti ni Hestia dahil sa sinabi ni Raven kaya naman ay hinalikan niya ang labi ng kaniyang asawa.
"Thank you, baby." aniya pa at niyakap ito ng mahigpit.
Pinakatitigan niya ang kaniyang asawa. Kahit hindi ito magsalita ay kita niya ang bigat na dinadala nito nang dahil sa nangyari. Alam niya na hindi ito magkukusa na mag-kwento lalo pa at ayaw nitong pati siya maapektuhan. Ngunit para saan pa na naging mag-asawa sila kung sa mga panahon na ganito na kailangan nila ng tulong ng isa't isa ay hindi sila magtutulungan.
"Kamusta ang meeting?" tanong niya sa kaniyang asawa.
Napabuntong-hininga ito at naupo sa sofa, bago napahimas sa kaniyang sentido. "Not good, far from being good actually."
"Bakit naman?"
Nakita niya ang damage na nangyari mula sa balita. Buong construction ay nasira, marami rin ang affected areas ang nadamay. Ilang pamilya ang nawalan ng tirahan at halos 50 katao ang nasawi sa nangyaring trahedya. Now, walang sinisisi ang taong-bayan kundi sila, at nangyayari iyon dahil sa ginawa ng gobyerno ngayon.
"Grabe yung naging epekto sa Salazar's Construction. Wala, isinisisi lahat ng tao sa kumpanya kaya nanganganib talaga na bumigay ang kumpanya. Buong media nakabato ang sisi sa Kumpanya."
"Bakit naman ganoon, Raven. It's a government project, ang kumpanya lang ang kinuha nila. Sabihin na natin na may pagkukulang tayo dahil pumayag ang Grandma mo sa nais nila. Pero hindi ba, sila ang nagkuripot at namilit na pagkasyain yung pondo nila? saka hindi naman basta itinayo lang ang construction doon sa lugar ng walang go signal sa kanila. Samantalang sila na ang nag-claim na government property na ang lugar at pwede nang simulan ang construction. Kasalanan nila na hindi nila na-convinced yung ibang pamilya na umalis."
Tumango si Raven, "Yes, that's true. May kasalanan tayo dahil pumayag ang kumpanya na sumunod sa nais nilang substandard materials ang gamitin. And sumusunod lang tayo bilang cliyente nila. However, sila ang Gobyerno, they will do their best para maalis sa kanila ang sisi, lalo pa responsibilidad dapat nilang pangalagaan ang mga mamamayan. At hindi sila maaring sisihin ng mga tao kaya naman ay susuportahan nila sa labis nilang makakaya ang mga hinaing ng tao para naman hindi maungkat na may pananagutan din sila. This time, sa atin nila isinisi lahat. They are planning to sue the company." Tila mas lalong sumakit ang ulo nito. "Ngayon naapektuhan na ang Salazar's group. At hindi magtatagal ay titindi ito lalo at maaring pati ang Kumpanya natin ay madamay."
Kapwa sila napatahimik, pumasok sa kanilang isipan ang mga posibilidad na mangyari lalo na sa hinaharap. Dahil tama ito, tama si Raven na hindi magtatagal, ay mas lalong lalala ang mangyayari sa kumpanya.
"Anong sabi ni Glen?" Tanong ni Tia.
Umiling si Raven, "Still don't know what to do. May kasalanan din siya dahil nagpakampante siya sa project. You know him, at ngayon nag-backlash sa kanya lahat. Naiinis ako sa totoo lang, nais kong hayaan na lang siya, para matuto. Pero walang mangyayari kung ganoon. Maapektuhan pa rin tayo hindi na magbabago iyon."
"So what are the plans now?"
"Wala pa. Wala pa tayong pwedeng gawin kundi ang sumunod sa mga demands ng mga tao at ng gobyerno."
"Hindi ba unfair 'yon?" tanong ni Hestia.
"Unfair iyon sa atin. Pero wala tayong magagawa."
Hindi pa man sila tapos sa pag-uusap ay nag-ring na naman ang cellphone ni Raven. Alam niya na ang tawag ay mula ulit sa secretary ni Glen. At tama nga siya, dahil nang sagutin niya ito ay panibagong problema na naman.
"What is it Martin?" tanong niya sa secretarya ng kaniyang pinsan.
"Sorry po Sir Raven, pero kasi urgent lang. Ikaw din po muna ang nais na pagsabihan ni Glen dahil hindi niya rin daw po alam kung paano sasabihin sa Daddy mo."
"Nasaan siya? kung ako lang pala ang pwede nyang sabihan, bakit hindi siya ang mag-sabi?" nagtatakang tanong niya.
Saglit na hindi sumagot ang lalaki sa kabilang linya. Kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala. "Sir, nag-labas po ng warrant of arrest kanina for him, kasaukuyan pong dinala ng mga pulis si Sir Glen, sabi niya sa iyo ko muna daw po sabihin."