Kinabukasan ay may dumating na bisita sa bahay ng mga Alvarez at iyon ay si Don Leoncio Alvarez ang ama ni Julio. "Lolo!" sigaw ni Dawin at dali daling tumakbo pababa ng hagdan habang si Dean naman ay nagmano lang ngunit tila may hinahanap ang matanda at iginala ang paningin. "Where's my little girl?" tanong nito. "Oh, you mean Tassy, Dad?" tanong ni Julio sa ama. "Yes. The one and only heir of Madrilejo Group of Companies," Kunot noo na tinignan lamang ni Dean ang kanyang lolo at mukhang hindi niya nagustuhan ang tinuran nito. Alam niya iyon, nasa tamang edad na si Tassy para hawakan ang pamana sa kanya ng kanyang tunay na mga magulang. Marahil ay iyon ang pakay ng kanyang lolo kung kaya't bumisita ito sa kanila. "Lolo," nagmano si Phoebe sa matanda. "Ikaw na ba yan, Apo? Aba'