bc

The Man Who Loves Me SPG (Gorgeous Men Series 1: Dean Alvarez)

book_age18+
5.8K
FOLLOW
33.6K
READ
billionaire
sex
one-night stand
dominant
badboy
drama
bxg
city
childhood crush
coming of age
like
intro-logo
Blurb

Binatilyo pa lamang si Dean ay itinatangi na niya si Tassy. Ang kaisa-isang anak ng pangatlong asawa ng kanyang tatay Julio. Tacianna Phoebe Madrilejo was everything Dean was looking for in a woman. Para itong isang anghel na bumaba sa langit– maganda, matalino, at mabait ngunit sa tuwing makikita o makakadaupang palad niya ito ay kinakailangan niyang magsungit at magalit rito upang maitago niya ang kanyang paghanga sa dalaga dahil alam niyang malabong magkaroon siya ng pag-asa rito dahil kailangan niya itong ituring na kapatid ngunit sa gabi ng kaniyang ika-dalawamput anim na kaarawan ay tila ba gumawa ng paraan ang tadhana at aksidenteng naibigay sa kaniya ng dalaga ang sarili nito. Isang regalong hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. He wanted to forget that night not knowing that Tassy is secretly admiring him too and kept on remembering that magical night where she gave her virginity to the hot and dashing Dean Alvarez. Maitago pa kaya nila ang mga damdamin nilang nag-aalab para sa isa't isa?

chap-preview
Free preview
Prolouge
Disyembre 16, 2010 Nagbabadya ang malakas na ulan at ang kulog at kidlat ay nangangalit habang nasa delikadong engkwentro si Marvin at Julio, sakay ng kotse ay mayroon pang isang kulay itim na van na sumusunod sa kanila. Mabilis na pinatakbo ni Julio ang sasakyan ngunit mayroon ulit isang van na sumulpot sa harapan nila. "Lagot na, makipag-usap nalang tayo ng maayos, Marvin," saad ni Julio kay Marvin. "Hindi! Buo na ang desisyon ko at hindi ako papayag na masira ang lahat ng pinaghirapan natin nang dahil lang sa kagagawan ng mga ganid sa kayamanan at kapangyarihan na mga iyan," matapang na sagot ni Marvin kay Julio. Matapang na bumaba ng kotse si Marvin ngunit bigla siyang pinaulanan ng bala ng baril ng mga armadong lalaki na nakatakip ng kulay itim na bandana. Naging mistulang paper silhouette shooting target ang katawan nito na kaagad-agad na bumagsak sa malamig na simento. "Julio, i-ikaw na ang bahala sa mag-ina ko," bilin ng nag-aagaw buhay na si Marvin sa kaniyang kaibigan na si Julio. Pilit itong nagsasalita kahit na nahihirapan. "Oo Marvin, makakaasa ka, ako na ang bahala sa mag-ina mo, sinisigurado ko sa'yo na magkakaroon ng masayang pamilya at magandang buhay ang anak mo," usal ni Julio habang hawak hawak ng mahigpit ang kamay nito. "Maraming s-salamat," Iyon lang at tuluyan na itong nawalan ng malay, habang ang mga taong gumawa ng karumal-dumal na krimen ay nagsi-alisan sa lugar na iyon at bumaba mula sa kalangitan ang malakas na ulan na siyang nagpalamig ng buong kapaligiran. Two weeks later… Nakasakay si Tassy sa kulay puting SUV kasama ang kaniyang ina na si Ysabelle habang nagmamaneho naman si Julio. Ang matalik na kaibigan ng kaniyang ama na kapapanaw pa lamang. Tanaw na tanaw ni Tassy ang malawak na lupain na pagmamay-ari ng mga Alvarez, sa di kalayuan ay matatanaw ang napakagandang hardin ng mga ito. "Mommy, dito na po ba tayo titira?" tanong ni Tassy sa kaniyang ina na awtomatikong ngumiti sa kaniyang tanong, "Oo anak, hindi ba't napaka-ganda ng lugar?" saad ng ginang. Siyam na taong gulang pa lamang noon si Tassy ngunit malinaw sa kaniya ang lahat ng nangyayari. Inalok ni Julio ng kasal ang kaniyang inang si Ysabelle at walang patumpik-tumpik na tinanggap iyon ng kaniyang ina dahil si Julio ay matagal na ring biyudo at higit sa lahat sa kaniya ibinilin ng kaniyang amang si Marvin ang buhay nilang mag-ina. Nang makarating sila sa mismong kabahayan ng mga Alvarez ay kaagad na sinalubong si Julio ng kaniyang dalawang anak na si Dean at Dawin. "Ysabelle, mga anak ko si Dean at saka si Dawin," pakilala ni Julio sa dalawa niyang anak. "Hi! nice meeting you Dean and Dawin," tugon ni Ysabelle sa dalawang binatilyo. "Dean, Dawin, siya naman si Ysabelle at ang anak niya si Tassy, simula ngayon ituring nyo na silang pamilya dahil dito na sila titira kasama natin, maliwanag ba iyon?" "Nice meeting you din po tita Ysabelle at Tassy," saad ni Dawin na hindi mapawi-pawi ang ngiti at mukhang galak na galak ito sa mga bagong kakilala habang si Dean naman ay nakatingin lang sa kanila at ino-obserbahan ang mga ito. "Mommy nalang ang itawag mo sa akin, Dawin since kasal na rin naman kami ng Daddy mo," natutuwang sambit ni Ysabelle. "Ah, sige po Mo-mommy," nahihiya man ngunit tinuran na rin ito ni Dawin. "Nice to meet you rin po kuya Dean at Dawin," sambit ni Tassy sa dalawa na siyang ikinasimangot ni Dean na para bang may nasabi si Tassy na hindi maganda. "Dean? wala ka man lang bang reaksyon?" tanong ni Julio sa panganay niyang anak na halatang naiinis na. "Nice to meet you, if you'll excuse me, I have things to do," masungit na tugon nito at saka umalis. Naka-formal office attire ito at may dalang suitcase. "Sure, go on," tugon ni Ysabelle kay Dean na siyang inignora naman ni Dean. "Ah, pagpasensyahan nyo na yung anak kong iyon, masyado lang kasi talagang seryoso sa negosyo ng pamilya, alam n'yo na," nahihiyang sambit ni Julio. "Okay lang iyon Julio, ano ka ba, makakapag-adjust din si Dean, bigyan lang natin siya ng time," mapagpakumbaba na sambit ni Ysabelle. "Oh paano? tara sa loob nang makapagpahinga na kayo," saad ni Julio at pumasok na silang lahat sa loob ng mansyon ng mga Alvarez. Naging maayos at masaya naman ang buhay ni Tassy kasama ang bagong pamilya niya ngunit mayroon lamang isang problema, iyon ay ang ka-sungitan ng kaniyang kuya Dean. Seryoso ito, palaging nakasimangot at tila ba parang naiinis sa tuwing nakikita siya nito. Ginagawa niya naman ang lahat upang makasundo niya na ito ngunit mukhang ayaw sa kaniya ng lalaking iyon, hindi niya na nga malaman minsan kung paano niya papansinin ang kapatid dahil baka sungitan lamang siya nito. Hindi katulad ni Dean, si Dawin ay mabait, approachable, palakaibigan at palaging nakangiti at dahil doon ay naging magkasundo silang dalawa kung kaya't kahit papaano ay naiibsan ang lungkot niya sa tuwing kasama niya ang kaniyang kuya Dawin na siyang tanging nagtatanggol sa kaniya kapag inaaway siya ng kanilang kuya Dean. Laking pasasalamat niya sapagkat nagkaroon siya ng isang kuya Dawin na minamahal at inaalagaan siya na para bang tunay niya itong kapatid ngunit pa-lihim niya ring hinihiling na sana ay ganoon din ang kaniyang kuya Dean sa kaniya ngunit kabaligtaran ang nangyayari. Ito ay walang pakialam at kung makapagsalita ay puno ng galit at poot na para bang ang tingin nito sa kaniya ay isang sampid at walang silbi. Dumaan pa ang mga araw at mga taon ngunit mas lalong naging mailap si Dean sa kaniya at dahil sa negosyo ay minsanan niya na lamang itong makita dahil kailangan nitong dumalo sa mga convention at business meetings sa ibang bansa. Hanggang siya ay nag dalaga, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naaksidente ang kanyang ina at namatay ngunit ipinangako ni Julio sa labing walong taong gulang na si Tassy na hindi siya pababayaan ng pamilya Alvarez kung kaya't pinanghawakan iyon ni Tassy at nanatili siya sa kanilang poder at ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kursong foreign service.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
15.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.9K
bc

The Sex Web

read
152.6K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
95.4K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.8K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
69.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook