Chapter 5: iPhone 13 Pro Max

1112 Words
Nagising si Tassy sa pamilyar na lugar, ang kanyang kwarto. Suot niya pa rin ang damit niya kagabi at masakit na masakit ang ulo niya kung kaya't naligo siya at nagsuot ng pambahay na sando at short at saka umupo sa kanyang tukador upang tuyuin ang basa niyang buhok ng bimpo ngunit habang pinupunasan niya ang buhok niya ay nahagip ng mata niya ang isang paperbag, Power Mac Center ang tatak kung kaya't dali dali niya itong kinuha at tinignan ang tag na nakasulat doon: Happy Birthday – Dean nanlaki ang mata niya sa nabasa. Dean got her a present, at ngayon lang siya nakatanggap ng regalo dito. Binuksan niya ang paperbag at tumambad sa kanya ang box ng iPhone, it's an iPhone 13 Pro Max. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. "Sakin ba talaga 'to?" Paulit ulit na tanong niya sa sarili dahil natuwa talaga siya sa regalong iyon ng kanyang kuya Dean, hindi naman siya materyosa at kuntento na siya sa cellphone niyang Samsung pero niregaluhan pa siya ng kuya niya ng iPhone. Dahil doon ay nag madali siyang bumaba ng hagdan at nakita niya si Dean na abala sa paglilinis ng motor niya. Napansin niya na si Dawin ngunit nginitian niya lang ito at dinaanan dahil si Dean talaga ang pakay niya, nag tatakbo siya papunta sa direksyon ni Dean at saka niya sinalubong ng yakap ang binata at ginawaran niya ito ng mabilis na halik sa pisngi. "Thank you sa gift, Kuya," sambit ni Tassy na nakayakap pa rin kay Dean. Hindi naman makagalaw si Dean at tila gulat na gulat sa nangyayari. Pinagpapawisan siya sa ginawa ng dalaga dahil bagong ligo ito at nakasuot lamang ng sando at maong na short, amoy na amoy niya ang strawberry flavor na shampoo nito na siyang mas lalong nakakapang-akit. "Putang ina, lalaki lang ako, mabilis ako ma-akit, ano ba itong ginagawa mo sa akin, Tassy?" tanong niya sa sarili. "Tassy, let go, madumi ako. Bagong ligo ka, baka madumihan ka," iyon na lang ang nasabi niya sa dalaga pero ang totoo ay gustong gusto niya ang pag yakap nito at ang pag dikit ng malambot nitong katawan sa kaniya. "Okay lang, niregaluhan mo naman ako ng iPhone eh!" natatawang sambit ni Tassy. "Damn it, okay lang ba talaga? na ganito kalapit ang katawan niya sa akin?" tanong ni Dean sa sarili ngunit hindi siya nagpadaig sa tukso at sa init ng katawan na nararamdaman. "You're welcome so please, let go Tassy, I'm busy!" inis na sambit niya sa dalaga ngunit hindi ma pawi-pawi ang ngiti sa mga labi nito habang kumakalas sa pagkaka-yakap sa kanya. "Sobrang natuwa lang talaga ako sa gift mo Kuya, pasensya na, thank you ulit, I love you!" sambit ni Tassy at saka pumasok na ulit sa loob ng bahay. Nasapo na lang ni Dean ang mukha. "Damn it, Tassy, mahal din kita, matagal na," pag amin ni Dean sa sarili dahil wala siyang lakas ng loob na ipagtapat sa dalaga ang nararamdaman ngunit napangiti siya sa isiping nagustuhan ni Tassy ang regalo niyang iPhone. Pagpasok naman ni Tassy sa loob ng bahay ay nakita niya na ang kanyang tatay Julio at si Dawin na nag a-almusal. "Mukhang good mood ang kapatid ko ah, anong meron? bakit ang sweet mo ata kay Kuya? May pahalik sa pisngi at payakap pa, ako wala?" tanong ni Dawin kay Tassy habang paupo ito sa upuan upang saluhan sila sa hapag kainan. "Syempre, niregaluhan lang naman ako ni Kuya ng iPhone," ipinagmayabang naman ni Tassy sa kanyang kuya Dawin ang regalo ni Dean sa kanya at Ipinakita ni Tassy kay Dawin ang iPhone. "Wow, teka, ganyan din iPhone ni Kuya eh, same model," sambit ni Dawin habang sinusuri yung iPhone. Nagulat si Tassy sa binanggit na iyon ni Dawin ngunit binalewala niya na lamang ito. "Niregaluhan kita niyan para mag-aral ka ng mabuti baka mamaya kung sinu-sino lang ang nanliligaw sa'yo, pangpa gulo lang iyang mga lalaki na yan, kaya wag ka munang mag boyfriend," biglang sabat ni Dean na kakatapos lang maglinis ng motor at nakikinig na pala sa usapan nila. Naghugas siya ng kamay at saka umupo para saluhan sila sa hapag kainan. "Wala pa naman po akong boyfriend Kuya eh at saka wala pa sa isip ko yang mga ganyan, gusto ko lang muna mag-aral sa ngayon at saka masaya naman ako sa mga kaibigan ko," pagpapaliwanag ni Tassy habang kumakain sila. "Mabuti at nagkakaintindihan tayo, Tassy," sambit ni Dean sa kaniya. "Speaking of manliligaw Tassy, mukhang type ka nung anak ni Mayor Santillan!" natatawang sambit ni Dawin habang nakatingin kay Tassy "Ha? si-sino?" tanong ni Tassy. Ang kanilang tatay Julio ay abala naman sa pagbabasa ng diyaryo kung kaya't hindi ito umiimik. "Si William, naroon siya sa club noong birthday mo at inabutan pa ako ng alak," natutuwang kwento ni Dawin ngunit nagulat siya ng biglang may lumipad na dyaryo sa ulo niya. "Kaka-payo ko lang kay Tassy, dine- demonyo mo na naman!" Sambit ni Dean. "Aray ko naman Kuya! Piningot na nga ako ni Daddy sa tainga ko kagabi, hahampasin mo pa ako ng dyaryo sa ulo ngayon, mag-ama nga kayo!" reklamo ni Dawin na hinimas-himas pa rin ang ulo na natamaan ng nakarolyong makakapal na dyaryo na ipinang-palo sa kanya ni Dean. "Putang ina, magkaka-bukol pa ata, ang sakit Kuya, mamaya ka sakin!" asar na asar na sambit ni Dawin na para bang batang inagawan ng candy. "Leave Tassy alone, okay? kahit kailan, bad influence ka talaga! tss!" sambit ni Dean habang iiling-iling sa kapatid. "Tassy, kailangan mo ba ng gamot sa hangover?" seryosong tanong ni Dawin kay Tassy. "Ahm, hindi naman gaano Kuya, at saka okay na itong sabaw na niluto ni Anna, matatanggal na hangover ko dito, siya nga pala Kuya, paano pala tayo nakauwi kagabi?" tanong ni Tassy kay Dawin at mukhang wala na siyang maalala tungkol sa nangyari kagabi. "Ahh, sinundo tayo ni Kuya, lasing na lasing ka nga eh, sobrang lasing mo hinimatay ka," tatawa-tawang sambit ni Dawin kay Tassy. "Hinimatay? Ako?" hindi makapaniwalang tugon ni Tassy at sinapo ang noo niya. "Nakakahiya, sa harap pa ata ng madaming tao at higit sa lahat sa harap pa ni Kuya Dean," sambit ni Tassy sa sarili. "Don't drink like that ever again, Tassy, do you understand me? You should know your limits,``sambit ni Dean. "Yes, Kuya, I'm sorry about last night," iyon nalang ang nasabi ni Tassy at saka tinuloy ang kanyang pagkain. Ngunit habang kumakain sila ay hindi niya maiwasang obserbahan ang kanyang kuya Dean, napapatingin siya sa labi nito dahil naaalala niya ang tagpong iyon. "Posible kayang si Kuya Dean ang humalik sa akin kagabi?" tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD