Kinabukasan ay maagang nag-asikaso si Tassy ng sarili dahil pagkatapos ng klase niya ay magsisimula na ang OJT niya sa kumpanya ng mga Alvarez. Naniniwala kasi ang kanyang amain na si Julio na magandang training ground para sa kanya ang Alvarez Group of Companies at higit sa lahat ay hanggat maaga pa ay dapat matutunan na ni Tassy ang lahat ng ito upang maging handa siya. "Are you ready for today, Hija?" tanong sa kaniya ni Julio. "Yes, Dad," iyon lamang ang naisagot niya sapagkat wala siyang gana ng umagang iyon. Tahimik lang siyang kumain ng almusal. She hates Dean's guts and mocking face everytime na nakakasalamuha niya ito sa umaga. Palaisipan pa rin sa kanya kung bakit tuwing umaga ay palagi nalang itong nakabusangot at parang laging may dalaw. "Uhm, Dean, would you mind dro