Nagpunta si Alice sa simbahan dahil hindi siya mapakali, balak niya sanang pigilan ang kasal ngunit pagdating niya doon ay hindi nakarating si Tassy. Nagsialisan na ang mga bisita habang si Dean naman ay nakaupo lang sa gilid, sa loob ng simbahan. Bagsak ang katawan nitong nakaupo sa sa gilid at malungkot ang mukha, galing pa kasi itong Laguna at nagmadaling umuwi upang makahabol sa takdang oras ng kasal nila ni Tassy ngunit hindi naman sumipot ang dalaga. "Alice, did you tell everything to Tassy?!" galit na saad ni Dawin kay Alice. "No Dawin, I swear to God, maybe she already remembered everything that's why she's not here," saad ni Alice. Akmang lalapitan sana ni Alice si Dean nang pigilan siya ni Dawin. "No. Hayaan mo muna si Kuya, I'm sure he's more upset than us," saad ni D