KINABUKASAN ay nag mall si Tassy at si Edward upang mamili ng mga gamit at damit ni Tassy. Wala kasi itong kahit anong dala kundi wallet at cellphone lang nang itakas niya ito mula sa kasal nito ngunit inayos at itinago ni Tassy ng mabuti ang wedding gown niya at inilagay niya iyon sa kotse ni Edward. Tassy is wearing a maong short, a t-shirt from Edward and a Havaianas slippers ngunit kahit ganon ay litaw na litaw pa rin ang kagandahan nito at hindi maiwasan ni Edward na humanga sa dalaga. "Bagay pala sayo t-shirt ko," nang-aasar na saad nito. "Wala lang akong choice noh," saad naman ni Tassy. Nagpunta sila sa shop ng mga dress. "Oh, ayan, mamili ka na," saad ni Edward. "Fine," saad ni Tassy at saka sila pumasok sa loob ng store. Nagulat naman si Tassy nang batiin si Edward