Dumating ang araw ng kasal ni Dean at Tassy. Halos manikip ang dibdib ni Tassy habang inaayusan siya, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Pakiramdam niya ay para siyang ikinulong ni Dean sa hawla ng mga kasinungalingan nito at wala siyang kawala. Gusto niyang umiyak, sumigaw at magwala ngunit ang tanging nagagawa niya lang sa ngayon ay pigilin ang iyak niya at impit na paghikbi. Mahal na mahal niya si Dean ngunit hindi niya matanggap na nagawa siya nitong lokohin at ang mas masakit pa doon ay itinago nito ang katotohanang nakunan siya dahil sa aksidente. "Is there somebody who can help me now, please? My heart is breaking and I don't know what to do," saad ni Tassy sa isip. "Walang naging laman ang puso ko kundi siya lang buong buhay ko, hindi ko akalain na magagawa niy