Chapter 23: Utos

1292 Words
Dahil hindi pa ako sanay sa direksyon kung saan ang palengke, mall at convenience store, tinawagan ko ang taxi na bigay ni Mamang Epal na taxi driver. “Money down,” sabi ko kay Emilia nang utusan niya akong mag-grocery at mamalengke. Nasa kusina kami noon. “Alangan namang pera ko ang gagastusin ko para sa bahay na ‘to, ‘no? At ikaw ang nag-utos sa ‘kin, kaya akin na ang pera, kasama na ang pang-taxi,” sabi ko sa kanya sabay lahad ng kamay. “Ano? Anong pati pang-taxi?” “Eh, hindi ko pa nga kabisado ang lugar n’yo rito. Mabuti na ‘yong taxi, hatid-sundo na lang ako, ‘di ba? May bubuhat pa sa mga bibilhin ko kung kailangan man.” “Mag-kotse ka na lang kasi. Marunong ka namang magmaneho. May GPS ‘yon.” “Eh, saka na kung kabisado ko na nga ang lugar, kulit nito,” balik ko sa kanya. “Mag-aaway kami ng direksyon ng GPS kasi. Madali akong malito kapag direksyon ang pinag-uusapan.” “Sasamahan na kita, Det,” presinta ni Manang Lupe, nasa singkuwenta anyos na yata siya mahigit at nagsisilbing mayordoma sa mansion. “Matagal na rin akong hindi nakalabas ng bahay, eh,” palusot niya. Sinamaan siya ng tingin ni Emilia habang kinukuha ang pera sa pitaka niya. “Dito ka lang, Lupe. Ang babaeng ito lang ang aalis at maggo-grocery saka mamalengke. Tingnan mo na lang ang trabaho ng ibang kasambahay kung ginagawa nila nang maayos!” “Ang listahan ng mga bibilhin?” tanong ko kay Emilia nang binigyan niya ako ng sampung libo. Mukhang marami-rami yata ang ipabibili sa ‘kin. Malamang magkandaugaga ako nito. Hapon na iyon at baka gagabihin ako. Sinenyasan ni Emilia si Manang Lupe at ibinigay na ng matanda ang listahan sa ‘kin. Napasinghap ako sa haba. “Bukas na ako makakauwi nito, ah!” reklamo ko. “Then, I’ll see you tomorrow.” May ngiting tagumpay sa mga labi ng bruhilda. “Huwag mong kalilimutan ang sanitary pads, ah?” Tss! Meron pa pala siya? Akala ko unas na siya. (Unas: Ito ‘yong matandang dahon ng saging na ubod na ng tuyo). Sabagay, baka papunta na si Emilia roon. Ilang taon na lang menopausal na. Nagbihis na ako ng jeans at T-shirt. Mamalengke kasi, kaya hindi puwedeng magsusuot ako ng seksi. Marumi pa naman sa palengke. Napakislot ang mukha at kumunot ang ilong ko habang napaisip na papasok ako sa palengke na ubod ng baho at dumi. Kuwento kasi sa ‘kin ni Maritess noon na kahit siya ay ayaw niya talagang mamalengke dahil doon. Ilang beses na raw siyang naapakan ng ibang mga mamimili. May mga bata pa raw na marungis na bigla na lang mangangalabit para bilhin din ang tinda nilang sibuyas, bawang at iba pa na nakapaloob sa plastik. Kaya ang isa pa naming kasambahay ang madalas na gumagawa noon. So, this means, Emilia is sending me to a war zone! Dapat na maging maingat at alerto ako. ≈≈≈ I figured I would go to the supermarket first. Kung wala akong makita na nasa listahan, saka na ako pupunta sa palengke para hanapin iyon. Hindi naman gaanong marami ang tao sa supermarket. Siguro ay dahil weekday o kaya naman ay mas pipiliin ng mga taong bumili na lang sa talipapa or somewhere else. Habang tulak ko ang cart at nakatingin sa mga nakahilerang produkto ay may nabangga akong isang tao. “Oh, I’m sorry!” Ngunit namangha na lang ako nang makilala ko ito. Hindi kaya panaginip lang ito? “Gavin? You’re here? Ano’ng ginagawa mo rito?” Ngumiti siya sa ‘kin na tila nagpalakas sa t***k ng puso ko. “To surprise you.” Naglakad siya palapit sa ‘kin at saka niyakap ako nang buong ingat at higpit. Totoo nga! Nandito siya at amoy na amoy ko siya. Binitiwan ko na ang handle bar ng kariton at niyakap siya pabalik. Ilang araw ko na ring hindi siya nakita. Miss ko na siya. “I see that you missed me, too,” bulong niya sa tainga ko. Napangiti lang ako. “Paano mo nalamang nandito ako?” “Tinatanong mo pa ba ‘yan?” “Ah, si Benjamin,” nausal ko na lang at kumalas mula sa kanya. Napalinga-linga ako pero hindi ko nakikita ang lalaking iyon. “Hindi mo man lang ako napansin, kanina pa ako nakasunod sa ‘yo. Kaya naisip kong lumipat sa unahan at nabunggo mo na ako sa kariton mo.” “I did feel some eyes watching me, but I did not feel any danger, so…” Kumibit ako. “Hmm… So, I’m not a danger to you, huh,” saad niya. Tila kumislap pa ang mga mata niyang nanunukso sa ‘kin. Si v****a ko lang ang in danger sa ‘yo. Yati ka. Kailangan ko ng proteksyon mula sa ‘yo. “Why are you looking at me like that?” tanong ko at kunwa’y pinasadahan ng tingin ang mahabang listang hawak ko. Baka hindi ako makapagpigil at ako na ang mag-i-initiate ng halik. “I just missed so you much! Tinapos ko lang ang mga kailangan kong trabahuhin, and then, I did some other important things that have something to do with you…” Tumaas ang kilay ko. “Ano naman ‘yon? Kailan ka pa dumating?” “Kanina lang. Nang sinabi sa ‘kin ni Benjamin na lumabas ka ng Palazzo Mantovani, I thought it’s a great opportunity to see you then. Mas gusto ko sanang bisitahin ka roon at nang makilala ko ang tinatawag mong Witch Emilia.” Napakunot ang noo ko. “Paano mo nalaman ‘yang palayaw ko sa kanya?” “Tinatanong mo pa? Benjamin has his ways.” “What? Don’t tell me he planted some bugs on me!” nahintakutang bulalas ko. Napakapa ako sa sarili ko na ikinatawa niya. “Do you think the bugs are placed on you?” Napakurap ako ng mga mata at napagtantong ang mansion ang ibig niyang sabihin. “What in the actual… hell?” Pinahina ko ang boses ko imbes na itaas iyon. “It’s illegal!” Ngumisi lang siya sa ‘kin. “Come on, let’s help you with that,” aniya sabay kuha sa listahang hawak ko. “Practice na rin natin ‘to.” Napasimangot ako sa kanya. “Ano? Anong practice?” “Kapag mag-asawa na tayo, maggo-grocery din tayo paminsan-minsan. It’ll count as a date,” tugon niya pa. Bigla akong napahagalpak ng tawa sa sinabi niya. “Loko ka. Anong date at asawa? Siraulo ka! Sinagot na ba kita? Nag-propose ka na ba ng kasal?” Pero… Lord! Kinilig much naman ang mga little fairies sa tiyan ko at gusto nang mangisay. Grabe, pati yata panties ko gusto nang malaglag. Parang lumuwag bigla ang garter. Yati ra. Nakatitig siya sa ‘kin nang husto. “Hindi pa ba?” Alam kong nagbibiro lang siya. “Kung sasapakin kaya kita? Sigurado, maalala mong hindi pa nga!” pagtataray ko sa kanya at inirapan siya. “Ah, ah! Oo nga. Hindi pa.” Binunggo niya pa ako nang banayad sa balikat. “I love you, Det. Ano, sasagutin mo na ako ngayon?” Itinulak ko siya palayo. “Alam mo ba kung nasaan tayo?” Napalinga-linga pa ako sa paligid namin at may mga estudyanteng nandoon at nakita kami. Titig na titig pa kay Gavin. “Wala namang pinipili na lugar ang pag-ibig, eh, ‘di ba?” “Sige, hirit ka pa. Ngayon pa lang, basted ka na.” Lumabi pa siya at nag-puppy eyes. Buwisit! Nagbago na talaga ang masungit. Iba kung manunuyo. Sobrang OA at possessive.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD