bc

A Mantovani Maid (Taglish)

book_age16+
1.5K
FOLLOW
5.3K
READ
family
age gap
maid
heir/heiress
bxg
humorous
small town
enimies to lovers
sassy
virgin
like
intro-logo
Blurb

(A story of an illegitimate daughter of an Italian man and a son of a half American)

(A collaboration with Raven Sanz and cUaroundDcorner)

Sa apat na magkakapatid sa ama ay si Det ang pinakamaalwan ang buhay dahil nakapangasawa ang kanyang ina ng isang mayamang matanda na madaling mamatay. Pero kahit lumaki sa luho ay palaging may kulang—masidhi ang kagustuhan niyang makilala ang ama na ipinagbabawal ng kanyang ina.

Maayos na raw ang buhay nila at hindi na pinagchichismisan kaya huwag nang ungkatin ang nakaraan.

Noong una ay nakinig si Det pero nang misteryosong mamatay ang kanyang ina ay bigla siyang nakaramdam ng takot—alam niyang siya ang isusunod. Lalo na at galit sa kanya ang apo ng stepfather niya—si Gavin Moore.

Matagal na niyang alam kung saan mahahanap si Stefano Mantovani at kahit nangako siya sa kanyang ina na hindi magpapakilala rito ay wala na itong magagawa. Ilang minuto na lang ay nasa Tarlac na siya para maging kasambahay sa tahanan nito.

~~

Disclaimer:

This will be printed in a physical book and will be available as a package (the whole series). Hope you'll support it. Thank you so much! ^_^

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Pagkasawi
It was my graduation day. Pasado alas kuwatro ng hapon sa araw ng Biyernes. Sabi ni Mama, susunod siya sa university para um-attend ng commencement ceremony ko. Hindi kasi siya sumama sa ‘kin sa bacalaureat. Pero heto, sa nanlalabong mga mata dahil hilam sa luha, tumatakbo ako sa gitna ng medyo mataong pasilyo ng ospital at hindi masyadong pansin ang amoy ng antiseptic. Suot ko pa ang graduation robe at cap na maroon. Sa ilalim nito ay isang above-the-knee short-sleeved red sundress para makublian ng suot kong graduation robe. Pinaresan ko ito ng three-inch high-heeled pointy closed black shoes. Kailangan kasing pormal ang suot sa graduation. “S-sorry!” Nagawa ko pang umusal at suminghot nang may mabunggo akong mama nang hindi sadya. Pagkahingi ng despensa ay hindi ko na siya binigyang pansin at tuloy-tuloy lang din siya sa paglalakad. Nagpatuloy ako sa pagtakbo papunta sa morgue. Habang tumatakbo ay umiindayog ang naka-ponytail kong natural na straight dark brown na buhok na lampas-balikat. Ma, bakit? Bakit nandiyan ka na? Hindi totoong nandiyan ka, ‘di ba? Nasa bahay ka lang o baka papunta ka na sa university para sa graduation ceremony. ‘Di ba gusto mo pa akong makitang pumanhik sa stage para tanggapin ang diploma ko? ‘Di ba ito ‘yong pangarap natin? Patuloy na umaagos nang masagana ang mainit na luha ko. Nanginginig ang mga labi kong nakaawang at halos hindi makahinga nang maayos. Maya’t maya ay napapalunok ako dahil na naninikip at nanunuyo kong lalamunan. Panaginip lang ‘to. Panaginip lang. Mayamaya ay magigising din ako. Napahikbi ako. “Det! Diletta!” Hayun na naman ang pamilyar na boses ng lalaking tumatawag sa ‘kin. Tumatakbo rin siyang sumusunod sa ‘kin. Medyo tumigas ang tono ng boses niya dahil hindi ko siya nilingon man lang. Hmp! Bahala nga siya. Hindi naman siya importante sa buhay ko. Sa pagmamadali ko sa pagliko pakaliwa ay nahagip ng isang paa ko ang isa at madadapa sana ako kung hindi ako mabilis na iniligtas ni Gavin. Malamang sumadsad na ang mukha ko sa kongkretong sahig ng ospital. God knows kung anu-anong germs ang humalik sana sa maganda kong mukha kung nagkataon. Eww! Hinawakan ako ni Gavin sa braso at balikat, inalalayan para makatayo nang maayos. Napalingon ako sa kanya at nagtama ang aming mga mata. Nasamyo ko pa ang kanyang pabango na tila pinaghalong musk at sandalwood. In fairness, masarap sa ilong at gustong-gusto ko. Magkalapit na magkalapit ang mukha namin nang ilang pulgada lang. Napahigit ako ng hangin at nasinghot ulit siya. Lagi na lang talaga siyang mabango. “What the hell are you thinking?” Pinagalitan niya pa ako habang magkasalubong ang medyo makakapal niyang kilay. Nagbabaga ang mga mata niyang kulay-lupa habang nakatitig sa ‘kin. “Hindi ba ikaw ang tumawag sa ‘kin para sabihing nandito si Mama? Sinundo mo pa nga ako mula sa importanteng okasyon sa university, eh! Ano pa ba sa tingin mo ang iniisip ko ngayon? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko, ha?” pakli ko sa kanya nang umiiyak pa rin at nakatagis ang bagang, ramdam ang pamamasa sa aking pisngi. “Gusto kong puntahan si Mama! Gusto ko siyang makita!” sigaw ko. Ipiniksi ko ang kanyang mga kamay upang bitiwan niya ako. Hindi na namin alintana ang mga taong napatingin sa gawi namin. The nerve of this man. Bakit siya pa? Bakit siya ang nagbalita sa ‘kin na wala na si Mama? Natutuwa ba siya? Is this his sick way of mocking me or something? “Do you even know where the morgue is, huh?” punto niya nang paungot. Medyo lumaki pa ang butas ng maganda niyang matangos na ilong at naging linya ang medyo manipis na mapupulang labi. Oo nga pala. Ni hindi ako nagtanong sa Information kung saan ang direksyon basta pumasok lang ako sa ospital at tumakbo na nang hindi alam kung saan talaga pupunta. “Follow me!” mando niyang nagpatiuna na kaya sumunod na lang ako sa kanya nang sapilitan. Bumalik siya sa tinakbuhan ko kanina na may malalaking hakbang at lumiko sa kanan. Sa tangkad niyang six feet kumpara sa ‘kin na five feet and four inches, malalaki talaga ang hakbang niya kaya halos mapapatakbo na rin ako sa pagsunod sa kanya. If we were in a different situation, nunca akong susunod sa kanya! Naalala ko pa ang masama niyang tingin sa ‘kin noong mga bata pa kami. Magpasahanggang ngayon ay tumatak ‘yon sa ‘kin na nagsimula pa sa mura kong isipan noon. Pero ayoko munang isipin ‘yon. Palabas na kami ng gusaling kinaroroonan namin. Lumusot kami sa isang kongkretong pathway at pumasok sa isa pang gusaling may maputlang kulay na dilaw ang dingding at pula na roof tiles. Sa likod niyon ay isang mini-forest. Ang araw naman ay nakublian ng makakapal na kulay-abong ulap. Malamang ay uulan mamaya kung hindi man agad-agad. Siguro ay naisip ng langit na sumimpatya sa ‘kin at muli akong napasinghot. Pinahid ko ang aking luha sa pamamagitan ng likod-kamay ko. “Saan ba kasi nila dinala si Mama?” umiiyak kong sita kay Gavin. Gustong-gusto ko nang makita ang mahal kong ina. Gusto kong makitang mali si Gavin, na hindi si Mama ang nasa morgue. Bakit kasi? Wala namang sakit si Mama sa pagkakaalam ko, kaya paano nangyari ‘to? Paano siyang napunta sa lugar na ‘yon? Hindi sumagot ang mokong na si Gavin Moore. Gusto ko siyang hampasin sa malapad niyang balikat at kuyumusin ang guwapo niyang mukha. Nang huminto siya ay tila biglang binalot ng malamig na bagay ang buo kong katawan. Huminto rin ako sa tabi niya. Pagkaangat ko ng mukha ay tumambad sa paningin ko ang karatula sa ibabaw ng pinto: MORGUE. Iyon ang nakasaad doon. Lumundag ang puso ko at lumakas ang pintig nito pero hirap nang dahil parang nilamukos ito. Papasok na sana ako nang pinigilan ako ni Gavin. Umiling siya. “Let’s just wait for her out here. Darating na ang taga-punerarya mayamaya lang para… para sunduin siya,” wika niyang humina ang baritonong boses. Binigyan ko siya ng matalim na tingin sabay piksi ulit sa kanyang kamay at tuluyan nang pumasok sa hospital mortuary. May mga unipormadong hospital staff na naka-mask at gloves na nakatunghay sa isang katawan. Nang tingnan ko ito, nakita ko na lang ang ina kong nasa harap nila at saktong walang takip sa mukha sa kung anong dahilan samantalang ang ibang mga nakahilerang patay ay tinakpan nang buo ng mga puting kumot. “M-Ma?” mahinang sambit ko nang hindi makapaniwala pero napahagulgol naman nang malakas. Nanlumo ako habang hindi alam na nabubuwal sa kinatatayuan ko at bigla na lang dumilim ang paligid ko. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na pangyayari pagkatapos kong makita ang aking ina na wala nang buhay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook