Siyempre, tinimbang-timbang ko ang odds. Maybe I could work around with the maid thing. Ang importante lang naman ay mananatili ako sa bahay na ito hanggang sa makita at makausap ko si Daddy Stefano.
Hindi puwedeng ibigay ko lang kay Emilia ang number ko at maghihintay na tawagan niya someplace else. Magastos din iyon. May pera ako pero baka kailangan ko rin ng pang-emergency. At ayokong humingi kay Gavin o kay Ate Jennifer kung saka-sakali. Although my mother had already set up a trust fund for me, I did not wish to touch it. Not just yet. Sabi niya kasi ay kapag walang-wala na ako ay iyon lang sa panahong iyon dapat gagamitin ang pera.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Siyempre, tinanggap ko na lang ang alok ni Emilia. Gusto ko rin namang mas makilala si Yna at ang iba pang kasambahay sa Palazzo Mantovani. Gusto kong malaman kung anong klaseng mga tao ang nandito habang wala pa si Daddy Stefano. Sana naman ay agad na siyang umuwi at nang agad kaming magkita at magkausap. May marami akong tanong at may marami rin akong gustong sabihin sa kanya.
Dinala ako ni Emilia sa second floor. May sitting room doon at may mga kuwarto.
Malaki ang guest room na ibinigay niya sa ‘kin, nasa kaliwang wing. Doon sa balkonahe nito ay makikita ang pool, parang kuwarto ko rin sa mansion. Kaso, nasa kaliwang banda iyong dito samantalang sa kanang banda iyong sa amin.
Medyo nasa elevated area ang palazzo kaya tanaw na tanaw ang magandang kapaligiran nito. Pagkatapos kong tingnan ang bago kong titirhan ay bumaling ako kay Emilia at iginala nang mabilis ang tingin sa paligid ng malaking silid. May kama sa gitna na may light green na bed cover, punda at sheet. Ang kurtina ay halos katerno rin ang kulay at magaan sa paningin.
“I like it. Thanks!” Nginitian ko si Emilia.
“Breakfast is at seven, lunch is at twelve and dinner is at seven-thirty. If you want snacks in between, you have to earn them. But you’ll never eat with me. Are we clear?”
Ngumiti ako sa kanya nang matamis. “No, don’t tell me that. I can eat and do anything I want. Otherwise, ipahahanap ko si Daddy Stefano at ise-send ko sa kanya ang pictures at video kung saan nakikipaghalikan ka sa pool sa isang lalaki at hindi si Daddy ‘yon.”
Nanlaki ang butas ng ilong niya at namilog ang mga mata.
“But don’t worry, I’ll do some chores⸺if I can,” pambabawi ko sa kanya. “I’ll start tomorrow.”
Humigit siya ng hininga at tumalikod na para iwanan ako. Her back was stiff, and I could very well read her aura. She was murderous!
“Don’t forget about the cloud, Emilia!” ang pahabol ko sa kanyang tinutukoy kung saan nakalagay ang pictures at video niya maliban sa phone ko. Kaya kahit na sisirain man niya ang gadget ay wala pa rin iyong saysay.
Ibinalibag niya ang pinto nang makalabas na. Napangiti ako sa sarili. Pinaandar ko ang aircon at humiga sa kama.
Hay! Medyo napagod ako dahil sa biyahe at sa init ng panahon. Baka mayamaya ay pupunta ako sa pool para maglunoy.
≈≈≈
Nakilala ko sina Bianca at Manang Lupe nang bumaba ako at nagbabad sa pool. Dahil Ate Kang ang tawag ni Yna sa kanya ay naki-Ate Kang na rin ako. Mukha namang hindi siya pumalag at tila natutuwa pa. Maganda rin si Ate Kang at mas matangkad sa ‘king kaunti.
May iba pang kasambahay sa palazzo pero mukhang paboritong utusan ni Emilia sina Ate Kang at Yna. Kung anu-ano na lang ang iniutos niya sa dalawa sa hapong iyon.
Huwag niya lang akong mautos-utusan ng mahihirap na gawain at ipaaalala ko sa kanya ang kalokohan niya.
Binigyan ako ng isang maid ng refreshments at cupcakes. Pinasalamatan ko lang siya at umalis na siya.
Napatingin ako sa paligid habang nakahiga sa komportableng lounge chair na light beige ang kulay. Nakasuot lang ako ng two-piece swimsuit na lavender. Naisipan ko pang mag-selfie at aksidenteng na-send kay Gavin imbes kay Sharenn. Magkasunod kasi ang pangalan nila sa phonebook ko. Ang siste, ang nasa phone ko ay sina Ate Jen, Atty. Valdez, Daddy Greg, Family Doc, Mama, Mang Kulas, Maritess, Monster Gavin at Sharenn.
Yati! (Pucha!) Bakit? Bakit walang cancel? Bakit ko napindot?
Weh? Pinindot mo talaga, malandi ka!
Kinabahan ako nang biglang tumunog ang cell phone ko. Wala na akong choice kundi sagutin siya. Eh, kasi naman. Kahit nagkita lang kami kagabi ay miss ko na rin siya.
“Where in heaven’s name are you, Diletta? Bakit hindi ka nag-reply sa mga text at tawag ko? Pinatay mo pa ang cell phone mo!” bulyaw niya.
Bahagya ko pang inilayo ang phone mula sa tainga ko. Baka sasabog pa ang tutuli ko nito.
“Akala ko ba umalis ka para⸺”
“Hey!” putol ko sa nais niyang sabihin. “Chill! Kahit tanungin mo pa ang bodyguard kong pipi, sasabihin niya sa ‘yong nasa Palazzo Mantovani ako.”
Marahas siyang bumuga ng hangin. Dinig na dinig ko. “Yes, he already did. But why? Why didn’t you tell me you were actually going?”
“Why didn’t you tell me you already knew?” pakli ko naman.
“I waited for you to tell me.”
“Alam mo naman na aalis ako.”
“But not when.”
“Huwag ka nga, Gavin! May first class pang ticket ang Benjamin na ‘yon, ‘no? He was already prepared. Ayaw mo talaga akong tigilan!”
“I’m sorry. I just want to make sure you’re safe even when you’re out of my sight.” Kumalma na ang tono niya. May bahid iyong pagsusumamo at totohanang paghingi ng despensa sa ginawa.
Kahit paano ay touched naman ako sa pagiging thoughtful niya. Siyempre, may love points siya sa ‘kin. Napangiti tuloy ako at nawala iyon nang maalala ko ang picture na aksidenteng na-send sa kanya at hindi kay Sharenn.
“Hoy, burahin mo ‘yong picture ko, ah!”
“What? No effing way! ‘Di ba, sinend mo nga sa ‘kin ‘yon?”
“Hoy, hindi, ah! Para sana kay Sharenn ‘yon!”
“Really? Bakit mo naman siya padadalhan ng gano’ng larawan? Are you two having a thing?”
Napatawa ako sa kanya. “Excuse me? Straight ako at straight din siya!”
“Good grief! And here I thought, you were seducing me while you’re far away. You’re such a tease, my little rose grape.” Bumaba ang tono ng boses niya. Narinig ko ang mahina niyang mura. “You look so delectable in lavender, Det. Who are you with? Don’t tell me there are guys out there. Or else, I’m going to order Benjamin to get you out of there right now!”
Napatawa ako sa sinabi niya. “Seryoso ka? Okay lang na makita ako ni Benjamin na ganito ang hitsura ko?” panghahamon ko sa kanya at napamura na naman siya.
“I’m on the losing end here. Come on, just tell me there are no guys right there with you, and I’ll believe you. I’ll also have some peace of mind.”
“Wala. Ako lang ang nasa pool. Grabe ka. Ang OA mo, ha?”
“You’re just driving me crazy, Diletta.”
Lumawak pa ang pagkakangiti ko. Ang sarap niya palang tuksuhin.
“Sige na, babalik na ako sa silid ko.” Bumangon na ako.
“You’ve met your father?” tanong niya.
Natigilan ako. “Sadly, no.”
“Oh.” He sounded disappointed, too. Just like me. And I knew exactly why.
Ibig sabihin niyon ay matatagalan din ako rito.
“Wala kasi siya. Nasa bakasyon pa siya at hindi man lang alam ng asawa niya kung nasaan. Ilang buwan na rin daw siyang wala rito. So, I’m hoping he’ll be back soon,” dagdag kong sabi sa kanya.
Napabuntong-hininga siya. “This won’t do.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?”
“You’ll see. Just take care, okay? I’ll forward to you Benjamin’s number, so you can contact him if you need him, all right? Put me and him on speed dial.”
“O, sige na nga. Mapilit ka rin talaga sa bodyguard mong pipi.”
Napatawa siya.
“What?” tanong ko.
“Nothing.”
“Ano nga?” pamimilit ko sa kanya.
“Benjamin’s not mute as you may believe, Det.”
Nagulat ako sa narinig. “Talaga? Ba’t hindi siya nagsasalita?”
“He promised me not to speak with you unless it’s truly necessary.”
“Ay, wow! At bakit naman?”
“He knows that I love you⸺”
“At anong konek?” putol ko pa na tumikwas ang kilay habang nag-e-echo sa utak ko ang tatlong huling salita.
“He knows that I love you, and he believes that it will put me at ease when he’s with you but doesn’t want to get to know you better⸺unless in the official sense.”
“That’s weird.”
“Good way weird, and I trust that guy. I’ve read his profile and background. He’s very professional. That’s why I chose him to guard you with his life.”
Inikot ko ang mga mata. “Fine. But he’s not with me inside the compound.”
“Don’t be too sure. He’s thorough with his job.”
Parang nakikinita ko pa ang ngiti niya. “Hmm. Then, your money isn’t wasted.”
“I don’t care about the money, Diletta. I don’t care how much I’ll spend just to ensure your safety. You’re all that matters to me. Just be safe, okay?”
“Oo na. Ayoko nang makinig sa sermon mo. Parang nilalamig na ako rito, eh. Ang presko pala ng hangin dito. I got to go.”