Chapter 20: Becoming a Maid

1352 Words
Tinapunan ko ng tingin si Benjamin at pasimpleng sinenyasan na umalis. Pumasok na ako at isinara ni Yna ang gate na pantao. Tanaw ko ang malaking mansion na tila palasyo. Sa magkabilang gilid ay may fountain at limang cherubs. Maganda ang mga bulaklak sa may lawn na malawak din. Bermuda grass ang nagpapaganda nito, maliban sa iba’t ibang uri ng mga halaman at bulaklak. May malaki ring pool, garahe at gazebo akong napansin. Baka sa likod ng palazzo ay malawak din ang lupain at hula ko ay may magandang tanawin din. Halatang mini-maintain nang maigi ang lahat dito. Mga bandang alas dos na iyon kaya sobrang init ng panahon. Nauuhaw na ako at parang gusto ko na lang din maglunoy sa pool. It looked so inviting. “So, is my father here?” tanong ko ulit sa babaeng kasing-edad ko yata. “Sorry, wala siya rito.” “Oh.” I was disappointed. “Is he at work or something then?” “Or something, tama,” ang tugon niya at ngumiti nang malungkot. Lalo lang akong na-disappoint nang marinig iyon. Ang layo rin ng nilalakad namin. Mas malayo pa sa mansion namin hanggang gate. Doble yata ang layo. Pinagpapawisan na ako. Umakyat kami sa baitang ng malawak na porch at saka pumasok sa puerta mayor ng palazzo. Hila-hila ko pa rin ang bagahe ko. Napatingin ako sa paligid. Malinis at mabango na parang dama de noche. Sobrang laki ng bulwagan. Puwedeng magkaroon doon ng ball. May dalawang hagdan sa magkabilang panig at paarko ang mga ito. Gawa sa brass ang bar handrail. Sa pinakauna, sa baba, imbes na bar lang ay may nakaukit na brass sparrow na nakatuntong. Pinasadahan ko ng tingin sa itaas. May chandelier sa gitna ng kisame at sobrang linis ng marmol na sahig. May mga paintings at iba’t ibang dekorasyon sa dingding, may mamahaling malalaking vases din, saka display cabinets. Parang five-star hotel ang dating. Halos katulad din sa mansion namin, may mga mamahaling dekorasyon at muwebles. “Caterina, who’s this?” Tila umalingawngaw ang isang boses ng istriktang babae sa tono pa lang ng pananalita niya. Napatingin kaming dalawa sa kaliwang hagdan kung saan bumaba ang isang magandang babae. Nakasuot siya ng maginhawang tingnan na sundress at sandals. Parang walking pawnshop din siya. Puno ng alahas ang katawan mula tainga hanggang bukong-bukong. Hinintay namin siyang lumapit at napakurap ako nang matitigan siyang maigi. Pamilyar siya. I’ve seen her before. Saan ba ‘yon? “Hi. I’m Diletta Dizon. And you are?” “Living in this place!” She’s my father’s wife Emilia? Ah, she’s a piece of work. Namilog ang mga mata ko. Naalala ko na siya, kung saan ko siya nakita noon. Siya ‘yong babaeng may kahalikan sa video ko sa Antulang Beach Resort! Bumaling siya kay Yna na magkasalubong ang nakaarkong mga kilay. “Bakit mo siya pinapasok dito? Wala kang karapatan na papasukin ang kahit na sino⸺” Halos tumaginting ang boses niya. Nakakairita sa pandinig ko. “Excuse me? I want to see my father. Just that. I won’t take much of your time,” singit ko. Ngangang bumaling sa ‘kin si Emilia. Agad niyang sinenyasan si Yna na umalis kaya tumalima na ito. Tumango lang ako nang bahagya sa kanya bago siya umalis at muling ibinaling ang tingin sa asawa ng ama ko. “Ang kapal ng mukha mong pumunta rito at hanapin ang asawa ko!” Kulang na lang ay sasampalin na niya ako. Subukan niya lang talaga at makikita niya. “Well, maybe a little thick faced, but I can’t help it. May karapatan akong makita ang ama ko. May birth certificate pa ako kung gusto mong makita.” Nagsimula na siyang mamula sa galit at naging linya ang mga labi. “No need for that. I know you,” diretsahang aniya. Kumurap-kurap ako. “Oh, you know me.” “But you have to go,” giit niya. “I don’t think you understood what I meant by I want to see my father. I’m not going to leave without seeing and talking to him!” matigas kong sabi. Ikinuros niya ang mga braso. “Why? Lumaki kang wala sa tabi mo ang ama mo, kaya bakit? Bakit nandito ka ngayon?” “It’s just between him and me. It’s none of your business,” wika ko. “I’m his wife! Legal wife,” mariing aniya. “May karapatan akong malaman kung ano ang pakay mo sa kanya.” Umismid ako. “Malalaman mo rin.” Iginala ko ang mga mata sa living room, ilang hakbang mula sa kinaroroonan namin. May malaking LED TV at malalaki at komportableng tingnan ang mga sofa na may velvet cover na maroon. “Kung gano’n, umalis ka na. Bumalik ka na lang sa ibang araw,” pagtataboy niya. Napakunot ang noo kong tumingin sa kanya. “Ano’ng ibig mong sabihin? Nasaan ang ama ko?” “He’s not here!” “I know that! I heard you the first time. Nasaan siya?” “Bakit, pupuntahan mo? Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya!” Bigla siyang napakagat ng labi. Nadulas ang dila. “Huh!” I scoffed at napatawa. “Why do I find this funny? Hindi mo alam kung nasaan ang asawa mo?” Humakbang ako papalapit sa kanya. “Tell me, is your marriage on the rocks?” Nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin. That was enough an answer to me. For some reason, it was satisfying. Kung hindi naging masaya si Mama nang iwanan ni Daddy Stefano, meaning to say, Emilia was not happy with my father either. That was… quite good, if I must say. Hindi lang si Mama ang naging miserable. I may be bad for feeling like this, but I could not help it. Lumapit pa ako kay Emilia at ginagad siya nang pabulong. “Tell me, is it because you have an affair?” Nang umatras ako para tingnan ang ekspresyon sa mukha niya ay lalo lang siyang nagulat at mula sa pagkapula ng mukha ay namutla naman ngayon. Amazing. “W-what did you say?” nausal niya. Bumilog ang mga labi ko. “Oh, so my father doesn’t know,” sabay ng pagtango-tango ko. “Should I tell him? May pictures at video pa naman ako sa Antulang. Two years ago, remember?” “What? You were there?” She looked scandalized. “It seemed I was at the right time and at the right place,” pambubuska ko pa. “So? Tell me⸺” “Don’t you dare, you little minx!” she hissed, namumula na naman ang mukha sa galit. Pansin ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. Halatang mag-iiwan ng marka sa kanyang palad ang mahahaba niyang kukong may kyutiks na pula. Umikot ako sa kanya nang nakangiti nang matagumpay. “I promise, I won’t. At least, not yet.” “What do you really want, Diletta?” paungot na tanong niya. Tumayo akong muli sa harap niya, sinalubong ang mga mata niyang puno ng iritasyon. Kulang na lang ay aatakihin niya ako at dudukutin ang mga mata ko. “As I’ve said, I just want to see and talk to my father,” kalmanteng sagot ko. “Fine! Leave your number, and I’ll just call you when he gets back,” ang sabi niya. Ngumiti ako sa kanya nang nanggagagad pa rin. “Nope, I don’t want to leave. I want to stay here until he’s back. That way, I will surely not miss him. Got it?” Nakangiti ako sa kanya. “What?” “You heard me. Tell me, where is the guest room? I’m sure there are a lot of guest rooms in this mansion.” Parang gusto na niya akong kutusan pero parang may namuong plano sa isip niya at ngumiti siya sa ‘kin na parang psycho. “If you want to stay here, then you have to earn your keep.” Umarko ang mga kilay ko. “What do you mean?” “I’m actually in need of another maid,” ang paglalahad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD