Chapter 19: Ang Epal

1213 Words
Isang oras mahigit ang flight. Medyo bored ako habang nasa ere ang eroplano. Nakaupo ako sa isang first class seat na nasa bandang bintana. Rounded square ang bintana at makikita ang puting ulap sa labas. Naisipan ko na lang na mag-browse sa mga pictures na nasa phone ko. Nandoon ang lahat ng pictures namin ni Mama sa cloud pero ang ilang importante ay nasa phone ko rin. Malaki kasi ang memory space. Nagbabayad din ako ng monthly fee para lang hindi mawawala ang kopya ng mga pictures at videos sa cloud at naa-access ko anumang oras basta may internet lang. Naka-airplane mode ang phone ko kaya hindi ako um-access ng internet kahit na mare-re-enable ito pagkatapos mabago ang setting. Napapangiti ako sa larawan namin ni Mama. Malungkot ang ngiti ko at halos maiyak-iyak na naman ako. Miss na miss ko na siya. Nang wala na si Daddy Greg, nagbabakasyon pa rin naman kaming dalawa noon ni Mama sa kung saan-saan para mag-bonding. Paminsan-minsan ay sumasama sa amin si Gavin o kaya si Ate Jennifer, depende sa schedule nila. Madalang nga lang naming nakakasama si Ate kasi nga nasa labas siya ng bansa naglalagi. Minsan, pumunta kaming dalawa ni Mama sa Antulang, sa Siaton. Parte pa rin ng Negros Oriental, pang-apat na municipal mula sa Dumaguete City sa katimugang direksyon. Mahigit-kumulang isang oras ang layo mula sa siyudad. Isa yaong beach resort na may pool, restaurant, mga villa, horse riding, kayaking at iba pang activities. Rinig ko ngang may isang sikat na artista na nagkaroon ng proposal doon. Marami ring dayuhan ang bumibisita roon dahil maganda at unique ang lugar. It reminded me of Venice kung saan may pool at makikita ang dagat sa baba mula roon. Sa ilang larawan namin ni Mama ay may napansin akong mag-asawa yata. Nakunan din sa video ko ang mga ito nang ni-record ko ang paligid ng resort at nasa swimming pool silang dalawa. Baka bagong kasal yata at panay ang halikan ng mga ito. Honeymoon phase, ‘ika nga. Maganda ang babae, mestiza, at ang lalaki naman ay moreno at hindi rin pangit. Halos magkapareho lang yata sila ng edad. Napailing na lang ako. May iba talagang PDA. Tuloy ay napaisip ako kay Gavin. Kung sasagutin ko kaya siya, magiging ganito rin kaya siya? Luh! Naiinggit ba ako sa dalawang ‘to sa video? Napangiwi na lang ako. Nang marinig ko ang pilotong nag-anunsiyong malapit na kaming darating sa Manila ay tumayo ako para magbanyo. Nilampasan ko lang si Benjamin na panay ang masid sa bawat galaw ko. Inignora ko lang naman siya. First class din pala ang ticket niya. Ayaw talaga akong hiwalayan ng tingin. Pagkatapos kong magbanyo ay bumalik na ako sa upuan ko. Tumingin ako sa baba at nakita ang nakakalat na mga gusali at bahay. Sa totoo lang, ang pangit tingnan mula sa itaas. Parang nagsisiksikan. Walang maayos na disenyo, hindi katulad ng sa ibang bansa na nakita ko. Hindi nagtagal ay lumapag na rin ang eroplano. Nakabuntot pa rin si Benjamin sa akin pero hindi naman nagpahalatang kasama ko siya. Nang tingnan ko ang cell phone ko ay napansin ko na ang ilang missed calls at may sunud-sunod na text messages si Gavin. Ini-off ko na muna ang cell phone. Ayoko pa siyang makausap hangga’t hindi ako nakarating sa Tarlac samantalang panay ang dutdot ni Benjamin sa kanyang cell phone. Halatang nagre-report sa amo niya. Kahit hindi ko na basahin ang mga mensahe ni Gavin ay alam ko na ang mga iyon. Ibinalik ko na lang sa bulsa ng backpack ang cell phone. Hawak naman sa isang kamay ang luggage ko. Nakipila na rin ako para sa kukuha ng taxi. Halos isang oras rin akong naghintay. Nakakasura talaga sa Manila. Ang daming tao. Sa wakas ay nakasakay na rin ako ng taxi pero binalaan ko talaga si Benjamin na huwag sumama sa ‘kin kaya lang ang tigas din ng pagmumukha niya. Sumakay rin siya sa taxi na ako ang magbabayad. Buwisit! “Sure kayo sa address na ‘to ko kayo ihahatid?” tanong ni Mamang Taxi Driver, sinulyapan ako at si Benjamin. “Opo. Bakit po?” sagot-tanong ko. “Malayo ‘to, hija,” ang sabi ng driver na tiningnan ang maliit na papel na ibinigay ko sa kanya kung saan nakasulat ang address ni Daddy Stefano. “Mga dalawang oras ang biyahe natin nito.” “I know that it’s far. So?” Tumikwas ang kilay ko. “Malaki ang ibabayad n’yo sa ‘kin nito. Ihahatid ko na lang kayo sa terminal ng bus, tapos sakay kayo ng pedicab pagda⸺” “Do I look like cheap to you, Manong?” pagtataray ko sa may edad na driver na sunog sa araw ang balat. “A-ah… Hindi naman sa gano’n. Ang sosyal mo ngang tingnan, hija. Kaya lang, ang mga balikbayan ay sobrang kuripot at baka⸺” “Hindi ako balikbayan at hindi rin ako kuripot, Manong. Huwag kayong epal. Just go!” Napatawa siya nang hilaw at napakamot sa batok. “Ah, sige, sige. Sinabi ko lang sa ‘yo, hija kasi baka aawayin mo pa ako.” Bumuga na lang ako ng hangin. “Mag-drive through na rin tayo, Manong. I’m hungry,” ang maarteng sabi ko. Panay ang tapon ko ng matalim na tingin kay Benjamin sa front passenger seat. Tinabihan niya talaga ang taxi driver. Nag-order ako ng spaghetti, burger ‘tsaka soft drinks at bottled water. Napilitan akong bumili ng tatlong set para sa amin. Hindi naman kasi ako ang klase ng taong hahayaan ang ibang taong manood lang habang kumakain ako. Nang dumating kami sa Tarlac sa mismong address ng mansion ng ama ko ay binigyan ko ng apat na libo ang driver. “Keep the change, Manong.” Kumislap ang mga mata niya at maluwag ang ngiting nagpasalamat. Malaki rin kaya ang tip na binigay ko sa kanya. Binigyan niya ako ng calling card. “Kaibigan ko ‘yan, hija. Dito siya na area nagbibiyahe. Tawagan mo lang kung kailangan mo ng masasakyan kahit anong oras.” I was impressed. “Oh! Okay. Thanks, Manong,” sabi ko at inilagay na sa bulsa ng backpack ang name card. Napatingin ako sa malalaking letrang Palazzo Mantovani sa may arko ng gate. Hindi talaga ako mawawala kung sakali man. Mataas ang pader na kongkreto at may barbed wire pa sa itaas nitong nakapaligid sa pagmamay-ari ng ama ko. Pader at gate pa lang ay impressive na. Malamang hindi madaling akyatin o pasukin. Wala akong napansing guardhouse pero may nakita akong doorbell at intercom, saka CCTV. Napalingon ako kay Benjamin. Nasa tapat lang siya ng sementadong kalsada. Parang tambay ang peg. Inignora ko na lang siya at pinindot ang doorbell. Napaatras ako nang bumukas bigla ang gate na pantao. Nagkatitigan kami ng babaeng sumungaw roon. She looked pretty to me. There was something in her eyes that made my heart leap. That was quite weird. Hindi naman ako tibo. “Hi,” bati ko. “I’m Diletta Dizon. I’m here to see my father, Mr. Stefano Mantovani. Is he around?” Umawang ang mga labi niya sa narinig at saka ngumiti. “Hi! I’m Caterina. Just call me Yna for short. Halika, pasok! Pasok!” Teka, bakit parang excited siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD