Chapter 18: Pagsira sa Pangako

1336 Words
Napatingin ako sa sariling repleksyon sa salamin. Napalunok ako at pinalandas ang malakandilang daliri sa linya ng panga ko pati na sa pisngi para damhin ang malambot kong kutis. Kahit na nagmamadali ako ay gusto kong tiyakin na presentable pa rin ang mukha ko kahit na walang makeup. Natural na natural ang soft peach lips kong walang bahid na lipstick ngayon. I suddenly recalled Mama saying that I got my high cheekbones, slightly squared face and Roman nose from my father. And the way she talked about him, it was obvious she did love him so much. Muling nahila ang paningin ko sa munting nunal sa tungki ng aking ilong. Akala ko pa noong bata pa ako ay lalaki iyon kapag lalaki rin ako. Subalit pasalamat akong hindi naman kaya masuwerte na rin ako. Ang tingin ko kasi ang pangit ko kaya kapag may malaking nunal sa ilong. Napahugot ako ng hininga at mabilis na sinuklay ang natural na tuwid kong dark brown na buhok. Pagkatapos ay tinalian ko iyon. Sinipat ko lang ang suot kong leggings at mahabang off-shoulder three-fourth sleeved blouse na pinaresan ng tennis shoes ay satisfied na ako. Sigurado akong komportable ako nito sa biyahe. Napasulyap ako sa wall clock sa silid ko pagkalabas ng banyo. Kailangan kong magmadali kahit nagpabili na ako ng ticket nang pasekreto sa isang kasambahay kahapon para hindi malaman ni Gavin na aalis ako. Bandang alas singko pa lang ng umaga pero dapat ay nasa airport na ako. Alas siyete pasado ang flight. Alam kong hindi masyadong ma-traffic sa ganitong oras at walang trenta minuto ay darating na roon sa paliparan pero mas maiging nandoon na ako nang maaga. Isa pa, ayokong maratnan ni Gavin dahil early riser siya at nag-eehersisyo. I did not want any confrontation with him before I leave. Hinila ko na ang luggage at nakasukbit sa balikat ang maliit na stylish backpack kung nasaan ang ID, pera at alahas ko. Mas maigi nang nasa akin ang mga ito kaysa ilagay sa bagaheng iche-check in. Baka kasi mawala pa ang luggage ko. Minsan na akong nawalan noon ng traveling bag noong nagbakasyon kami nina Daddy Greg at Mama sa Singapore, kasama sina Ate Jennifer at Gavin. Bata pa ako noon. Iyak ako nang iyak dahil nandoon ang paborito kong manika. First time ko kasing magkaroon ng talking na walking doll. Kinailangan tuloy ni Daddy Greg na bumili ng kagayang-kagaya noon para lang tumahan ako. Si Gavin naman ay panay ang simangot sa ‘kin. Nang nagkaroon siya ng tsansa noon ay sinabihan akong “You’re so pathetic! If you thought the doll is important to you, then why did put it away where you can’t see it?” And… that was a lesson learned. Medyo nahirapan akong ibaba ang luggage nang mag-isa. May kabigatan din. Siguro ay hindi ko kailangan ng maraming damit pero kasi hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari kaya minabuti ko nang may dalang pamalit na kasuotan. Baka wala na rin akong oras para mag-shopping. Bahagyang lumangitngit ang puerta mayor nang buksan ko ito. Parang sa horror movie na makapanindig-balahibo. Ayaw ko sanang tumunog iyon sa takot na marinig ni Gavin sa silid niya. As if naman. Nasa pinakaitaas na palapag ang kuwarto niya kaya imposible. Nagmamadali na akong lumabas at mabilis ang mga hakbang papuntang garahe kung saan naghihintay si Mang Kulas na tinext ko na kagabi pa para maghanda ngayon upang ihatid ako sa airport. Binalaan ko na siyang huwag iyong ipagsasabi sa kahit kanino. Ang birthday gift ko para kay Sharenn na nakalimutang kong ibigay sa kanya ay nasa ibabaw ng vanity ko at inihabilin kay Maritess sa pamamagitan ng isang note. Next week na kasi ang kaarawan ng kaibigan ko. Malamang hindi pa ako nakakauwi no’n. Wala kasing kasiguraduhan ang pag-alis ko papuntang Tarlac. Tatawagan ko na lang siya kapag nandoon na ako. Agad na binuksan ng humihikab pang si Mang Kulas ang pinto ng sasakyan at inilagay sa trunk ang bagahe ko. Kasabay niyon ay may isang hindi ko kilalang lalaki na nagmamadaling umupo sa front passenger nang lumulan ang driver sa sasakyan. He was dressed in all black. Kaswal lang, may hoodie at maong pants saka baseball cap. Nasa mid-thirties ang edad niya. In fairness, hindi siya pangit at maganda ang pangangatawan. “Excuse me? Who are you?” tanong ko pa sa lalaki na wala man lang salita. “A-ah… ‘Day Det, siya ang imong bodyguard, si Benjamin (Inday Det, siya ang ‘yong bodyguard, si Benjamin),” pakilala ni Mang Kulas na lumingon sa ‘kin mula sa driver seat. Ang laki ng pagkaawang ng bibig ko nang marinig ito. “What? I don’t need a bodyguard! Who⸺Of course! It’s Gavin.” Napatawa ako nang mapakla pero agad na pinutol iyon. “Mang Kulas, sinabi mo kay Gavin na aalis ako?” “Naku, hindi matabil ‘tong dila ko, ‘Day Det. Alam mo naman ‘yan,” depensa ng driver. Sabagay, naniniwala naman ako sa kanya. Pinababantayan lang talaga siguro ako ni Gavin sa bawat galaw ko. “Get out,” utos ko kay Benjamin. “’Day Det, dili na effective niya tawon. Katayon siya ni Sir Gavin kung dili niya himuon iyang trabaho (Hindi ‘yan effective sa kanya. Kakatayin siya ni Sir Gavin ‘pag hindi niya gagawin ang trabaho niya),” paliwanag ni Mang Kulas. Spokesperson ‘ata siya ng bodyguard. Kabuwisit talaga ang Gavin na ‘yon! Umagang-umaga, ah! “Fine! Pero ayaw kong dumikit ka sa ‘kin, ha? Binabalaan kita!” babala ko sa lalaking hindi pa rin umimik. Pipi yata ang bodyguard na kinuha ni Gavin, ah. Ayaw niya yatang may ibang lalaking makikipag-usap sa ‘kin. Napangiti ako nang maisip na pupunta nga pala akong airport. Sigurado akong wala itong pera para sa flight at nungkang babayaran ko ang ticket niya, ‘no? Napanatag din ang loob ko kaya sumandal ako nang maayos sa backseat. Napalingon lang ako saglit sa malaking bahay habang pinaandar at pinausad na ni Mang Kulas ang sasakyan. Hay… Bakit nakalulungkot? Parang hindi ko na makikita sina Gavin at Ate Jennifer. Ang bigat-bigat sa dibdib. Nagi-guilty ako kahit paano kasi tumakas lang ako nang ganito. Pero kasi, alam kong ayaw nila akong umalis. Kahit na sinabi sa ‘kin ni Gavin na hindi niya ako pipigilan, batid kong dismayado siya nang sobra dahil sa desisyon ko. Si Ate Jennifer naman, makaka-get over din iyon. Alam kong tatawagan niya ako kapag nalaman ito at magtatampo siya pero lilipas din iyon. Ang importante sa ngayon ay ang gagawin ko na ang kailangan kong gawin. Tapos naman na ang pang-siyam na araw nang pagdarasal para kay Mama at nakabisita na ako sa kanyang puntod bago ako umalis. Nagpaalam na ako sa kanya at humingi ng tawad dahil sa pagbali ko sa pangako ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang i-expect kapag nandoon na sa Tarlac. Tatanggapin kaya ako ng ama ko? Matutuwa kaya siyang makita ako? Ano kaya ang mararamdaman niya kapag nalamang wala na si Mama? Puno ng kung anu-ano ang isip ko at namalayan ko na lang na huminto na ang kotse sa parking lot ng airport. Tinulungan ako ni Mang Kulas sa bagahe at nagulat na lang ako nang kinuha ni Benjamin ang luggage. “Wait, what are you doing?” sita ko sa kanya at akmang kukunin ang bagahe. “Ah, ‘Day Det. Mokuyog na siya nimo ug asa ka paingon (Sasama siya kahit saan ka pupunta),” sabi ni Mang Kulas. Na naman. I scoffed. “I’m sure you don’t have a flight ticket, so no way! Akin na nga ‘yang bagahe ko!” Napanganga na lang ako nang may kinuha siyang papel mula sa back pocket ng kanyang pantalon at nakita kong… May ticket siya! “Oh, God…” I groaned. “I’m going to kill you, Gavin! Wait ‘til I see you again!” pagngingitngit kong kuyom ang mga palad. Punyemas! Ipinagkanulo ako ng kasambahay namin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD