“Let’s talk,” Gavin demanded.
Agad siyang pumasok sa silid ko kahit hindi ko pa siya pinapasok pagkatapos ng dinner naming tatlo ni Ate Jennifer. Ewan ko kung saan na nagpunta ang isang iyon. Baka may ginagawang trabaho iyon at may kausap na kasamahan sa England. Pero simula noong sinabi kong aalis ako, parang nagtampo na siya sa ‘kin at hindi man lang ako kinakausap. Tinext lang ako at sinabing, “I wish you’d change your mind and stay, Det.”
Isinara ni Gavin ang pinto at wala akong choice kundi ang umatras ako nang dalawang beses. Ikinuros ko ang mga braso ko at napatingin sa kanya.
“What do you want to talk with me? I thought I already made myself clear. I’m going,” ang matabang kong sabi sa kanya. But I was too aware of how attractive he looked right now. Kahit sa suot na board shorts at round neck T-shirt ay litaw pa rin ang pagiging magandang lalaki niya. Kahit kailan ay hindi siya naging pangit sa mga mata ko kaya lalo lang akong naiinis sa kanya.
Pansin ko ang pagpasok niya ng kanyang mga kamay sa bulsa ng kanyang shorts. It seemed unlike him to do that. Wala, pansin ko lang.
“I don’t want you to leave,” panimula niya.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko habang nakatitig sa seryoso niyang mukha. Parang may kung anong pagpigil siyang ginagawa sa kalooban niya.
“Buo na ang pasya ko, Gavin. Hindi mo na ako mapipigilan pa.”
“Why? Why are you being so stubborn?” Nagsalubong ang mga kilay niya.
“Bakit kailangan kong manatili kung gusto ko namang umalis, ha? Gago ka talaga,” sabay irap ko.
Humakbang siya papalapit sa ‘kin. It was enough a threatening move to me. Kaya naman ay napaatras ako.
Ano na naman kaya ang naiisip niyang gawin sa ‘kin ngayon?
Bahagya akong kinakabahan. Nae-excite na ewan.
“To see your father isn’t a good enough reason to me, Diletta. I know you have something else on your mind!” aniya at bahagyang humigpit ang panga.
Napalunok ako at patuloy na umaatras habang siya ay papalapit sa ‘kin. Weird, he still had his hands inside his pockets. For a moment, I thought he would reach out to me and hold me.
Inulit ko sa kanya ang sinabi ko kanina kay Sharenn na gusto kong makita si Daddy Stefano habang ibinalita sa kanya ang nangyari kay Mama at nang malaman ko rin kung gaano ako kahalaga sa ama ko. I needed to know. Was there something wrong with that? I believed none.
Napatda nang saglit ang mokong nang marinig ang rason ko. Tumigil din siya sa harap ko samantalang ramdam ko na ang kama sa likod ng binti ko. Ramdam ko rin ang init ng katawan niya kahit hindi pa siya nakadikit sa ‘kin. Tuloy ay mas napaangat ang mukha ko dahil sa tangkad niya. Nang humigit ako ng hininga ay muli ko siyang nasamyo. Sobrang bango, kaadik.
“If I can manage to contact your father and ask him to come over instead, will you stay?” biglang tanong niya.
Napakurap ako habang nakaawang ang mga labi. “A-ano?”
“You heard me. That way, I can be assured that you’re safe.”
Napalunok ako. Handa na akong umalis. Tapos, heto siya at ginugulo ang isip at desisyon ko!
Minatay jud ka, Gavin! (Peste ka talaga, Gavin!)
“How sure are you that you can convince him?”
“I’ll make a way.”
Umiling ako. Hindi ako naniniwala sa kanya. “For years, he hasn’t even visited me, so I don’t think you’ll be able to convince him. Hindi ka niya kilala.”
“If I say I’ll make a way, I will. You just stay put and wait for him, Diletta.”
“No! I’m done waiting! For twenty-one years, I’ve never seen a shadow of him. Not once, Gavin! If he doesn’t want to come to me, then I’ll go to him. And that’s it! Huwag mo na akong pigilan pa!”
“Diletta⸺”
“I think we’re done talking,” ang sabi ko at iniwas ang mukha.
“You know what?” Inilabas niya ang kanyang mga kamay sa bulsa at hinawakan ako sa magkabilang balikat. “I’m trying to keep my hands off you, but I should shake some sense into your head!” ang matigas niyang sabi sabay alog niya sa ‘kin nang bahagya. “You know how dangerous it is⸺”
Itinabig ko ang mga kamay niya at tiningnan siya nang matalim. “I’m not a child anymore, Gavin!”
“That’s my problem! You aren’t!” Napatalikod siya habang napasigaw. Napakuyom pa siya ng mga palad. Ang lalaki ng mga kamao niya. Alam kong hanggang ngayon at kahit sa busy schedule niya sa trabaho ay lagi pa rin siyang nagdyi-gym at nagpa-practice ng martial arts. Matindi ang time management ng mokong.
Napakurap-kurap akong napatitig sa kanya. Halos hindi ako makahinga. “W-what do you mean?”
Humarap siya sa ‘kin. “Just… stay, Det. Nakikiusap ako sa ‘yo,” pagsusumamo niya. Pati mga mata niya ay nakikiusap din.
Piskot ra gud kaayo ni siya. Laming luskon iyang mata para ‘di ko madani! Jusmio. Tabang! (Peste talaga siya. Ang sarap tusukin ng mga mata niya para ‘di ako mahikayat. Jusko. Saklolo!)
Paano ako aalis kapag ganito siya?
No, no, no. Huwag kang magpapadala sa kanya, Diletta!
Tila nanlambot ang mga tuhod ko sa klase ng titig niya. Muli akong napalunok ng laway. Pinilit kong ignorahin ang malakas na t***k ng puso ko.
“What’s your favorite flower?” Bigla na lang dumulas iyon sa bibig ko.
Kumurap siya nang ilang beses habang nakatitig sa ‘kin. Umiwas naman ako ng tingin.
“Jasmine. Why are you asking?”
So, jasmine nga ang paborito niya. Gaya na lang ng pop-up card na bigay sa kanya ng babaeng iyon.
Jasmine kaya ang pangalan niya?
“Gusto ko lang malaman, kaya ‘yon.”
“Why are you changing the subject all of a sudden?” iritableng tanong niya. Nakasimangot pa siya.
Umiwas ako ng mukha para hindi niya mabasa kung anuman ang puwedeng bumakas sa mukha ko. Halos mapasinghap na lang ako nang lumapit siyang muli sa ‘kin.
“Tell me,” ang may pagsuyong tono ng tinig niya.
“W-wala lang. Na-realize ko lang na hindi ko pala alam ‘yon,” sagot ko sa kanya. Humina pa ang boses ko samantalang palakas nang palakas ang pagkabog ng dibdib ko. Para na yatang sisirain ng puso ko ang tadyang ko.
“Dahil ba sa alam ko at binigyan kita ng paborito mong rose grape flowers?”
Hindi, kundi dahil sa Jasmine mo.
“Hindi madaling ma-order ‘yon, lalo na sa season na ‘to kaya… salamat,” katuwiran ko na lang. Hindi ko pa rin magawang salubungin ang mga mata niya.
Sa totoo lang, pina-preserve ko iyon kay Maritess sa pamamagitan ng microwave flower-drying technique. Lagi kasi iyong nanonood ng mga DIY sa social media kaya alam niya. Itinago ko na nga ang preserved bouquet sa drawer kung saan nakatago ang mga alahas ko. Alam kong habang-buhay ko iyong ite-treasure kahit na pa may Jasmine si Gavin.
Hinawakan niya ang baba ko at maingat iyong itinaas upang tingnan siya sa mga mata. Hay! Juskolord! Ang mga mata niya ay nagpapayanig sa puso ko at nagpapalambot sa mga tuhod kong parang spaghetti.
“Do you even know why I love jasmine flower?”
Umawang ang mga labi ko nang inilapit niya ang mukha sa ‘kin at idinikit niya ang pisngi sa pisngi ko. Oh, God! Hindi na ako makahinga.
“It’s because of how you smell, Det… Your scent is just like jasmine…” anas niya. Ang mga labi niya ay sobrang lapit sa tainga ko.