Chapter 16: Confession

1359 Words
Napatigagal ako sa sinabi ni Gavin. Hindi ko akalaing marinig iyon mula sa kanya. Ni hindi man lang iyon sumagi sa isip ko. Marahan akong napakurap at tila na-possess, wala sa sariling nausal ang “Kung gano’n… iyan ba ang dahilan kung bakit… may nobya kang Jasmine?” Agad siyang napahiwalay ng pisngi mula sa ‘kin upang titigan ako nang husto. Magkasalubong pa ang mga kilay niya. “What? I don’t have a girlfriend, and I never had one because of you!” I scoffed when I heard it. “Ano? Ano’ng pinagsasabi mo? Ako pa ang sinisisi mong wala kang girlfriend?” “Don’t play dumb, Diletta! You know what it means!” Hindi ako makapaniwala sa kanya. O mas maiging sabihing ayokong maniwala sa kanya! “If this is your way of trying to stop me from going anywhere, you’re wrong, Gavin! Feelings or no feelings, I’m going!” matigas kong saad sa kanya. “Talaga bang gusto mong iespelingin ko pa, ha?” Para akong naeskandalong napatingin sa kanya. “Oh, yes, please! Spell it out! Because right now, I have trouble trusting you!” Napabuga siya ng hangin nang dahil sa prustrasyon. “Yes, I admit it, Diletta. I’m no saint, and I slept with some women.” Napapikit ako ng mga mata nang isang saglit nang dahil doon. Parang may sumaksak sa puso ko na sobrang talim at ramdam ko pa ang sakit at panlalamig sa bandang dibdib ko. “Why?” pagpatuloy niya pa. “Because I wanted to believe that if I’d just get involved with another woman, I’d forget about you. But fate must be planning something else. As I tried harder and harder… and I even went to the US just to keep my distance away from you, it became more and more impossible to ignore you, Diletta. God knows how hard I tried, and only God knows how much I love you! There, I said it!” Laglag ang panga ng inosenteng self ko. In-absorb ni brain kung ano ang narinig ko. Loading Diletta… Loading Gavin… God knows how much I love you… Tila umalinignig ang mga salitang iyon sa buong silid ko. Pinoproseso ito ng utak ko habang tila nag-slow motion ang pagpintig ng aking puso kahit na malakas ang pagkabog nito. Literal kong naririnig ang pagtibok ng puso ko na parang dagundong sa tainga ko, thanks to him. Naulinigan ko ang mahina niyang pagmura. Habang nakatitig ako sa kanya, tila napansin ko ang kaunting pamumula niya. Was he really blushing right now because he had just confessed his feelings to me? Kahit ako man ay umiinit ang pisngi ko sa realisasyong ito. “A-ako ang dahilan ng pag-alis mo?” nautal kong tanong, hindi pa rin makapaniwala. I never thought Gavin could and would blush like this. Sobrang nakakasorpresa. Akalain mo iyong masungit na lalaki nagbu-blush? Susmaryosep! Gidamgo ra dagay ko ani, ay. ‘Di ni tinuod. (Nananaginip lang yata ako, ah. Hindi ito totoo.) “You were too young for me, Diletta! How could I even like you when you were just fifteen for God’s sakes? So, I took the initiative to go as far as I could. I studied further and helped Gramps with the family business while I was in the US.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Kaya pala ilang beses ka lang umuuwi no’n dito,” nausal ko habang napagtanto ang sitwasyon noon. “Huh.” “Kung gano’n… ilang babae ba⸺” Dumilim ang anyo niya at hindi man lang ako pinatapos sa pagtatanong. “Do you really wanna know how many, Diletta?” Humakbang siyang muli. Nakalimutan kong sagad na pala ang lugar na aatrasan ko kaya bahagya akong napahiga sa kama nang nakatukod ang mga siko. Napalunok na lang ako nang dumukwang siya at nakatukod ang mga kamay sa mattress. Sobrang lapit ng mukha niya sa ‘kin. Napalunok tuloy ako nang sunud-sunod. Paano ba naman kasi? Halos pumaibabaw na siya sa ‘kin, ano? Ang buwisit na lalaking ‘to, pinagsamantalahan ang posisyon ko. “There was quite a number, if you really wanna know. But I never truly counted. No matter how many they were, no one could ever replace you in my heart, Det. You’ve already been long engraved in here,” sabay dantay ng palad niya sa kanyang puso. “You took up the entire damn space that no one else can even get in!” “Seryoso ka talaga?” bulalas ko. “I wouldn’t care what your favorite flower is if I wasn’t interested in you in the first place,” tugon niya. Totoo nga naman. Binasa ko ng laway ang mga labi ko sa pamamagitan ng dila ko at napalunok ulit. “Kung hindi mo girlfriend ang nagbigay sa ‘yo ng pop-up card⸺” He snorted. “You went through my things, and on top of that, my garbage?” Para siyang napantastikuhan sa nalaman. Itinulak ko siya sa pamamagitan ng isang paang itinukod sa tiyan niya at sa kamay kong nasa dibdib niya. Napatayo tuloy siya pagkaatras. “Hoy! Nagkataon lang ‘yon na nakita ko, ‘no? Huwag kang feelingero!” Muli akong tumayo mula sa kama. Subalit ay umangat ang isang sulok ng kanyang labi. “Are you jealous? Is that why you’re asking?” “Excuse me? Iba ang pagseselos at iba ang nililinaw ang isang bagay.” “Isang babae,” pagtatama niya. Napangisi pa siya sa ‘kin. Mukhang ini-enjoy ang paksa namin. Hype! Mukhang talo na naman ako nito sa huli. “Sabi ko, huwag kang assuming. Tinatanong ko lang!” pagtataray ko sabay rolyo ng mga mata. “You’re cute when you’re jealous.” “Isa pa, sisipain na kita!” banta ko sa kanya. Sumeryoso rin siya. “You don’t have to know who gave me that card. It meant nothing to me, and that’s why it ended up in the trash. The sender means nothing to me. Hindi siya importante. All that matters to me is you, Det. You and your feelings.” Matama ko siyang tinitigan. “Kung gano’n, rerespetuhin mo ang desisyon kong umalis, Gavin.” “Diletta…” Napaanas siya. “Sa totoo lang, nahihirapan akong maniwala sa ikinumpisal mo, Gavin. Hindi ko alam kung maniniwala agad ako sa mga sinasabi mo.” Sorry, nagsisinungaling ako. Ramdam ko namang totoo ka. Maang siyang napatingin sa ‘kin. Agad na gumuhit ang sakit at pait sa mga mata niya. Tila ramdam ko nga rin ang bigat sa puso niya ngayon. Subalit nagpatuloy lang ako sa pagsasalita, “Alam ko namang mahirap… lalo na kapag hindi nasusuklian ang damdamin ng isang tao. Pasensiya ka na, wala akong panahon para analisahin ang anumang damdamin meron ako para sa ‘yo. Wala akong oras⸺” “I understand,” talunang wika niya. Ehh? Kung gano’n, susukuan na niya ako? Awit! Bakit parang gusto kong mataranta at manghinayang? Kailangan ko na bang bawiin ang sinabi ko? Naku, Diletta! Huwag kang tanga at marupok! Napakurap-kurap ako nang hinawakan ng isang kamay niya ang pisngi ko. Masarap sa pakiramdam ko ang mainit niyang palad na banayad na nakahawak sa ‘kin. “I’m sorry if I sounded like I am rushing you. Believe me, it’s not my intention. I just don’t think I can hold back anymore, Diletta, that’s why I’m letting you know of my feelings now.” Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Siya lang ang marupok. Sobrang haba talaga ng hair ko, mula rito hanggang US of A. Hindi ko maipagkakaila sa sariling nasiyahan ako. Siyempre, maghihintay sa ‘kin si Gavin. Naghintay nga siya sa ‘kin nang ilang taon, eh. Mahabang panahon din ang anim na taon. Lalaki pa siya. Hanggang sa mga sandaling ito ay halos hindi ako makapaniwalang may pagtingin na pala siya sa ‘kin sa loob nang maraming taon. Wala man lang akong ideya. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko sa pamamagitan ng kanyang hinlalaki habang nakatitig siya sa ‘kin, pababa sa labi ko. ‘Tsaka isang saglit lang ang lumipas ay marahan na niyang inilapit ang mukha sa ‘kin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD