Chapter 9: Reunion?

1800 Words
Aminin ko man o hindi, pabalik-balik sa balintataw ko ang paghalik sa ‘kin ni Gavin. Kaya para hindi ako mabaliw⸺ang pinakamagandang baliw kung saka-sakali⸺umalis ako ng mansion. Naisipan ko na lang na pumunta sa mall. Dala ko ang kotseng regalo sa ‘kin ni Ate Jennifer noong twentieth birthday ko. Hindi ko talaga inasahan ‘to. Kaya naman ay sobrang saya ko. Paano kasi, ayaw ni Gavin na magmaneho ako kahit na nakapasa na ako sa driving lessons ko. May driver naman daw kasi kami. Kaya nga nag-away sila noon ni Ate Jennifer. Si Mama naman, sumang-ayon lang kay Gavin para iwas-disgrasya raw. Pero ayaw ko talagang magpapigil lalo na’t may lisensiya naman na ako. Tumatakas lang ako at pinagdarasal na hindi maha-high blood ‘yong driver kapag nalamang nagmamaneho ako at siya ang pagdidiskitahan ni Gavin. Ilang beses na ring nangyari ‘yon. Kawawang Mang Kulas, nagkaroon ng among control freak. Biyernes iyon kaya parang weekend na rin. Maraming naka-park sa may mall. Nahirapan ako sa paghahanap ng mapa-parking-an. Medyo malayo sa mismong gusali ng mall. Hindi naman ako nagmamadali kaya normal lang ang paglalakad ko. Medyo mainit pa rin kahit magdadapit-hapon na. Papasok na sana ako nang may bumangga sa ‘kin sa balikat at nasapo ko ito. “Ay, sorry! I didn’t see you!” maarteng despensa ng babaeng naka-shorts at crop top. Pagtingin ko pa sa mukha niya ay agad kong nakilala si KC. Napatingin siya sa suot ko at napansin ang mourning pin kong itim na nasa kaliwang dibdib. “Uy, condolences sa ‘yo, Diletta,” sabay tikwas niya sa kanyang buhok. Pina-hot oil niya yata kasi maganda. And obviously, wala na siyang kuto ngayon. Malamang, kung meron pa at nagpa-hot oil siya, eh ‘di tigok ang lahat ng mga kuto niya. Nai-imagine ko na lang ang kamatayan ng mga parasite. “Nabalitaan naming wala na ang mama mo pero hindi kami nakapunta sa burol o kaya’y sa libing niya ‘cause, you know, life happens.” “Salamat. Ayos lang. Naintindihan ko naman,” matabang na tugon ko dahil duda akong nakikiramay talaga siya. Wala akong tiwala sa kanya lalo na ang mga mata niya ay parang nagagalak ngayon. Ayoko na lang tingnan ang pagmumukha niya at baka makalmot ko pa at maging pang-Halloween na maskara ‘yon. Mahaba pa naman ang manicured nails ko. At pasalamat siyang hindi siya dumalo sa burol o kaya sa libing ni Mama dahil kung nagkataon at napansin ko ang parehong reaksyon niya ngayon, baka siya pa ang unang inilibing kaysa kay Mama. Tatalikod na sana ako nang papalabas din ng mall sina Rex at Erin. In fairness kay Erin, hindi na siya tabachingching. Healthy living na yata. Slim na siya pero may nakapasak pa ring lollipop sa bunganga niya. Kumusta naman kaya ang sugar niya? Ang ikinataas ko lang ng kilay ay nakaabre-siyete siya kay Rex na matipuno na ang katawan at hindi na rin bungi. So, sila na? Not that I cared. It was just news to me. Wala na kasi akong balita sa kanila pagkatapos nilang gr-um-aduate ng college. Nasa Dumaguete pa rin pala sila. Akala ko pumunta silang Cebu o kaya Manila kasi mas malalaking siyudad ang mga iyon kung ihahambing sa siyudad namin. Mas maraming job opportunities doon. “Look who’s here, Erin, Rex,” anang KC sa mga ito. “Diletta,” sabay na sambit ng dalawa. Magkadikit talaga ang tatlong ‘to. Napapaisip tuloy ako ngayon kung nagti-threesome sila. “Lookin’ good, huh!” puri ni Rex na hini-head to foot ako sa suot kong gray na ruched waist dress na may plunging neck drawstring shoulder. Sumulyap naman siya kay Erin na nakasuot ng puting pekpek shorts at fitted tank top. Inirapan ako ni Erin saka binigyan niya ng matalim na tingin si Rex. Kinurot niya pa ito sa tagiliran kaya halos mapalundag sa sakit ang boyfriend niyang hindi naman talaga kaguwapuhan. “Thanks,” tugon ko kay Rex na hindi ngumiti. Nilampasan ko sila nang magsalita si Erin. “So, wala ka nang mga magulang ngayon. Ano na ang gagawin mo, Diletta? Are you going to leave that house? ‘Di ba sampid kayo roon? I bet your stepfather’s grandson will kick you out. Dinig ko pa namang lagi kayong nag-aaway, ‘di ba?” Napatigil ako sa paglalakad saka napangiti nang plastik sa kanya. “You say he’ll kick me out?” Eh, hinalikan pa nga niya ako kanina at makikipag-dinner siya sa ‘kin. Putak ka nang putak. Wala kang alam, you moron! Tumaas ang kilay ni Erin. Pansin kong tattoo na lang pala ‘yon. “Bakit mo nasabing palalayasin niya ako? Dahil wala na ang mama ko?” Humakbang ako palapit sa kanya, tinitigan siya sa mga mata. “Parang ang kitid naman yata ng utak mo, Erin.” She scoffed. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. “Let me ask you this, Erin. Iyan ba ang klase ng pamilya mo? Kapag nawalan ka ng ina, palalayasin ka ng kapatid mo o ng tiyuhin mo? Sampid din ba ang tawag nila sa ‘yo kahit na magkapamilya kayong magkasama sa iisang bahay?” “But you’re not related,” pakli niya. “Don’t talk about Gavin as if you know him! If you’re worried, which I fully doubt, that he’s going to kick me out of his grandfather’s house, then don’t be. It will never ever happen. Kung aalis man ako sa bahay na ‘yon, iyon ay dahil kusa akong umalis at hindi pinalayas. But whatever you want to think and spew out of that big mouth of yours, I don’t really care.” Pinukol ko pa ng matalim na tingin sina KC at Rex na natahimik lang. “I don’t care what any of you will say, actually. Not anymore. Now, if you’ll excuse me, I’ll cut this agonizingly boring conversation with you. Wala talaga akong mahihita sa inyong tatlo kahit noon pa. I guess, some people don’t change at all. Matabil pa rin ang mga dila, wala namang laman ang mga kukote. Kumbaga, pambawi ‘yon para may pumapansin sa inyo, ‘no? I so pity you!” Gr-um-aduate nga ang mga ipis na ‘to pero hindi naman nagbago. Good luck na lang sa buhay nila. Tinalikuran ko na lang silang tatlong nakanganga. Sana mapasukan ng langaw ang mga iyon dahil sa baho, parang imburnal. Naalala ko pa noong bago pa nag-asawa si Mama kay Daddy Greg na pina-barangay kami ni Mama dahil sa ginawa ko noon kay KC. Ilang beses ko ring pinadugo ang labi niya, pati ang bunganga ni Erin. Si Rex naman ay ilang beses ko na ring nasuntok at nagkaroon siya ng black eye. “Dorina, ‘wag mo namang kunsintihin ‘yang anak mo. Lalaking barumbada ‘yan,” sabi ng kapitana. Nagpaliwanag si Mama. “Kapitana, hindi naman siya ang nauna. Hindi naman magkakaganyan ang anak ko kung walang masamang sinabi sa kanya ang mga kapwa bata niya.” “Saan pa ba ‘yan magmamana kundi sa ‘yo?” singit ng ina ni Erin na parang patpat. Napakuyom ako ng mga palad. “Bakit lagi n’yong inaaway kasi ang mama ko? Wala naman siyang ginagawa sa inyo, ah! Kayo pa nga ang nariringgan kong pinagchichismisan n’yo siya, eh!” “Aba, aba! Tingnan mo nga. Sumisingit pa sa usapan ng matatanda!” Nanlaki ang mga mata ng ina ni Erin. Bumukadkad ang ilong niya dahil sa inis. Dinuro niya pa ako. “Dapat hindi ‘to kasama rito, eh,” ang singit ng ina ni Rex. “Anong klaseng ina ka ba na dinala mo pa ng anak mo rito kay Kapitana?” “Eh, gusto kong sumama, ano’ng pakialam n’yo?” balik ko sa kanya na pinanlilisikan siya ng mga mata. “Parang psycho ang batang ‘to,” ang bubulung-bulong na wika ng ina ni KC pero narinig ko siya. “Wala kasing amang magdidisiplina.” Tumayo ako sa silya at saka ko siya kinagat sa braso. Napahiyaw siya sa sakit. Kung hindi pa nasalo ni Mama ang kamay niya, baka nasampal na niya ako. “Huwag na huwag mong sasaktan ang anak ko, ha? Kung may magdidisiplina sa kanya, ako ‘yon dahil ako ang ina niya!” Nagkagulo sa barangay hall dahil sa ginawa ko pero kahit paano ay naayos din naman dahil humingi ng tawad si mama. Halos lumuhod pa siyang umiiyak sa harap ng mga gagong iyon. Muhing-muhi talaga ako sa mga taong iyon! Pero ngayon, parang balewala ko na lang. Natutunan kong huwag gumamit ng violence laban sa mga kutong-lupang iyon. They were not worthy of my energy. Kung kaligayahan talaga nila ‘yon, bahala na nga sila sa buhay nila. Susundin ko na lang ang sinabi ni Mama sa ‘kin noon. Hindi na ako nananakit sa kanila, puwera na lang kapag inunahan talaga ako. Lumipas ang dalawang oras na pagwi-window shop ko. Kahit paano ay nawala ang isip ko sa nakakaiyak na karanasan ko. Ending, nag-shopping na lang din ako ng mga bagong damit na pangkaswal lang. Binilhan ko na lang din si Sharenn. Naalala kong malapit na pala ang birthday niya kaya hayun pinabalot ko. Debit card ang gamit ko dahil wala akong cash na dala. Naglakad na ako palabas ng mall. May parteng malamlam ang ilaw at may sira din. Noon ko lang napansin na may isang lalaking sumusunod sa ‘kin. Naka-jacket, baseball cap at naka-mask pa. Binalewala ko na lang kasi baka pareho kami ng direksyon na pupuntahan. Gayunpaman ay hindi ako kampanteng may sumusunod sa ‘kin na nakakaduda kaya dumistansiya ako sa kanya. Sa isang sulok ng mata ko ay napansin kong may hinugot siyang isang patalim. Gusto kong mag-panic pero pinilit ko lang na magpokus. Para saan pa ba ang natutunan kong martial arts nang pinilit ako ni Gavin noong high school pa ako? Hanggang sa natutunan kong mahalin ‘yon at nag-training hanggang sa maka-graduate ako ng college. First defense, run. Iyon ang natutunan ko. Kaya tumakbo ako kahit sa daming shopping bags na dala ko. Ayoko ngang iiwan ang mga iyon, ‘no? Puwede ko ring panghampas iyon kung sakali. Tumakbo rin siya. Dapat na sumigaw ako ng saklolo pero hindi iyon sumagi man lang sa isip ko dahil siguro nasanay akong maging independent. Muntik na akong madapa sa speed hump na hindi ko agad nakita. Buti na lang ay nakabalanse pa ako at nagpatuloy sa pagtakbo. Napatigil ako nang biglang may narinig akong pag-ungol. Paglingon ko pa ay nakita ko ang lalaki na nadapa at tumarak sa sarili niyang tiyan ang kutsilyong hawak kanina. Ho s**t! Tanga lang? Gumapang siya papalapit sa ‘kin. Iyong pang-The Ring ang peg at umuungol pa. Peste! Hayun na at tumili ako kaya naalarma ang isang guwardiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD