Chapter 8: Answer the Freaking Question!

1430 Words
Pasalamat ako nang tumunog ang cell phone ko. Wala naman talaga akong maisasagot kay Gavin. O mas maiging sabihing ayoko siyang sagutin. Hindi ko kayang aminin na big deal sa ‘kin ‘yong ginawa niya. Siyempre, first kiss ko ‘yon, tapos siya pa? Ayokong malaman niya ‘yon. Bahala nga siya sa buhay niya. “O, buti tumawag ka, Sha!” Para akong nabunutan ng malaking tinik sa singit. Hindi lang dahil tumawag siya kundi ay may legit akong dahilan para hindi masagot si Gavin. Mukha pa namang naghihintay siya. I could clearly see the expectant look on his face. “Sorry kanina, ha? Tinawag kita pero umalis ka na lang. ‘Di mo man lang ako nilingon. Nagtampo ka ba talaga? O galit ka? Sorry na, o,” lambing ko sa kanya at hindi sadyang napasulyap kay Gavin na nakikinig sa sinabi ko. Sumandal siya sa kanyang upuan at nakatitig lang sa ‘kin. Hindi ko naman kayang salubungin ang mga mata niyang tila nanunuot sa kaibuturan ko⸺na parang binabasa niya pati kaluluwa ko. Grabe naman siya kung makatitig sa ‘kin. Parang willing matunaw ng suot ko. Napapilig ako sa ulo ko. Anong willing matunaw ang suot ko? Meron bang gano’n? Bumaba yata bigla ang IQ ko. “Tse! Ang sama ng ugali mo! Kung hindi lang kita lab, eh!” Napangiti ako sa sinabi ni Sharenn. “Ayiee… Bati na tayo? Uy, ililibre kitang sine. Gusto mo?” Lumabas na lang ‘yon sa bibig ko. Baka mao-offend ko siya. “Kailan?” tanong niya. Napangiti ulit ako. “Mamayang dapit-hapon? Wala akong gagawin. Alam mo naman ‘yon…” Napabuntong-hininga ako at napaisip kay Mama. Gusto ko na namang maiyak pero pinigilan ko lang. “’Sensiya na, Det. Hindi ako puwede. Nakatoka ako sa pagpapakain ng mga baboy ni Lola at doon ako matutulog. Sasamahan ko siya kasi mag-isa lang siya roon. Alam mo namang si Tiyang lang ang kasa-kasama niya sa bahay pero umalis kasi siya papuntang Mabinay. May inaasikaso raw siya roon na mapagkikitaan ng pera. Ewan ko lang kung paano. Hindi siya nag-elaborate.” “Ah, sige. Sa ibang araw na lang tayo manonood. I-text mo na lang ako kung kailan ka puwede, ha? ‘Tsaka sabihin mo rin sa ‘kin ‘pag nakabalik ka na sa inyo para bibisitahin kita. May sasabihin ako sa ‘yo.” “O? Ano naman ‘yon?” Napasulyap ulit ako kay Gavin. Titig na titig pa rin. Parang hindi talaga mapuknat ang tingin niya sa ‘kin. Nagpasalamat ako kay Maritess na dumating. Naalalang dalhan ako ng isang basong fresh kiwi juice. “Basta, sasabihin ko rin sa ‘yo,” sabi ko kay Sharenn. “Hmm… Ano bang puwede mong sabihin sa ‘kin nang personal at ayaw mong sabihin sa ‘kin sa telepono, ha?” Bigla siyang napasinghap. Naka-eureka moment ‘ata. “Huwag mong sabihing inaway ka ni Kuya Gavin?” Ngumiwi ako. “H-hindi ‘yon.” Hindi niya ako inaway. Kung alam mo lang na hinalikan niya ako, eh at tinugon ko pa ‘yon! Kainis! Para akong nahipnotismo na ano. Nasarapan pa ako. Hayop talaga! Tila naramdaman ko ulit ang mga labi niya at naalala ko pa kung gaano ‘yon katamis na parang gusto kong malasahan ulit. Buwisit! Naaadik na ba ako sa halik niya kahit isang beses lang ‘yon? Hindi puwede! Mali ‘yon! Nagpaalam na lang ako kay Sharenn at ininom ang kalahating baso ng juice. “O, tapos na akong kumain. Umalis ka na,” pagtatabuyan ko kay Gavin nang hindi pa rin siya tuminag sa kinauupuan niya. His eyes narrowed as he gave me a measuring look. “I was waiting for you to answer my question before we were interrupted by your best friend, Diletta,” tuwirang aniya. Para akong mapahumindig sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Hinintay talagang matapos ‘yong tawag ni Sharenn? Kung alam ko lang na naghihintay siya, sana pinahaba ko pa ang usapan namin ng kaibigan ko! Umawang ang mga labi ko. “A-alin doon ang tanong mo?” patay-malisyang tanong ko pero uminit ang pisngi ko. Kunwari abala ako sa pagbalik sa JaniBii meal sa supot. Sabagay, kakainin ko na lang ‘yon mamaya. Ipapainit ko kay Maritess para sa dinner ko. Malamang sa labas kakain ng hapunan ang isang ‘to. Madalas pa naman siyang umuuwi nang late sa bahay. Minsan alas onse. Minsan naaabutan pa siya ng hating-gabi. Hindi naman sa kuryuso ako kung saan siya pumupunta kapag ganyan. Weh? Utuin mo na ang kahit na sino pero hindi mo madadaya ang sarili mo, Det. Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Gavin. Napatanga tuloy ako at napatitig sa kanya na parang timang. Ba’t siya ngumingiti nang ganyan? Sa tingin ko ay parang kumislap ang mga mata niyang tila diyamante. May kapilyuhan akong nasilip doon. O… sa isip ko lang ‘yon? “Teka nga, ba’t ka ngumingiti, ha?” naisaboses ko rin. “I think I know what your answer is, after all,” sabi niya pa. His tone was dismissive. Sa katunayan, tumayo pa siya. “H-ha?” Para akong matilihan sa sagot niya. Napasunod ako ng tingin sa kanya na parang magneto. Inikot niya ang mesa at saka dumukwang para halikan ako sa tuktok ng ulo. Natuod tuloy ako. “I’ll see you at dinner then,” mahinang wika niya. Kumurap ako nang dalawang beses. Speechless ako. “And then, we’ll talk,” dagdag niya pa. Nakatulala pa rin ako hanggang sa hindi ko namalayang mag-isa na lang pala ako sa dining room. What just happened? Medyo nahihilo ako sa bilis ng pangyayari. Talaga bang sinabi niyang sabay kaming magdi-dinner at mag-uusap daw kami? Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Huwag niyang sabihing tungkol na naman sa halik? Mabibigwasan ko talaga siya! Napatda ako nang bumalik si Maritess sa dining room. “O, ‘Day Det. Maayo kay nahurot nimo ang pagkaon (Buti naubos mo ang pagkain),” ang pansin niyang nakangiti. “Nabalaka baya pag-ayo nimo si Sir Gavin, ‘Day kay pila ra man gud tawn tong imong kinan-an sa dihang gihaya pas mama nimo hantod kagahapon nga wa na jud ka nikaon (Sobrang nag-alala sa ‘yo si Sir Gavin dahil sa kakaunti lang ang kinain mo habang nakaburol pa si mama mo hanggang sa hindi ka na nga kumain kahapon),” dagdag niya pa. “Ah, mao ba? (Ah, talaga ba?)” nausal ko na lang. Napatingin siya sa ‘kin. “’Day Det, kabalo kong nasakitan ka pag-ayo sa pagkawala ni mama nimo pero… hantod didto na lang jud siya taman. Dawaton na lang nato ang nahitabo bisan ug sakit kaayo. Ato na lang huna-hunaon nga malipayon na siya’s langit kauban ang Ginoo. (Alam kong nasaktan ka nang lubos sa pagpanaw ng mama mo pero… hanggang doon lang talaga siya. Tanggapin na lang natin ‘yon kahit na napakasakit. Isipin na lang nating masaya na siya sa langit kasama ang Panginoon.” Lumunok ako at inubos ang juice para man lang lumuwag ang naninikip kong lalamunan. Pagkatapos ay napaangat ako ng tingin kay Maritess. “Sabihin mo nga sa ‘kin, Tess, may… napansin ka bang kakaiba kay Mama bago siya dinala ni Gavin sa ospital?” “Wala man, ‘Day,” umiling siya, “kay tua man to siya sa taas dayon wa na siya gagimok sa dihang gidagan siya ni Sir Gavin paingon sa iyang awto para dal-on sa ospital. Abe nakog nakuyapan ra to siya. (Kasi nasa itaas siya tapos hindi na siya gumagalaw nang itinakbo siya ni Sir Gavin sa kotse niya para dalhin sa ospital. Akala ko nawalan lang siya ng malay.)” “Wala kang napansin sa kanya na masakit o ano?” usisa ko pa rin. “Kas-a, nagdigwa to siya pero ingon niya, basin asido ra to sa iyang tiyan. Gitagaan lang to siya nako ug tambal ato. (No’ng isang beses, sumuka siya pero sabi niya, baka asido lang sa tiyan niya. Binigyan ko lang siya ng gamot no’n.)” May dinamdam na nga siguro si Mama pero ayaw niyang ipaalam sa ‘kin. Pero bakit? Para hindi ako mag-aalala? O dahil alam niyang wala na siyang lunas at walang silbi kung ipinaalam niya sa ‘kin? But it didn’t make sense. Wala pang bagay na itinatago sa ‘kin si Mama. Kahit nga love life niya ay sinasabi niya noon sa ‘kin, kaya alam ko kung sino ang ama ko. Kaya… bakit sinekreto niya ang tungkol sa karamdaman niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD