Chapter 10: Safety Precaution

1423 Words
“I said, where were you? Bakit ngayon ka lang? Anong oras na?” muling usisa ni Gavin sa ‘kin. Nasa puerta mayor pa ako at bitbit ang mga pinamili ko. Nakatitig siya sa ‘kin na magkasalubong ang magandang kilay niya. Atubili ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi ‘yong nangyari malapit sa parking lot sa mall. “Nag-shopping. ‘Di mo ba nakita ang mga ‘to?” pagtataray ko. “It’s past dinner time. Nakalimutan mo bang sabay tayong kakain?” “H-hindi naman.” Ngumuso ako. “Are you doing this on purpose?” He looked disappointed and hurt. Ewan ko na lang kung tama nga ba ang pagbasa ko sa kanya. Minsan kasi semplang pa naman ako pagdating sa pagbabasa ng tao. But then again, maybe I was right when I looked at him again. “Gavin, pasensiya ka na talaga. N-naaliw lang ako sa pagsho-shopping a-at…” Hindi ko na maituloy ang sasabihin. Ayoko talagang magsinungaling, lalo na sa kanya. “Did something happen?” Napamaang ako sa kanya. “P-paano mo…?” Kumurap-kurap ako. Napalitan ng pag-aalala ang ekspresyon ng kanyang mga mata at lumamlam ang mga ito. Kinuha niya ang mga bitbit ko at saka tinawag si Maritess. “Pakiakyat ng mga ito sa kuwarto niya, Tess,” marahang utos niya sa helper na agad ding tumalima. Hinawakan ako ni Gavin sa kamay at saka dinala sa washroom para makapaghugas ng mga kamay. Light green ang oval sink na may parihabang counter na gawa rin sa tiles. Nakabukas lang ang pinto at nakasandig siya sa hamba nito. Pinanood niya akong naghuhugas ng kamay. “Tell me, what happened?” tanong niya. Napalunok ako, nakatungo lang ang ulo. “Wala naman… masyado.” “Tell me in detail, Diletta.” Mahinahon ang tono niya pero may diin, tipong hindi ko mahihindian. Naks! Lakas talaga ng coaxing power niya. Medyo nagulat lang ako dahil nasa likuran ko na pala siya. Hindi ko man lang narinig ang mga yabag niya. Lumunok ako at napatingin sa kanya sa pamamagitan ng bilugang salamin. “Otherwise, I’m going to make you speak about it in another persuasive way that I know so well, in which you’ll be responsive. I promise you that,” ang bulong niya sa tainga ko. Muntik na akong mapangaligkig sa init ng kanyang hiningang pumaypay sa tainga ko. Dahil dito ay tila may nagkakarerahang kabayo sa dibdib ko at napasinghap ako. Pansin kong nakatukod ang mga kamay niya sa counter. Ang resulta ay nakabilanggo ako sa mga iyon at sa katawan niya. As in, super conscious akong nasa likod ko lang siya at bumalabal sa ‘kin ang bango niya. Huminga ako nang malalim at pinuno ang baga. “Fine. I met my childhood enemies at the mall,” panimula ko. “Great start,” sarkastikong aniya at napasingasing. His lopsided smile did not escape me. Magkahinang pa rin ang paningin namin sa salamin. I dared not move my head and turn to look at him. Baka mahalikan ko pa siya, bagay na dapat na iiwasan ko pagkatapos niya akong halikan kaninang umaga. It felt a long time ago, but at the same time, it felt like it was just some moments ago. It was weird. Hanggang ngayon ay tila nadarama ko pa rin ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. It was sweet and gentle and exciting. Plus, hot! Muli akong napalunok at nagpatuloy sa pagsasalita, “The reason I’m late is that… I think a holdupper was after me.” “What?” Daig pa ang bulyaw kahit sa mahinang tono ng boses niya. Nakita ko agad ang paglukot ng mukha niya. Nandoon ang pag-aalala at takot sa maaari sanang nangyari sa ‘kin kanina. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at saka tiningnan mula ulo hanggang paa. “Are you hurt in anyway?” Umiling ako at napahinga siya nang maluwag. Napakurap-kurap ako at hindi makagalaw nang bigla niya akong niyakap at napasubsob ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib. Ipinihit ko na lang ito at lalo pa niya akong niyakap nang mahigpit. “Thank God you’re okay!” usal niya. Rinig na rinig ko ang pagkabog ng kanyang puso nang sobrang lakas. “Tell me, did you kick his ass?” Binitiwan niya rin ako sa wakas. Napatawa ako kahit paano. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari at sumimangot siya. “Kinailangan kong pumunta sa presinto para magbigay ng official statement dahil sa nangyari. Iimbestigahan pa nila ‘yong lalaki at nasa ospital pa siya. Inoperahan daw kasi malalim ‘yong sugat niya at medyo marami rin ang nawala sa kanyang dugo kasi hindi agad dumating ‘yong ambulansya at kaya nag-pedicab na lang. Eh, matrapik kasi rush hour din ‘yon kaya… ‘yon,” pagpatuloy na pagkukuwento ko sa kanya. “I believe you need a bodyguard, Det,” ang konklusyon niya. Pansin ko ang malumanay na pagsambit niya sa palayaw ko. Tuloy ay parang nagsiliparan ang mga fairies sa tiyan ko. Nananatili na yata sila rito. Namilog ang mga mata kong napatingin sa kanya. “No! Ayokong may laging nakabuntot sa ‘kin, Gavin!” salungat ko. “It’s the only way you’ll be safer. It’s non-debatable!” Napatitig ako sa kanya nang may pagkamangha. “It’s my life, Gavin. I can do anything with it, okay? Ayokong⸺” “I want to keep you safe at all times. Kung puwede lang, itatali kita sa ‘kin para lang masigurado kong ayos ka lang, Diletta. You’ve no idea how scared I am when you mentioned someone was after you. Holdaper man ‘yon o hindi, ayokong mangyari ‘yon ulit sa ‘yo. It’s not so safe to go around the city anymore.” “Kaya mo nga ako pinapag-aral ng martial arts ay para alam kong depensahan ang sarili ko, ‘di ba?” “All the same. Paano kung hindi lang isa ang sumunod sa ‘yo kanina kundi dalawa, tatlo o mahigit? And what if they were not only robbers but rapists and/or killers, too? Those are even worse!” “Basta, ayoko ng bodyguard!” inis na sabi ko. I even stomped my foot to make my point. Hinablot ko ang isang paper towel at lumabas na ako ng banyo. “Paano kung may kumidap sa ‘yo, ha? Ano’ng gagawin mo?” kontra niya pa rin. Tuloy-tuloy na ako sa dining room. “Why are you thinking such a horrible thing?” asik ko sa kanya. “Because… we’ll never know, Diletta!” sagot niya. Natigilan na lang ako nang makitang may lavender na candelabra sa gitna ng mesa at may bouquet ng bulaklak sa tabi ng platong nasa puwesto ko. Nang lapitan ko na ang puwesto ko ay napagtantong paborito kong rose grape (kapa-kapa o chandelier plant) flowers pala iyon. Paanong nagkaroon nito gayong hindi pa season nito? Temperature fluctuations maybe? Pero si Mama lang ang may alam sa paborito kong bulaklak. Kahit si Sharenn ay walang alam nito dahil hindi ko sinabi. “P-paanong…?” Lumingon ako sa kanya. “Tita Dorina told me in passing what your favorite flower is. It’s quite unique,” nakangiting aniya. Hinila niya ang upuan ko at pumuwesto na ako roon. Siya naman ay umupo sa tapat ko. “I found out it’s perennial,” sabi niya. “It thrives whether it’s in a hot or cool temperature,” dagdag ko. Napangiti siya. “It just needs light and proper care to grow. Like you.” Umawang ang mga labi ko habang nakatunghay sa kanya. “You’ve been through a lot, Det. And now that your mom is gone⸺” “I can take care of myself, Gavin⸺if that’s what’s worrying you.” Itinaas ko pa ang baba ko. “I know. But still, I want to ensure that you’re always kept safe. With that said, I don’t want any more objection from you. You hear?” Napatiim-bagang ako. “Why are you doing this, Gavin?” Tumitig siya sa ‘kin nang sobrang seryoso bago sumagot, “After all that’s happened, you know we’ve only got each other.” “I don’t need you. I can live on my own.” Basta na lang iyong lumabas sa bibig ko. Medyo tumigas pa ang tono ko. He almost winced, like I just slapped him. “I don’t want to live alone and on my own. I want you, and I need you with me, Det!” Nalaglag ang panga ko sa mesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD