Lalong lumakas ang pagpintig ng puso ko. Para na yata akong aatakihin nito.
Noong una ay nanlaki ang mga mata ko habang siya ay nakapikit. Nang gumalaw nang marahan ang malambot na labi niya ay unti-unti akong napapikit ng mga mata. Parang automatic na lang.
Bakit parang ang tamis ng mga labi niya?
Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya marahan akong napatugon sa halik niya samantalang ang isip ko ay tumitili at nagtatanong kung ano ang nangyayari.
What’s happening, Diletta?
Tss! ‘Di pa ba obvious? We’re kissing!
Oo nga! Pero bakit ito nangyayari?
Kasi nga, lumapat na ‘yong labi niya sa ‘kin. Ano pa ba ang gagawin ko? Eh, ‘di ang humalik din. Siya lang ba marunong?
Gaga ka talaga, Diletta! Hindi mo ba naisip na sini-save mo ang first kiss mo sa magiging boyfriend mo? ‘Yong sinasabi mong the one and only?
Ah, oo nga, ‘no? Teka, teka lang. Bubuwelo lang ako.
Itinikom ko na ang labi ko at saka malakas na itinulak si Gavin palayo sa ‘kin. Hinihingal kaming dalawa habang magkahinang ang mga mata. Dinuro ko pa siya.
“Don’t you ever do that to me again!”
Parang na-shock siya. Ewan ko lang sa kung saan. Sa sinabi ko kaya sa kanya o dahil wala sa plano niyang halikan ako? Baka nabigla rin siya at walang ibang maisip na gawin para mapatahimik niya ako.
Ayoko nang analisahin. Iisipin ko na lang na hindi ‘yon nangyari kaya tumalikod na ako sa kanya at naglakad pero bumalik din ako para saklitin ang supot ng JaniiBii meal. Mabilis na akong naglakad papuntang dining room. Hingal na hingal pa rin ako at hindi pa rin normal ang pagtibok ng puso ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang halik na ‘yon.
Shit! In fairness, ang sarap palang humalik ng gagong ‘yon! Ilang babae na kaya ang hinalikan niya? Ilang babae na kaya ang ikinama niya at⸺
Napamura na naman ako sa isip ko. Bakit ko ba iniisip ‘yon? Pakialam ko sa mga babae niya?
Napatutop ako sa bibig ko. Parang damang-dama ko pa rin ang labi niya at nalalasahan ko siya.
Oh, God! This is driving me nuts!
“O, Det. Mabuti at nandito ka na.”
Natigilan ako nang makita si Ate Jennifer sa dining room. “Hinihintay mo ba ako, Ate? Sorry, ah. N-naligo pa kasi ako, eh.”
Then, Gavin kissed me on my way here. Peste lang, dagdag ng isip ko.
“Well, not really. I was just dropping by to see if you’re here eating. Sasabihin ko lang sa ‘yong aalis din ako dahil may appointment ako.”
“Ah, kaya nakabihis ka,” sabi ko nang sulyapan ang magandang suot niyang ruched bust cami dress na baby pink, ang paborito niyang kulay. Elegante siyang tingnan lalo na’t suot niya ang high-heeled shoes na bumagay sa damit niya.
Malaporselana rin ang kutis ni Ate Jennifer kaya tila lumiwanag siyang lalo dahil sa suot niya. Ang buhok naman niyang mahaba ay nakapusod. Manipis lang ang makeup niya at lalo lang siyang gumanda.
“Yes. I’ll see you later then?” aniyang nakangiti.
Tumango ako saka tinawag niya ang helper namin.
“’Di ba sabi ni Gavin na ihanda mo na ang pagkain ni Det?” aniya nang lumitaw ang maid naming nasa mid-twenties lang at morena.
“Ah, kukunin ko na po, Ma’am Jen. Iniinit ko pa kasi ‘yon,” tugon niya at tumalilis na.
Ewan ko pero parang hindi komportable kay Ate Jen si Maritess. Siguro ay hindi palangiti sa mga kasambahay si Ate kahit na mabait naman. Isa pa, hindi talaga siya nakatira sa mansion. Nandito lang siya simula noong nabalitaang wala na si Mama. Baka babalik din siya sa UK kung saan siya nagtatrabaho bilang isang fashion designer sa isang sikat na kompanya.
“Um, Ate. Are you going to stay here for good?” naitanong ko bago pa siya makalabas ng dining room.
Pumihit siya nang marahan at humarap sa ‘kin. Ngumiti siya sa ‘kin. “I’m still thinking about it. Why are being clingy all of a sudden, huh?” biro niya sa ‘kin.
Napatawa ako. “Wala lang, Ate Jen. Naitanong ko lang naman. Maganda rin naman kasi kung nandito ka lang sa Pilipinas at lagi tayong nagkikita, ‘di ba?”
“I do visit here quarterly. Kulang pa ba ‘yon?”
Kumibit na lang ako ng balikat. “Don’t be pressured, Ate Jen. Kung saan ka masaya, eh ‘di doon ka, ‘di ba?”
“Of course!” sabi niya nang may maluwag na ngiti sa malamansanas niyang labi.
Umalis na siya at umupo ako sa puwesto ko. Napatingin ako sa bakanteng silya na katabi nito kung saan si Mama nakapuwesto palagi noon. Ang kabisera naman na dati si Daddy Greg ang umukopa ay bakante rin. Nang mapagawi ang paningin ko sa puwesto ni Gavin ay nagulat na lang ako nang makita kong hinila niya iyon at umupo siya roon.
Hindi siya umimik. Nakatitig lang siya sa ‘kin.
Ako naman ay umiwas ng tingin. It was awkward and unnerving. I really felt bothered… and hot. With those mesmerizing eyes of his, there was no way he did not look at me while not thinking about that kiss just a few minutes ago.
Bakit ba kasi siya nandito? Para titigan ako habang kumakain? Or, was he going to make sure I’m going to eat this time?
Inayos ko na lang sa plato ang JaniBii meal. Hindi rin nagtagal ay dumating si Maritess na may dalang dalawang plato. Ang isa ay may kanin at ang isa ay…
Natigilan ako nang isang saglit nang inilapag niya ang plato ng lechon humba. Bigla na lang nanubig ang mga mata ko.
“Maritess…” sambit ko sa naninikip na lalamunan.
“A-ah. Giluto jud na ni Sir Gavin ganiha para nimo, ‘Day Det. Mao man na ang paborito nimo, ‘di ba? (Niluto talaga ‘yan ni Sir Gavin kanina para sa ‘yo, Inday Det. ‘Yan ang paborito mo, ‘di ba?)” wika niya. “Sige, ‘Day Det. Ako ‘sang tan-awon ‘tong gilat-an nakong nangka. Tunuan pa to nako. (Titingnan ko muna ‘yong nilaga kong langka. Gagataan ko pa ‘yon.)”
Mabilis na siyang nakaalis bago pa man ako makatango o makapagsalita. Nakatitig lang ako sa lechon humba na ang sarap tingnan. Kuhang-kuha ni Gavin ang pagkakaluto nito kahit sa unang tingin pa lang at ang bango nito. Parang luto rin ni Mama.
Dumulas ang mga luhang akala ko ay natuyo na. Binasa nito ang pisngi ko habang nakatitig pa rin ako sa lechon humba. Miss na miss ko na si Mama. Kung nandito pa siya, masayang pinagsaluhan na namin ang pagkaing ‘to.
Itinabi ko ang JaniBii meal at inilapit sa harap ko ang kanin at lechon humba. Kahit na umiiyak ay pinilit kong kainin ‘yon. Sobrang lambot ng karne at manamis-namis. Saktong-sakto sa panlasa ko, katulad na katulad sa lechon humba noon ni Mama.
Pagkalunok ko ng pagkain ay napahagulgol ako at kahit sa nanlalabong mga mata ay napatingin ako kay Gavin na seryosong nakatunghay sa ‘kin.
“I’m sorry, Diletta. It’s the only dish I know that Tita Dorina taught me how to cook,” mahinang sabi niya.
Nanginig ang mga labi at baba ko. Ni hindi ko man lang alam kung paano lulutuin ‘to dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga gawaing bahay. Nakadepende lang ako sa mga kasambahay na siyang gumagawa sa lahat sa mansion at naging spoiled ako dahil kay Daddy Greg.
Sumubo ako ng kanin at ulam. “Alam mo ba kung bakit ko ‘to paborito?” tanong ko sa kanya pagkalunok.
“Dahil masarap?” hula niya at ngumiti.
Napatawa ako sa kanya sa kabila ng mga luhang umaagos pa rin sa pisngi ko.
Kinuha niya ang panyo sa slacks niya at saka pinahid ang luha ko nang banayad. Dinampi niya ang tela sa magkabilang pisngi ko.
“It’s not good to cry while you eat,” pangaral niya.
Hayan na naman siya. Pinuna na naman ako.
“Ikaw kasi, pinapaiyak mo ‘ko!” sisi ko pa sa kanya at nagpatuloy sa pagkain.
“I didn’t mean it. I just figured you’d like to eat your favorite food, which your mom used to cook for you,” depensa naman niyang namumungay ang mga mata.
“Hindi mo ba naisip na touchy sa ‘kin ‘to, ha?”
“I was sure you couldn’t say no to this food.”
“Talaga? Hindi mo ba naisip na baka ayaw ko rin dahil ito ang magpapaalaala sa ‘kin kay Mama?”
“I know that your memories with your mom are all happy ones, if not stained by judgmental people.”
Napalunok ako at nagpatuloy sa pagkain. Totoo nga rin naman ang sinabi niya. Ang masamang alaala ko lang ay ang mga taong nilalait kami noon at hinuhusgahan si Mama.
“So, any reason why that dish is your favorite one?”
Nauntag ako sa tanong ni Gavin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Lumunok muna ako bago ako nagsalita, “Mahal ang kilo ng karneng baboy kaya paminsan-minsan lang kami kumakain ng karne no’n. Kapag may selebrasyon, naghuhumba talaga si Mama. Kaya para sa ‘kin, kapag may humba, masaya.”
“I see. Now I get why you always have this dish on your birthday, Christmas and New Year.” Nakatitig pa rin siya sa ‘kin. Para na nga akong matutunaw.
Napababa na lang ako ng tingin. “Salamat, Gavin.”
“For what?”
Huwag na huwag mong isiping nagpapasalamat ako sa halik mo kanina, ah!
Weh? Bakit hindi? Nasarapan ka naman, ‘di ba?
Nakatungo pa rin ako pero ang mga mata ko ay nasa kanya. “For this. What else did you think?”
Biglang tumahip ang dibdib ko. Unti-unti ba namang umunat ang sulok ng kanyang mga labi.
Ho s**t! Iyon na nga ba ang iniisip niya?
Nang napadako ang mga mata ko sa labi niya ay parang nag-zoom in sa isip ko ang mga labi niya bago iyon lumapat sa labi ko.
“You don’t have to thank me. Just tell me anytime whenever you want to eat it.”
Napakurap ako at napalunok. “Bakit bigla kang bumait sa ‘kin?”
He scoffed and laughed. A genuine one. Masarap pala talagang pakinggan ang tawa niya. Jusmiyo lang. Parang sumayaw pati balun-balunan ko, hindi lang puso.
“Do you think I’m being good to you?”
Lumiko ang nguso ko. “What does this mean then?”
“What do you think, Det?”
Paminsan-minsan lang niya ako tinatawag sa palayaw ko kaya may kakaibang hatid ‘yon sa ‘kin. Parang… masyadong intimate, coming from him. Plus, humina na naman ang tono ng boses ng mokong. It reminded me of how he spoke to me before he kissed me earlier. Buti na lang nasa kabilang ibayo siya ng mesa kaya safe distance.
“Huwag mo na ngang sagutin kung ayaw mo,” nasabi ko na lang at napatungong muli saka nagpatuloy sa pagkain.
“I’m happy that you’re eating again like your normal self, Det.”
Sumulyap ako sa kanya at binilisan ang pagkain. Hayop ang lalaking ‘to. Nako-conscious na ako sa katitig niya at sa kakasambit ng Det, ah.
“’Di ba may meeting ka pa? Umalis ka na. Nakita mo namang kumakain na ako, kaya… huwag ka nang mag-aalala.” Umiwas ako ng tingin dahil parang ang awkward sabihin ‘yon. Noon ko lang napagtantong nag-aalala din pala siya kahit hindi niya diretsong sinasabi. “I won’t skip any more meals,” pangako ko pa.
Napasulyap siya sa kanyang relong pambisig. “I still have time. It’ll not take me fifteen minutes to go to the office even at rush hour. I’d rather stay here for some more minutes and watch you eat.”
“Huwag na nga! Hindi ako sanay na pinagmamasdan mong kumakain.”
“What?”
“I mean, lagi nga tayong magkasalo noon nina Daddy Greg at Mama pero iba ‘yong kumakain ka rin kaysa ganyang ginagawa mo ngayon,” palusot kong ngumuso pa.
He scoffed again. “Why are you so conscious all of a sudden? Is it because of that kiss?”
Umawang ang mga labi ko. “Ini-spelling mo pa?” singhal ko sa kanya na namilog ang mga mata.
“Was it a big deal for you, Det?” tanong niya sa mababang tono. His eyes searched mine. “Because it was… for me.”