Chapter 4: Libing

1810 Words
Napatitig ako kay Mama na nasa loob ng kanyang kabaong nakahimlay. Parang pinunit ang aking puso nang paulit-ulit habang minamasdan siyang ganito at hindi na humihinga. Hindi ko na muling makikita ang kanyang ngiti. Hindi ko na maririnig muli ang kanyang boses. Hindi ko na maririnig ang mga pangaral niya, ang mga tukso niya at ang mga kuwento niya. Hindi ko na siya makikita, maaamoy, mahahagkan o mayayakap. Hindi na… Napahikbi akong muli at inapuhap ang salamin ng kabaong na animo’y ang mukha niya ang aking hinaplos. Tumulo ang mga luha ko sa salamin nang niyakap ko ang kanyang kabaong habang siya ay inihandang ilibing sa hapong iyon. Parang kailan lang, limang taon pa lang ako at suot ko ang pulang bestida ng flower girl. Naglakad ako sa aisle habang may dalang basket kung saan nakalagay ang mga talulot ng pulang rosas. Dumampot ako ng kaya kong damputin at ikinalat papuntang altar kung saan naghihintay si Daddy Greg kay Mama. Ang ganda-ganda talaga ng mama ko noon sa suot niyang bridal gown na off-shoulder at napakahabang train. Ang saya niyang pagmasdan nang ikasal siya kay Daddy Greg. Hindi ko na masyadong matandaan kung sinu-sino pa ang dumalo sa okasyong iyon basta nandoon sina Ate Jennifer at Gavin. Mula sa boarding school niya sa England, pinauwi si Ate Jennifer ni Daddy Greg para makadalo sa kasal. Masaya siyang nakauwi at bilang napakabatang bridesmaid ni Mama. “Hey, come here, Det. You have to let go,” anang isang boses ng babae na may British accent. “Ate Jen!” Humagulhol pa ako nang todo at marahan niya akong inilayo sa kabaong. “Huwag nating ilibing si Mama, please!” Umiling-iling akong nakatingin sa magandang mukha ng stepsister ng daddy ni Gavin. Anak siya sa pagkadalaga ng pangalawang asawa ni Daddy Greg na si Julietta. Kung tutuusin, step-aunt si Ate ng damuhong si Gavin pero mas bata siya nang isang taon kaysa sa lalaking iyon. Twenty-eight na siya at si Ate Jen ay twenty-seven. Iyon nga lang, hindi in-adopt ni Daddy Greg si Ate para maging Moore, kaya Reyes pa rin ang kanyang apelyido. Katulad ko na lang, Dizon pa rin. “Hey, you know we must, Det. She has to lay down and rest, with Daddy Greg,” banayad niyang sabi sa ‘kin. Sinenyasan niya ang isang lalaki upang isara na ang kabaong. Iyon na ang huli kong pagsulyap kay Mama. Napakasakit. Sobra. Parang hindi ko kaya. Parang gumuho na ang mundo ko. Lalo lang akong napaiyak. Inapuhap ni Ate Jen ang likod ko habang inaalalayan. Nakita ko na lang na ibinaba na ng apat na kalalakihan ang kabaong ni Mama sa hukay na may puting tela nakapaligid. Napapikit na lang ako ng mga mata habang initsa isa-isa ng mga taong nakikiramay ang isang dark red roses sa kabaong at hukay. Iyon kasi ang paborito ni Mama kaya siguro naisip ni Gavin na iyon ang gagamitin sa paglibing bilang pamamaalam. Isa pa, sumimbolo rin iyon sa pagluluksa at kalungkutan. “Ma!” Napaluhod akong umiiyak. Wala na akong pakialam kung madudumihan ang suot kong itim na bestida na walang manggas. “That’s enough, Diletta. You might faint again,” mahinang saway sa ‘kin ni Gavin na dumukwang at inalalayan akong tumayo para magkapagpatuloy sa pagpala ang mga lalaki upang tabunan ang kabaong ni Mama. Nanlamig ang katawan ko at nanginig nang tuluyang hindi ko na makita ang kabaong. Nanlalabo pang lalo ang hilam sa luha kong mga mata. Niyakap ako ni Gavin. Lumundag ang puso ko nang maramdaman ang mga bisig niyang umikot sa ‘kin. At ang amoy niyang sobrang kay bango ay sumuot sa pinakasulok ng pagkatao ko. Hindi ko maintindihan pero sa mga sandaling ito ay napatahan niya ako. Gumaan ang pakiramdam ko kahit paano. Nasa isip ko man si Mama ay tila biglang hindi na bumigat ang dibdib ko. Bakit? Bakit ganito ang epekto ni Gavin sa ‘kin? Napalunok ako at napikit ng mga mata. Hinayaan ko ang mainit na mga luhang dumaloy sa aking pisngi at hinayaan ko na lang ding yakapin ako ni Gavin. “Everything will be fine, Det. Just trust me,” ang bulong niya sa ‘kin. “We’re here for you, Det,” ang dagdag ni Ate Jennifer. ≈≈≈ Kumislot ang mukha ko nang marinig ang pag-ring ng cell phone ko. Hindi ko namalayan man lang na pasado alas diyes na ng umaga iyon. Kahit hindi ako manalamin ay alam kong mugtong-mugto ang mga mata ko. Damang-dama ko ang tila pamamaga ng mga ito. Ayoko nang isipin na para akong isdang may popeye disease sa sobrang mugto nito. “Hello,” sagot ko sa tawag kahit hindi na tiningnan kung sinuman iyon. Medyo paos pa ang boses ko dahil sa kangangalngal ko kagabi hanggang sa makatulog na. “Uy, Det! Mag-JaniBii tayo!” Narinig ko ang medyo garalgal na boses ng bestie kong si Sharenn. Masakit sa tainga kapag ganitong hyper siya. Parang scratching sound ng loudspeaker. Napakunot ako ng noo. “Wala ako sa mood, Sharenn,” matabang kong sabi at nakahilata pa rin sa malaki at malambot kong kama. “Sige na! O kaya naman, gusto mo ay pupunta ako sa mansion n’yo? Dadalhan kita ng Jani meal?” “Huwag na. Saka na lang tayo magkita,” matamlay kong tugon sa kanya. Bigla akong napaigtad at napabalikwas nang may kumatok sa pinto ng silid ko. Hindi naglipat-saglit ay bumukas iyon. Hindi naman kasi ako naglo-lock ng pinto. Nasanay na dahil paminsan-minsan gusto lang pumasok ni Mama sa silid ko at tatabi sa ‘kin sa pagtulog. Ganoon siya kapag nami-miss niya si Daddy Greg o ako. “Tadaa! Nag-teleport na ako!” ngising wika ni Sharenn na nakadipa ang mga kamay. Kita ang sungki niyang mga ngipin at nangingislap ang itim na mga mata. Nag-hang up na ako sa tawag niya at binitiwan ang cell phone sa kama. “Hayst! Ba’t ka nandito?” “Dinalhan kita ng Jani meal. ‘Di ba gusto mo ng crispy manok at fries?” “Unhealthy ang mga ‘yan,” sabi ko sabay dapa sa kama. “Ayoko nang kumain ng laman ng kahit na ano. Gusto ko nang maging vegan.” “Tss! Vegan? Ilang beses mo nang sinabi sa ‘kin ‘yan sa loob ng limang taon?” aniya at umupo sa may gilid ng kama ko. “Umalis ka nga! Huwag kang umupo sa kama ko. Kung saan-saan kaya umupo ‘yang puwit mo, ‘no? May germs pa!” Idinikit ko ang isang paa sa tagiliran niya at itinulak siya paalis ng kama ko. “Aray! Ang arte nito!” Muntik na siyang mahulog sa kama kung hindi siya nakatukod ng kamay sa bedside table ko pero nahulog sa marmol na sahig ang dala niyang pagkain na nasa loob ng puting supot. Sinulyapan ko siya, nakitang nakasimangot. Pansin kong kinulot niya ang kanyang mahabang buhok na pinakulayan ng pula. “Sinong nagpapasok sa ‘yo? Ipapasesante ko kay Gavin,” usisa ko. “Aba! Grabe ka naman! Ba’t parang mas masungit at maldita ka pa ngayon?” Hindi ko siya sinagot at umiwas na lang ng tingin. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. “Sa tingin mo, matutuwa si Auntie Dorina sa ginagawa mo ngayon at kung narinig ka niyang nagsasalita ng ganyan? Ako nga lang ang kaibigan mong nagmamalasakit sa ‘yo, ah. Naalala mo ba noon na tampulan ka ng tukso nina Rex, KC at Erin? Kasi nagpakasal daw sa isang matandang mayaman at madaling mamatay ang mama mo? ‘Di ba ako lang ang nasa tabi mo? Ipinagtanggol pa nga kita, ‘di ba?” I snorted at her. “Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko no’n, ah. Ikaw lang ‘tong dikit nang dikit sa ‘kin kasi wala kang kaibigan ‘tsaka alam mong mayaman kami,” pakli ko sa kanya sabay irap. Ngumuso si Sharenn at napakurap-kurap ang maluha-luhang mga mata. Alam kong nasaktan ko siya pero ewan ko. Basta lumabas na lang ‘yon sa bibig ko. Siguro ay dahil nairita lang ako sa walang kadahilanan. Gusto ko lang naman kasing mapag-isa, tapos siya ay panay ang pang-iistorbo sa ‘kin. Hindi niya ba nakuha ‘yon? Padabog niyang inilagay ang supot ng Jani meal sa nightstand at nanlilisik ang mga matang nakakuyom din ang mga palad. “Sumusobra ka na, Det, ah! Hindi dahil sa mahirap lang kami ay kaya ako dumikit sa ‘yo simula noong walong taon pa lang tayo. Iyon ay dahil sa tingin ko ay kailangan mo ng kaibigan. Wala akong pakialam sa pera n’yo! Ni minsan ba ay nanghingi ako sa ‘yo ni singko? Ni minsan ba ay nanghiram ako sa ‘yo nang hindi ko binayaran? Wala akong utang sa ‘yo, ah! Ikaw pa nga ‘tong pinapakain namin sa bahay kahit na ‘yong ulam namin para sana sa ibang araw. Hiningan ba kita ng bayad no’n? Ipinamukha ko ba sa ‘yo ‘yon, ha? Sinabi ko ba? ‘Di ba wala kang narinig sa ‘kin?” Umiyak na siya. Aba, kung makapagsalita siya na kumain ako sa kanila nang ilang beses ay parang hindi rin siya pinapakain at pinainom namin dito sa mansion. Gayunpaman ay napaluha na rin ako. “Sha⸺” Tumalikod na siya pero biglang huminto. “Nandiyan nga pala sa supot na ‘yan ang diploma mong hindi mo nakuha sa graduation natin. Kung ayaw mo nang makipagkaibigan sa ‘kin, hindi ako mamimilit. Hindi na ako didikit sa ‘yo! Ilibing mo na sa limot ang mga alaala natin!” Lumabas siya ng silid ko. Napamaang ako sa ginawa niyang pagsara nang padabog sa pinto ko. Napaupo ako sa kama. Kahit sa suot kong nightie na may spaghetti strap, contrast lace at split thigh ay tumakbo ako para sundan siya. Hindi puwedeng mawalan ako ng kaibigan! Siya lang naman talaga ang totoo kong kaibigan at karamay ko palagi. Nandoon siya para sa ‘kin nang mamatay si Mama hanggang sa mailibing ito. Hindi ko nakakalimutan ang lahat ng mabuting ginawa niya para sa ‘kin. Ako lang talaga ang maldita at ingrata. Pinagtiisan niya kahit masama ang ugali ko paminsan-minsan. “Sharenn, wait!” sigaw ko at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Nakahawak ang kamay ko sa gold-plated banister. Medyo nag-echo pa ang boses ko sa mansion. Nakita ko siyang papalabas na ng puerta mayor ng mansion na nakabukas. Mula roon ay makikita ang guardhouse na may dalawang guwardiya. “Diletta!” Nasa kalagitnaan ako ng hagdan nang matigilan ako. Nakita ko ang nanlilisik na mga mata ni Gavin na nakatingin sa ‘kin. Ho, s**t! Ano’ng ginagawa niya rito? Hindi ba siya pumasok sa office? Agad na uminit ang mukha ko nang mapagtanto kong nakatitig siya sa katawan kong maaaninag sa manipis kong itim na nightie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD