Dapat babalik na ako sa trabaho nang araw na ‘yon ngunit dahil nangyari sa akin, kinailangan kong mamahinga for at least a week. Daplis lang naman ang naging tama ko sa tagiliran but the doctor advise her to get some rest. Si Amadeus ang nag-asikaso ng lahat maski ang pagtigil ko sa trabaho, ito rin ang kumausap sa boss niya.
And that morning, it was my third day on his house. Napalingon ako sa nakabukas na bintana ng makitang pumapasok ang sinag ng araw roon. Nang tingnan ko ang oras, alas otso na pala ng umaga. Bumangon ako saka dahan-dahang naglakad papunta sa may bintana. Agad akong napangiti ng humampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. There trees nearby and it just feels so good seeing that greenery. But then a loud splash brought me back from my reverie.
Nakita ko ang isang bulto ng tao na lumalangoy sa swimming pool sa ibaba. I could only see his bare back as he keeps swimming back and forth.
But I know that it’s Amadeus. Pabalik-balik itong lumangoy na tila walang kapaguran. And I just stood there, leaning on the windows, eyeing and admiring the view.
Ngunit ang malaya kong mga titig rito ay napatigil ang bigla itong tumigil sa paglangoy. But this time, nakatihaya ito habang nakalutang.
Mariin akong napalunok nang makita ang kabuuan nito na tanging boxer shorts lang ang suot. At kahit ayoko, hindi ko maiwasang mapatingin sa bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. God! It really is a big distraction. Kahit hindi ko kita, alam kong pulang-pula ang mukha ko dahil sa kahihiyan.
At gusto ko nang bumuka ang lupa ng tumingin ito sa gawi ko. Huli na para umiwas ako. Kinapalan ko na ang pagmumukha ko ngunit sa isip ko, gusto ko ng lamunin ako ng lupa. Hindi ako mapakali, parang bigla akong pinagpawisang nang matindi.
I was bothered by him pero ito, mukhang wala namang pakialam. Binawi nito ang mga tingin sa akin pagkatapos ay bumalik na sa paglulunoy nito sa tubig.
I could hardly breathe as I remember the scene earlier. Panay ang iling ko, pilit inaalis ang nakita ko ngunit tila ba nanunukso na paulit-ulit bumabalik sa aking ala-ala ang lahat.
Dali-dali akong bumalik sa pagkakahiga saka mabilis na nagtalukbong ng kumot. Diyos ko! Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at pinagsawa ko ang aking mga mata sa kakatitig rito habang naliligo sa pool? Baka iba ang isipin nito tungkol sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala at nakatitig sa kisame. Basta nagulantang na lang ako ng makarinig ako ng pagkatok sa pinto. Kasunod noon ay narinig ko ang pagtawag ni Amadeus.
“Nat, breakfast is ready,” sambit nito.
Napakunot ang aking noo ng mapagtanto ko ang itinawag nito sa akin? Nat? Kailan pa ito nagkaroon ng pet name sa kanya? Minsan, hindi ko rin ma-gets ang ikinikilos nito, eh.
Hindi pa rin ako nagsalita ng marinig ko ang pagtawag nitong muli. Nahihiya ako. Pero maya-maya, nagpasya akong lumabas na rin. Gutom na rin kasi ako, at isa pa, hindi ko naman ito maiiwasan lalo na at sa bahay ako nito nakatira.
I saw him sitting while eating alone. Mula sa kinaroroonan ko, malaya kong napagmasdan ang kabuuan nito.At dahil naka-side view, kitang-kita ko ang kakaibang awra nito ng mga oras na ‘yon. Misteryoso at tila may itinatago.
Naramdaman marahil nito na may nakatingin dito kaya napalingon ito sa gawi ko. Ano’t ang dagling nag-iba ng awra nito. He loosen up a bit. Hindi nito inaalis ang tingin sa akin habang naglalakad ako papalapit dito.
“Eat.” Nagpatuloy na ito sa pagkain at hindi na nagsalita pang muli.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi mailang. Nakakailang subo palang ako ngunit nawalan agad ako ng gana.
“You need to eat more,” sambit nito. Saglit itong nag-angat ng tingin sa direksyon ko, mukhang hinihintay kung kakain pa ba ako o hindi.
Nang hindi ako tuminag, tumayo ito at sumandok ng kanin tapos ay inilagay nito iyon sa plato ko. Pagkatapos ay inilapit nito sa akin ang isang plato kung saan naroon ang isang inihaw na tilapia.
“Just eat. Ang payat mo. Hindi na ako magtataka kung makita kong inililipad ka ng hangin,” anito. Pagkatapos ay tumayo na ito at iniwan siyang mag-isa sa komedor.
Panay naman ang tingin ko sa pagkain sa aking harapan. Mukhang kailangan kong ubusin ‘yon hindi dahil takot ako kay Amadeus ngunit nasasayangan ako sa pagkain.
Bago pa man mangyari ang trahedya sa buhay ko, I used to have it all. Pagkain man ito o materyal na bagay, isang sabi ko lang nakukuha ko na. I had taken for granted all that I had at that moment. Ngunit nang mawala ang lahat sa akin at kinailangan kong mamuhay bilang isang simpleng mamamayan, namulat ang mga mata ko sa reyalidad ng buhay. I was having the greatest time of my life being an only daughter and the only heiress of my parents vast wealth not knowing that there’s more out there.
Naranasan kong tumira sa isang kwarto na yari sa plywood at pinagtagpi-tagping yero. May ka-share pa ako sa banyo. Ang tubig na ipinanliligo ko, kailangan ko pang pumila at mag-igib. Hindi tulad noon na isang pihit lang, may lalabas ng tubig galing sa shower tapos pwede mo pang kontrolin ang temperatura noon. Pero ang pinakamasakit sa lahat, nakita ko ang paghihirap at sakripisyo ng mga tao para lang mabuhay. Na kung hindi sila kikilos at magtratrabaho nang araw na ‘yon, wala silang kakainin. Pinakamasakit para sa akin ang makita ang mga matatanda at bata na kinakailangan ng magtrabaho para may pangkain lang. Noon, anumang oras, pwede kong kainin ang pagkaing gusto ko. Isang click lang sa cellphone ko, ilang minutes lang nasa kamay ko na ang in-order kong pagkain. Kung hindi man, pwede akong magpaluto sa kusinera noon. O, ‘di kaya ay pumunta sa isang restaurant na gusto ko.
But the people in the slums taught her much. Natutunan kong pahalagahan ang mga bagay-bagay.
Kaya kahit wala akong gana, pinilit kong ubusin ang pagkaing nasa plato ko.
Pagkatapos kong kumain, hinanap ko ang binata. I found him at the back, sitting in a chair while having coffee.
Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lang ito at pilit pinag-aaralan kung ano ang lihim nitong motibo bakit ako nito tinutulungan. Hindi ko mapaigilang hindi kabahan kapag naiisip ko kung ano ang kakulangang kailangan pa nitong kunin mula sa akin. Wala nang natira sa akin kaya kahit anong isip ko, hindi ko mahulaan ang hangarin nito.
Gusto siya nito? Yeah. Just how pigs can fly. Very funny.
“What do you want, Nat?” tanong nito na hindi tumitingin sa akin.
Napangiwi ako ng marinig ang itinawag nito sa akin.
“Hindi ba dapat ako ang magtanong sa’yo niyan?”asik ko rito. Hindi talaga ako mapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung ano ang dahilan nito bakit tinutulungan ako nito.
“Huwag kang magmadali. Malalaman mo rin pagdating ng araw. Huwag ngayon kung kailan mahina ka dahil baka hindi mo kayanin ang mga sasabihin ko sa’yo. You’re to weak to handle even the simplest one.”
Lalo lamang akong nakaramdam ng inis dahil sa sinabi nito. Alam ko naman ang mga kahinaan ko pero ang sabihin ito ng harap-harapan ay ibang usapan na. Sinusdubukan naman niyang maging matapang, eh. Pero wala talaga. Nasa unang bahagi pa lamang ako ng pagharap sa takot ko, may mangyayari na namang kapahamakan sa akin. To the point na gugustuhin mo na lang sumuko at huwag ng lumaban pa.
Pero ito talagang si Amadeus, gusto sagarin ang pasensya ko na kahit anong pigil ko sa aking emosyon na huwag tumaas at maging kalmado lang, may paraan kasi ito upang masagad ang aking pasensya.
Nang mga oras na ‘yon, ngali-ngali kong abutin ang pala sa tabi nito. Gusto kong ihambalos iyon sa ulo nito. Mas mauuna yata akong mamatay sa galit dito, eh!
“Huwag mo ng pigilan ang sarili mo,” anito. “Alam kong galit ka dahil nasukol kita. Pero hanggang saan ba ang galit mong ‘yan?”
Tumayo ito saka nakapameywang na humarap sa akin. “I’m giving you all the rights to get back at me, Nat.” Niyuko nito ang palang nasa tabi nito. “Sa mga tingin mo kasi, kanina mo pa ako gustong hambualusin ng palang ‘to!”
“Napakayabang mo!” singhal niya rito. Nag-uumpisa ng manginig ang buong katawan ko hindi dahil sa takot kundi sa galit dito. Yes, tinutulungan siya nito ngunit batid niyang may hidden agenda ito and I have no choice but to accept that help. I had no where to run, anyways. But lately, marami itong mga pasaring sa akin na talagang ipinag-iinit ng ulo ko.
Ngumisi ito sa akin. “Mayabang? Hindi naman…alam ko lang kung saan ko ilalagay ang sarili ko. Kung kailan ako susuko at kung kailan ako lalaban. How about you?”
“Matapang ka lang kasi pulis ka! May katungkulan ka!” Hindi na niya nakontrol ang kanyang emosyon kaya nasigawan na niya ito. “Matapang ka kasi kaya mong ipagtanggol ang sarili mo at kaya mong humawak ng mga sandata!”
Nakita ko kung paanong nagdilim ang paningin nito. Pagkuwan ay naglakad ito palapit sa kain saka hinuli ang aking kamay. Maya-maya pa, mahigpit na nitong hawak ang aking kamay habang hila-hila ako nito papasok ng bahay nito.
“Ano ba! Nasasaktan ako!” hiyaw ko. Ngunit tila wala itong naririnig habang hila ako. Then we went inside a room.
Tumamabad sa akin ang isangkwarto na puno ng iba’t ibang klase ng baril at kutsilyo. He even have a katana. May iba pang weapons doon na hindi pamilyar sa akin.
Binitiwan siya ni Amadeus pagkatapos ay naglakad ito papunta sa isang estante kung saan naroon ang iba’t ibang klase ng baril. Kinuha nito ang isa, pilit inilagay sa aking kamay.
Panay ang tanggi ko at pagpupumiglas.
“Akala ko ba nakakapagdala ng tapang ang sandata sa isang tao?” asik nito sa akin. His voice seemed to be calm but I can saw a glint of anger in his eyes. Maya-maya ay kinuha nito ang baril at ibinalik sa lagayan nito.
Tuluyan naman akong nakaramdam ng takot nang kunin nito ang isang katana na nakasabit sa dingding! Iba-iba ang haba ng mga ito at ang pinakamahaba pa ang kinuha nito! God! Ano bang pumasok sa isip nito at dinala siya nito sa ganoong kwarto!
“Huwag kang l-lalapit sa a-akin,” sambit ko. Dahil sa takot, hindi ko na napigilan ang aking pagkautal.
Ngunit hindi ito nakinig sa akin. Nagawa pa nga nitong iasiwas ang katana sa aking harapan dahilan upang mapahakbang ako paatras.
Then I saw him smile playfully.
Dahan-dahan itong naglakad palapit sa akin. Bawat hakbang nito palapit, siya ring hakbang ko palayo rito.
“Why?” kunwa’ymay pagtatakang tanong nito sa akin. “Binibigyan na kita ng sandata para maging matapang ka, pero bakit imbes na tapang ay takot ang nakikita o sa mukha mo?”
“Lumayo ka sa akin!” sigaw ko.
Hindi ko na magawang umatras palayo rito dahil nasukol na ang likod ko. Mariin na lang akong napapikit nang tuluyan na itong makalapit sa akin.
The katana was still on his right hand as keeps on staring at me. Pagkatapos, tumaas ang kamay nito, hinuli at mariing hinawakan ang aking baba.
“Let me tell you this, Nat,” paunang sambit nito. Yumuko ito, bumulong sa may taingan ko. Ramdam ko ang init ng hininga nito sa balat ko ng magsalita ito, “Ang tunay na tapang ay hindi nakukuha sa kakayahan mong makipaglaban gamit ang isang sandata. Dito,” Turo nito sa tapat ng puso ko. “Dito nanggagaling ang tunay na tapang. Ang tapang ay hindi nasusukat sa kakayanan mong labanan ang mga taong nanakit sa’yo. Dapat alam mo rin kung kailan ka lalaban pa o kung mas maigi nang sumuko muna. Hindi karuwagan ang pagsuko sa isang laban kung alam mo naman sa umpisa pa lamang na wala kang laban. Learn to accept that you’re weak pero gumawa ka naman ng paraan para ma-over come ang weakness na ‘yon! Kung sa tingin mo kaya mo na, saka ka lumaban ulit. At sana kapag natagpuan mo ang sarili sa isang sitwasyon na kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo, mahanap mo na ang tapang diyan sa puso mo.”
Malakas ko itong itinulak palayo sa akin. Nagtatagis ang aking mga bagang habang mahigpit kong kuyom ang aking mga kamao habang nakatitig dito. Naninikip ang dibdib ko, pigil-pigil ang lahat ng emosyon ko. Kasabay ng panginginig ng buong katawan ko ay ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko.
At that moment, wala na akong pakialam.Kahit ng hilahin nito ang bandanang nakatabing sa aking mukha, hindi ko na alintana. Gusto ko itong kamuhian ngunit alam ko sa sarili ko na tama ang lahat ng sinabi nito. And I hate him for making me feel weak and hopeless evenmore. Pero hindi ko naman pwedeng balewalain na sa tuwing nanghihina ako at kailangan ko ng tulong, ito ang naroon upang sagipin ako.
Nanlambot ang akong mga tuhod ngunit bago pa man ako matumba, mabilis nitong nahapit ang aking baywang.
“A-ayoko n-na,” sambit ko sa pagitan ng aking mga hikbi. “P-pagod na pagod na ‘ko.”
Niyakap ako nito. Panay ang masuyong haplos ng kamay nito sa aking likod.
“Sshhh…huwag mong sabihin ‘yan,” pabulong nitong sambit. “Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Kaya nga gusto kitang tulungan ‘di ba? So, please, hayaan mong tulungan kita.”
I just cried even more after hearing those words from him. Sa unang pagkakataon pagkatapos ng lahat nang masasakit na pinagdaanan ko, nakaramdam ako ng kapayapaan at pag-asa habang yakap-yakap ako nito.
At sana, hindi ito magsawa sa pagtulong sa akin. Dahil hindi lang ang buhay ko ang nakataya rito ngayon. Pati na ang aking puso na kahit anong pigil ko, unti-unti ng nahuhulog dito.