bc

Her Sweet Vengeance

book_age18+
2.3K
FOLLOW
13.4K
READ
second chance
drama
sweet
lighthearted
straight
brilliant
ambitious
witty
realistic earth
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Yugto Writing Contest-Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi

Nagpakalayo-layo si Natasha upang takasan ang mga taong gustong pumatay sa kanya. Mula sa pagiging unica hija na tagapagmana ng isang multi-million dollar construction business ay natutunan niyang mamuhay mag-isa sa isang maliit na apartment. She had learned to live all by herself without the help of anyone and adopt with the way people in the slums lived.

Ngunit tila ba palaging nakasunod si kamatayan sa kanya dahil kahit saan man siya mapadpad, nahahanap at nahahanap siya ng mga taong gustong manakit sa kanya.

Sa mga panahong akala niya katapusan na niya, Amadeus came in and helped her. He helped her to stand and be confident about herself. Helped her in seeking justice not only for herself but for her parents. Dahil hula niya, hindi simpleng car accident ang ikinamatay ng kanyang mga magulang.

Lubos siyang nagtiwala kay Amadeus not knowing na ito pala ang totoong kalaban niya. Na nakipaglapit lang ito sa kanya upang makuha nito ang lahat sa kanya sa pag-aakalang ang mga magulang niya ang naging sanhi kung bakit nawala ang negosyo ng mga magulang nito.

She was left broken. And in pain. But she promise herself to get back at him and make him pay for whatever he did to her.

Even if breaking his heart would be the only choice left.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Marahan kong hinawi ang bandanang nakatabing sa aking mukha pagkatapos ay tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin. Sumilay ang isang mapait na ngiti sa aking mga labi ng makita ang pagkasunog ng aking mukha mula sa gilid ng kaliwa kong mata, pababa sa may pisngi hanggang sa may leeg ko. Sunog na ginawa ng mga taong akala ko ay tunay na nagmamahal at nagmamalasakit sa akin. Sino nga ba ang mag-aakalang sa likod ng pangit kong mukha ay isang magandang babae? Kusang tumulo ang aking mga luha ng maalala ang araw 'yon. April 13, 2016 to be exact. The same date when she was betrayed by people whom she thought love her. Eksaktong araw kung kailan nasunog ang aking mukha kasabay ng pagkawala ng lahat ng meron ako bilang nag-iisang tagapagmana ng aking mga magulang. At batid kong nasa paligid lamang ang tunay na mga salarin. Kaya ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako titigil hangga't hindi nagbabayad ang mga taong may kagagawan ng lahat. Michael de Luna. Ang lalakeng itinakda ng aking daddy bilang driver/bodyguard ko. I trusted him too much because he was not just her protector but he's the brother I never had. Itinuring ko siyang kuya at umasa akong gano'n din ang turing niya sa akin. Kaya hindi ko lubos akalain na magagawa ako nitong ipapatay. Ngunit ang pinakamasakit sa lahat, kasabwat nito ang pinsan kong si Glennie. Ang pinsan kong kasabay kong lumaki dahil itinuring na rin itong parang anak ng aking mga magulang. But sad to say, mukhang si Uncle Roland pa ang may pasimuno ng lahat. Hindi na ako magtataka kung pati sa aksidenteng kinasangkutan ng aking mga magulang ay may kinalaman ang mga ito. Napalingon naman ako sa maliit kong tv ng marinig ang balitang ipinalalabas ngayon. It was her Uncle Roland Recio, ang daddy ni Glennie na siyang bagong CEO ng kumpanyang dugo't pawis na pinaghirapan ng mga magulang ko. Halos gawing araw ng aking papa ang mga gabi para lamang maitaguyod at mapalago ang kumpanyang iyon pero sa huli, iba lang pala ang makikinabang? And now, Roland Recio was being awarded as one of the philanthropist in the country? Ang kakapal lang talaga ng mga mukha! Mariin kong naikuyom ang aking mga kamao, kasabay noon ay ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga luha. Mga luhang ipinangako kong mararanasan din ng mga taong nanloko at nang-agaw nang dapat ay pag-aari ko. Ipinapangako kong hindi ako titigil hangga't hindi nakakaganti. Ngunit paano nga ba ako maghihiganti kung ang paglabas ng bahay at pakikisalamuha sa mga tao ay isa ng malaking pagsubok para sa akin? Paano ba ako makakapaghiganti kung nanginginig na agad ako sa takot sa tuwing pakiramdam ko may nakasunod sa akin at tila gusto akong gawan ng masama? Ang dami kong plano. Ang dami kong gustong gawin pero paano? Saan ba ako magsisimula? Huminga ako nang malalim, pilit hinahamig ang aking sarili. May pasok pa ako sa trabaho. Kung mawawalan ako ng trabaho ngayon, mas lalong walang mangyayari sa akin. Ibinalik ko ulit ang bandanang nakapulupot sa aking ulo pababa sa kaliwang bahagi ng aking mukha hanggang sa may leeg ko. Kinailangan kong itago ang aking mukha hindi dahil nahihiya ako kundi upang makaiwas na rin sa gulo. And besides, naroon pa rin kasi ang takot ko na kahit sa gano'n itsura ng aking mukha ay makikilala pa rin ako ng mga taong gusto akong patayin. "Miss, pwede bang tanggalin mo 'yang scarf mo? Naaalibadbaran kasi ako, eh," sambit ng isang customer ng ilapag ko ang in-order nito. "Would that be all, sir? O, may iba pa kayong gustong order-in?" tanong ko imbes na patulan ang sinabi nito. Ngunit minasama ng lalakeng 'yon ang aking ginawa. The next thing I knew, a glass of cold water was poured over me. Narinig ko ang pagsinghap ng ibang mga customer, nagulat sa ginawa ng lalake. They've already catched the attention of others, and she's not liking it. Hangga't maaari, ayaw kong makalikha ng anumang gulo. Dahil fully air-conditioned ang loob ng restaurant kaya hindi ko napigilan ang panginginig ng aking katawan dahil sa lamig. Napayakap ako sa aking sarili. Subalit hindi ko napaghandaan ang sunod na ginawa ng lalake. Mabilis na tumaas ang kamay nito upang hawiin ang bandanang nakatabing sa aking mukha. Marami ang napasinghap ng makita ang kabuuang hitsura ng aking mukha. "Kaya naman pala," sambit ng lalake. Naroon ang nakakalokong ngisi nito sa mga labi. "Dapat mo ngang itago ang pangit mong mukha. Pero nagtataka lang ako, bakit ka natanggap dito?" Nagawa pa ako nitong tingnan mula ulo hanggang paa. "May kailangan pa po ba kayo? Kung wala na po, aalis na ako dahil may gagawin pa po ako," sambit ko sa malumanay na boses. Kahit gusto kong hambalusin ng hawak kong tray ang pagmumukha ng lalakeng kaharap, pinigilan ko pa rin niya ang aking sarili. I won't stoop low for this kind of people. Hindi ko alam ang trip ng lalakeng kaharap. Muntik pa akong mabuwal sa pagkakatayo nang marahas nitong itulak ang upuan sa aking harapan. Mabuti na lang at may nakasalo sa akin bago pa man ako tuluyang matumba sa sahig. "Pare, wala namang ganyanan. Babae ang kaharap mo, eh." Napatingin ako sa lalakeng sumalo sa akin. Malumanay ang salita nito ngunit hindi nakatakas sa aking paningin ang pag-igting ng panga nito pati na rin ang paglabas ng ilang ugat sa leeg nito. "Huwag kang makialam dito, pare," seryosong tugon ng lalakeng kausap ko kanina. Sinulyapan ako ulit nito saka nakakalokong nagsalita, "Gusto ko lang naman turuan ng leksyon ang babaeng 'yan. Bukod sa pangit na, bastos pa sa katulad kong regular customer dito? In the first place, bakit ba na-hire 'yan dito?" Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na naintindihan. Basta ang alam ko, mabilis na kinaladkad ng lalakeng sumalo sa akin kanina ang bastos na lalakeng iyon palabas ng restaurant. Natulala ako, hindi makagalaw dahil sa mga nangyari. Nang mahimasmasan ako, sinundan ko ang dalawa sa labas. Naabutan ko ang mga ito sa may parking lot kung saan hindi gaanong pansinin ng mga tao. "I could sue you for this!" hiyaw ng bastos na lalakeng 'yon. Kita kong may dugo na sa gilid ng labi nito. Nakangiwi ito at panay ang himas sa panga. Ngunit ang kasong ipinanakot ng lalakeng 'yon, mukhang hindi na nito itutuloy dahil nauna ng nagreklamo ang aking boss. Ilang beses na pa lang nasangkot sa gulo ang lalakeng 'yon pero sa tuwina ay nalulusutan nito. But right now, mukhang wala na itong kawala dahil mismong may-ari na ang nagreklamo rito. Mabuti na lang din at may cctv camera ang buong restaurant kaya nalaman na wala akong ginawang masama. Nakahinga ako nang maluwag. Buong akala ko, matatanggal na ako sa trabaho. "Salamat, sir." Nagpasalamat naman ako sa aking boss dahil sa pagiging makatarungan nito. "You don't need to thank me, Miss Mijares. You just did what you think was right," anito. "Mahal ko ang asawa ko at ang nanay ko kaya hindi ako makakapayag na maagrabyado ang kabaro nila. And besides, you're one of my best employee.I knew how you work. I knew how you treat people." Tipid akong napangiti. "Thank you, sir. "For now, you may go home and take a rest." "Sir," alanganin kong sabi. "Pwede ko po bang malaman ang pangalan ng lalakeng tumulong sa 'kin kanina? I just need to personally thank him for what he did earlier." Yumuko ito at binuksan ang drawer ng mesa nito, then he handed her a calling card. "Amadeus Le Pierre," basa ko sa pangalang nakasulat sa calling card. "A police officer?" "Yes," tumatango-tangong sambit ng aking boss. "A righteous police officer. So, it's really nice if you could personally thank him. He'll appreciate that for sure." Agad akong namaalam sa aking boss saka madaling nagtungo sa presinto kung saan naka-duty ang Amadeus Le Pierre na ito. Agad ko naman itong nahanap. "What are you doing here, Miss Natasha?" tanong agad nito sa kanya. "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Bigla tuloy akong kinabahan. Batid kong may mga koneksyon sa mga pulis ang aking Uncle Roland o maski si Michael kaya hindi na ako magtataka kung may kinalaman ang lalakeng kaharap sa mga taong gustong manakit sa akin. Hindi naman ako naniwala basta sa sinabi ng aking boss na righteous police officer ito. Hindi na ako magpapakatanga at maniniwala na lang basta sa sinasabi sa akin. "I saw your name on your nameplate earlier," tugon nito. Oo nga naman. Malalaking letra pa ang pagkakasulat kaya imposibleng hindi nito iyon makita. "I just want to personally thank you sa pagtulong mo sa akin kanina," sambit ko. Tinangka kong salubungin ang mga titig nito subalit hindi ko napaghandaan ang intensidad na nakita ko sa mga mata nito. With his deep-seated eyes and thick eyebrows, women find it rough yet magnetic when he stared. Mga katagang nababasa ko sa mga romance books. At ngayon, iyon ang tamang description sa nakikita ko sa mga mata nito. "Hindi ako tumatanggap ng thank you, Miss Natasha," tugon nito. Saglit lang itong tumingin sa aking direksyon pagkatapos ay binalikan ang kung anuman ang binabasa nito. "Wala akong ibang maibibigay sa'yo kundi pasasalamat, sir," pabulong kong sambit. "Ano ba naman ang maibibigay ng isang katulad ko? Mahirap na nga, pangit pa." Nag-angat ito ng paningin saka biglang naging seryoso ang mukha nito. Kita ko pa kung paanong gumalaw ang panga nito na tila ba galit. Maski ang kamao nito, nakita ko nang bigla itong kumuyom nang mahigpit. "Isa lang ang hihingin ko sa'yo, Miss Natasha," anito. Halos magsalubong na ang mga kilay nito habang matamang nakatitig sa akin. "I want you to stand for yourself. To fight for your right and realized how worthy you are. Kahit ano pa ang itsura mo o ang katayuan mo sa buhay, never settle for less. Know your worth." Ang sabi ko, hindi ako basta magtitiwala kahit kanino. But why does my heart tells me to trust this man?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.6K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.1K
bc

His Obsession

read
90.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
28.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook