Chapter Seven

1463 Words
Panay ang tawag ni Amadeus sa pangalan ko sa kabilang linya ng telepono ngunit walang lumalabas na boses mula sa bibig ko sa tuwing tatangkain kong magsalita. Nag-umpisa ng manginig sa takot ang buong katawan ko at ang tanging tumatakbo sa isip ko ay kung sino ang taong nasa labas na nagpupumilit pumasok. At base sa naririnig ko sa boses ni Amadeus, alam kong panganib ang hatid ng taong nasa labas. Gamit ang isang kamay ko, mariin kong diniinan ang aking bibig upang hindi umalpas ang sigaw na kanina pa gustong kumawala mula sa bibig ko. Kung maaari lamang, maski ang paghinga ko ay gusto kong pigilan sa takot na marinig ako ng kung sinumang nasa labas. Pilit ko ring isinisiksik ang katawan ko sa likod ng sofa dahil sa sobrang takot. Maya-maya, narinig kong biglang tumahimik. Tumigil ang pagpihit sa seradura ng pinto. Literal na pinigilan ko ang aking paghinga, sinusubukang pakiramdam kung ano ang nangyayari. Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko ng makita ko ang isang pigura sa may labas ng bintana. Sumilip ito at pilit binubuksan ang bintana. Mabuti na lamang at pinatay ko ang ilaw kanina nang mag-umpisa akong manood kaya ang liwanag lamang na nanggagaling sa tv ang nagsisilbing tanglaw sa kabuuan ng sala.  “Natasha! Listen to me, okay?” Narinig kong sambit ni Amadeus. “Nasa kwarto ka ba? Kung nasa kwarto ka, huwag na huwag kang lalabas, okey? And I want you to do something for me.” Panay lang ang tango ko kahit hindi naman ako nito nakikita. “There's a blank wall on the right side of the bed. Just press your hand on it then I will give the security code. You’ll be safe there-” “Nasa sala ako,” putol ko sa iba pa nitong sasabihin. Kasunod noon ay narinig ko ang sunod-sunod nitong pagmumura sa kabilang linya.  Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Nagsama-sama na ang takot, awa sa sarili at kawalang ko  ng pag-asa ng mga oras na ‘yon. I just want to give up and end the misery that I’m in.  Para saan ba ang pagpupumilit kong lumaban kung mag-isa na lang ako? Para saan pa ang paglaban kung nabubuhay naman ako na puno ng takot? Sinubukan ko naman, eh. But the fear and the pain were just too much that I already wanted to give up. And at that moment, death feels like a beautiful escape.  Ngunit kung kailan ayoko na. Kung kailan tanggap ko na ang kahihinatnan ko, narinig kong muli ang tinig na Amadeus. Ang tila galit nitong boses sa kabilang linya ay nagbigay nang kaunting liwanag sa madilim kong mundo. “Alam ko naririnig mo ‘ko.” This time, malumanay ang boses nito ng magsalita. “Alam kong kaya mo ang ipagagawa ko sa’yo. On the count of three, gusto kong tumakbo ka nang mabilis papunta sa kwarto mo-” “Natatakot ako,”  “On the count of three, Natasha,” anito. Ni hindi man lang pinansin ang sinabi ko pagkatapos ay nagsimula na itong magbilang.  Hindi ko alam kong saan nanggaling ang tapang ko ng mga oras na ‘yon pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo papasok sa kwarto ko. Malakas akong napahiyaw ng marinig ko ang pagkabasag ng kung ano galing sa labas. Lalo akong nataranta at nakaramdam ng takot.  “B-blank wall,” sambit ko. Pilit kong inaalala ang mga sinabi ni Amadeus kanina.  I pressed my hand on the wall then a series of digital words and numbers appeared on the wall. Pilit kong inaalala ang mga sinabi ni Amadeus sa akin kanina pero hindi ako makapag-isip nang maayos lalo na at naririnig ko ang pagkabasag ng kung ano sa labas.  Malakas akong napahiyaw ng biglang kalampagin ang pinto sa kwartong kinaroroonan ko.  “God! Please…” Bago pa man ako mahuli ng taong nasa labas, mabilis kong nai-input ang security code na sinabi ni Amadeus kanina. Pagkatapos ay bahagyang bumukas ang bahagi ng dingding na ‘yon sapat lang upang makapasok ang isang tao. I hurriedly went inside and as soon as I was in, the door automatically closed.  Bumungad sa akin ang isang kwarto katulad nang kwarto na meron ang daddy ko noon sa construction business nila. Her dad called it a security room. I have seen it many times and I know how each detail works. But this room was far more advanced than the one my father had. Base sa nakikita ko, ang kwartong ‘yon ay ang central for communications based on the device install there. It also includes the control and monitoring of security and safety around the house such as CCTV, intruder and the access control inside and outside of the house.  Kitang-kita ko sa mga monitors sa aking harapan kung paanong paulanan ng bala ng lalakeng nasa likod lamang ng pinto ang dingding na pinasukan ko pero kahit isa, walang umabot sa akin. That’s what I thought. Dahil maya-maya lamang ay naramdaman ko ang pag-ikot ng paningin ko, kasabay noon ay unti-unti kong naramdaman ang pagsigid ng kirot sa may tagiliran ko.  Bumaba ang kamay ko sa parteng ‘yon. I felt something cold and sticky. Nang tingnan ko ang aking kamay, nababalutan na iyon ng pulang likido. Nanghihinang napaupo ako sa isang mahabang sofa sa loob ng kwartong ‘yon. Sinubukan kong diinan ang tagiliran ko kung saan may tama ako umaaasang mababawasan ang kirot na aking nadarama but the pain just intensifies even more. Umiikot na rin ang pakiramdam ko sa buong paligid ko. Nahihirapan na rin akong huminga.  “Amadeus,” sambit ko bago tuluyang magdilim ang paligid ko.  Nang magising ako, hindi na pamilyar ang silid na kinamulatan ko.  “How are you?”  Lumingon ako sa pinanggalingan ng tinig na ‘yon. Then I saw Amadeus sitting on a single sofa on the right side of the bed.  “Nasaan ako?” tanong ko imbes na sagutin ang tanong nito. Sinubukan kong umupo ngunit agad na sumigid ang kirot sa tagiliran ko kaya napabalik ako ng higa sa kama.  My eyes roam around. At base sa nakikita kong disenyo at kulay, maging ang pictures na nakasabit sa dingding, bahay pa rin nito ang kinaroroonan niya. Pero hindi ito ‘yong kwarto na nasa apartment nito.  This one’s different, much bigger. And it screams luxury.  Madami akong pagdududa at katanungan. Mga katanungang naghahanap ng mga sagot. Noong una pa man, batid ko ng hindi lamang pangkaraniwang tao ang kaharap ko. The authority and the way he carries himself speaks of who he really is. Dumagdag pa ang high end security features ng apartment nito sa mga pagdududa at katanungan niya. That security room speaks fortune. At iyon kayang ipundar ng isang simpleng pulis na kagaya nito.  “Sino ka ba talaga, Lieutenant?” pabulong kong tanong. Tumingin ito sa mga mata ko, wari bang pinag-aaralan at sini-sino ang buong kong pagkatao.  “I should be the one asking you that, Miss Natasha Mijares,” anito. Makahulugan ang mga tingin nito sa akin. Then he said, “Or should I call you Natasha Santiago?” It was my turn to smile. A faint one though. “Ano ba talaga ang kailangan mo bakit mo ako tinutulungan? Huwag mong sabihin dahil gusto mo ‘ko dahil hindi ko bibilihin ‘yang kasinungalingan mo! And I don’t think pera ang kailangan mo sa’kin dahil obvious namang mapera ka rin. At isa pa, matagal na akong naghihirap kaya wala kang mahihita sa akin.” Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. Tumayo ito sa paanan ng kamang kinahihigaan ko.  “Let’s just say, I just want to help you,” anito.  “At ano ang kapalit ng pagtulong mo na ito?” He was caught off guard and unable to speak.  “With all of you, I don’t think you will help me without expecting something in return.”  His lips twisted with a smirk, then said, “Let us see. But for now, kailangan mong magpahinga at magpalakas. Saka ko na lang sasabihin sa’yo kung paano mo ako mababayaran sa lahat ng mga naitulong ko sa’yo.” “Wala kang mahihita mula sa akin, Lieutenant,” pahabol kong sambit. “Mukhang nasa iyo na naman ang lahat, so what would you get from me?”  Imbes na lumabas na at iwan ako, naglakad ito pabalik sa kinahihigaan ko.  “May isa pang kulang sa buhay ko,” usal nito. This time, titig na titig ito sa mga mata ko. “At hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakukuha ang kakulangang ‘yon.”  Walang gustong kumurap sa aming dalawa. Pero sa huli, ako ang unang nagbawi ng tingin. Hindi ko makayanan ang tindi ng mga titig nito sa akin.                       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD