Kanina pa ako hindi mapakali sa aking kinauupuan. Pilit kong ibinabaling ang aking paningin sa unahan ngunit hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa gawi ni Amadeus. Seryoso ang mukha nito at ang buong konsentrasyon ay nasa pagmamaneho. Subalit ako, hindi naman mapakali kung kakausapin ba ito o kung mananahimik na lang ako.
“What is it?” maya-maya ay tanong nito. Saglit itong tumingin sa gawi ko ng huminto kami sa may stop light. “Kanina pa panay ang tingin mo sa akin. May kailangan ka ba?”
Sinubukan kong ibuka ang aking bibig at magtanong rito ngunit sa huli ay timaan ako ng hiya.
Hanggang sa makarating ako sa restaurant na aking pinagtatrabahuhan, hindi ko nagawang isatinig ang mga tanong ko sa binata. I was just too shy to ask him. Parang hindi ko naman kayang itanong dito kung bakit niyakap ako nito kagabi. At hindi lang basta yakap, panay pa ang halik nito sa ulo ko habang hinahaplos ang likod ko.
“Okey ka lang ba?” tanong nito. Bahagya kong inilayo ang aking mukha ng akmang sasalatin nito ang noo. “Namumula ang mukha mo. May lagnat ka ba?”
Panay ang iling ko. “Okey lang ako.”
Mabuti na lang at hindi na ito nag-usisa pa.
“Salamat sa paghahatid,” sambit ko.
Bigla naman ang pagsalakay ng kaba sa dibdib ko ng ito ang magkalas ng seatbelt ko. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin na maski ang init ng hininga nito ay nararamdaman ko sa aking braso.
“Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako,” pahabol nitong sambit bago ako tuluyang makalabas ng sasakyan nito.
Tipid akong ngumiti rito. Ang lakas pa rin kasi ng t***k ng puso ko dahil sa paglalapit namin kanina.
He just waved at me before leaving. Ako naman ay nagmamadali ng pumasok. Ngayon lang ulit kasi ako nakabalik sa trabaho makalipas ang dalawang linggo. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero nagtuloy pa rin ako. Siguro dahil matagal din akong hindi nakapasok.
“Mabuti naman nakapasok ka na,” bungad sa kanya ni Louisa. Sa lahat ng mga katrabaho ko, ito ang naging kaibigan at kasundo ko. “Akala ko kung napaano ka na, eh.”
Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. “Bakit naman?”
“Hay, naku!” sambit nito. “Ipinagkakalat kasi ni Clara na baka natanggal ka na raw dahil sa nangyari sa’yo noong isang araw.”
“Wala akong ginawang masama, so, bakit naman ako matatanggal?”
“Alam mo naman ang hilatsa ng babaeng ‘yon ‘di ba? Wala namang magandang sinasabi ‘yon tungkol sa’yo, eh. Hindi ko alam kung inggit ba o kung may lihim na galit siya sa’yo!”
Matipid na ngiti lamang ang isinukli ko rito. Kahit naiinis din ako sa babaeng ‘yon, ayokong patulan ang kagaspangan ng ugali nito. Sa isip ko kasi, aksaya lang ng panahon ang papatol sa kagaya nitong hindi mo maintindihan kung ano ba ang isyu sa buhay. Above all, wala naman akong ginagawang masama dito. Kaya kong palampasin ang mga masasakit na salitang sinasabi nito pero iba na ang usapan kapag sinaktan siya nito physically.
“Speaking of the devil woman,” narinig kong sambit ni Louisa. At base sa taguktok ng takong sa sahig, mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy nito.
Saglit kong tinapunan ng tingin si Clara habang naglalagay ito ng gamit nito sa locker. I was about to smile at her pero nauna na itong umirap sa akin.
Napailing na lang ako. Mukhang malala talaga ng isyu nito sa buhay. Hinayaan ko na lang ito pagkatapos ay inays ko ang aking bandana saka lumabas na.
Naging okey naman ang pagbabalik ko sa trabaho. Kahit pagod, naroon ang fulfillment kapag alam mong maayos mong nagagawa ang trabaho mo. Isa ito sa mga bagay na ipinagpapasalamat ko kasi noon, ni minsan ay hindi ko naranasang magtrabaho. Maski sa bahay nila, bawat kibot niya, may kasambahay silang laging nakahandang gumawang mga bagay para sa kanya. Kung may isa mang magandang naidulot ang paninirahan ko bilang isang simpleng tao, ‘yon ay ang natuto akong mag-appreciate at pahalagahan ng mga bagay na katulad nito.
“Natasha!”
Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Louisa.
“Pasuyo naman ako sa table four,” anito. ‘Okey lang ba?”
“No problema,” tugon ko. Dali-dali akong nagtungo sa table four. Nasa bandang dulo ang mga ito kung saan hindi gaanong kita ng mga tao. Mukhang seryoso ang usapan ng dalawa na nag-aatubili pa akong lumapit sa mga ito.
“Can I have your order, Ma’am? Sir?” agad kong sambit pagkalapit ko sa magkapareha na nakaupo sa table four.
Literal na huminto ang pagtibok ng puso ko ng mapagtanto kung sino ang dalawang naroon.
It was Gleenie and Michael.
Nanlamig ang buong katawan ko pagkakita sa dalawa. Napuno ng galit ang puso ko na anumang sandali ay maaaring mawala ako sa kontrol. Sa dinami-dami ng restaurant sa Metro Manila, doon pa talaga napadpad ang dalawa. I tried to be calm but the rage in my heart was starting to take control of me.
“Miss, okey ka lang?” It was Michael. Ang dati kong bodyguard na ang daddy ko pa ang personal na kumuha upang bantayan ako. He was not just a bodyguard to me but a friend as well. I literally considered him as my older brother pero mas pinili nitong kampihan ang pinsan kong si Gleenie. To the point na nagawang pagtangkaan ng mga ito ang buhay ko para lamang makuha ang lahat ng kayamanan na iniwan sa akin ng mga magulang ko.
Nang mga oras na ‘yon, gusto kong sigawan ang dalawa at ipamukha sa mga ito na hindi nagtagumpay ang mga ito sa pagpatay sa akin. Gusto kong sa kamay ko mismo sila magdusa hanggang sa punto na magmamakaawa sila para sa kanilang buhay.
“Michael, I think she’s okay,” sabad naman ni Gleenie. “The fact na nabubuhay pa siya kahit ganyan na ang kanyang mukha, that means, she’s still doing fine.”
Puno ng pandidiri ang mga tingin nito sa akin. Na para banag malaking kasalanan na maging ganoon ang itsura ko.
Halos matanggal ang mga ngipin ko sa kapipigil ko sa aking sarili. Akala ko matatakot akong makitang muli ang mga ito ngunit mas nananaig ang galit sa puso ko ng mga oras na ‘yon. Sa lahat ng mga hirap at sakit na pinagdaanan ko, maski si kamatayan muntik ko ng makita, pagkamuhi lamang ang nararamdaman ko ng mga oras na ‘yon. At ngayong nakikita ko silang dalawa na sayang-saya na para bang walang ginawang masama sa akin, wala akong ibang gusto kundi burahin ang kasiyahan sa mukha ng mga ito.
Hindi ngayon. Pero ipinangangako kong pagababayaran nila ang lahat.
“W-what’s your order, Ma’am? Sir?” tanong ko ulit. Ni hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko. Dahil kahit pilit kong itanggi, naroon pa rin ang takot ko sa maaari nilang gawin sa akin.
Pigil-pigil ko ang panginginig ng kamay ko habang isinusulat ko ang order ng dalawa. Pagkatapos ay nagmamadali akong umalis sa table ng dalawa.
“Thank you-”
“S-saglit lang ako sa restroom,” putol ko sa sinasabi ko Louisa. “Medyo sumama ang timpla ng tiyan ko, eh.”
Hindi ko na hinintay ang sagot nito. Basta ko na lang inabot ang order nang dalawa saka nagmamadali na akong pumasok ng restroom.
Pumasok ako sa isang cubicle saka doon pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilan na iyak. Itinakip ko sa aking bibig ang dalawa kong kamay upang pigilan ang pag-alpas ng aking mga hikbi. Sa sobrang sakit na aking nadarama, tila ba maski ang paghinga ay napakahirap na para sa akin. Bigla akong nalito, hindi ko na naman alam kung saan susuling. Sinusubukan ko namang kumalma…ngunit ng makita ko ang dalawa kanina na malaya at masaya, muntik ko ng hindi mapigilan ang galit ko kanina.
Mariin kong idiniin ang aking kamay sa aking bibig sa takot na marinig ako ng kung sinumang bagong pasok sa loob. I tried to compose myself and was about to get out when I heard Gleenie’s voice.
“Dad, sinabi ko naman na wala na kayong dapat pang alalahanin sa babaeng ‘yon ‘di ba? Ginawa ko naman ang lahat para mawala ang sakit ng ulo niyo kaya pwede ba, huwag niyo nang pakialaman ang relasyon namin ni Michael?”
Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ko ng marinig ang sinabi nito. Gusto kong lumabas at pilipitin ang leeg nito. Paano nito nakayanang ipapatay ng mga ito? Sa pera ba? Dahil kung ‘yon lang ang dahilan bakit nagawa ng mga itong ipapatay siya, willing siyang ibigay at isuko ang lahat para lamang maging tahimika ng kanyang buhay?
“Dad, sure akong wala na ang babaeng ‘yon! Ni hindi na nga nagawang kainin ng mga uuod ang kanyang katawan dahil natupok na ‘yon sa apoy, eh!” dagdag pa nito. “Basta ‘yong bag na hinihingi ko sa inyo, ha? Saka ‘yong set of jewelries ni Tita Marga, wala roon ‘yong kwintas. Can you look it for me? I heard, susi raw ‘yon sa isang safe.”
Maya-maya pa ay narinig ko na ang paglabas ni Gleenie. Mabilis naman akong tumalilis palayo sa restaurant gamit ang back door exit. Alam kong hindi ko kakayaning magtrabaho pa ng araw na ‘yon pagkatapos ng mga narinig ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang theme park. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating doon, eh. Tulala lang akong nakaupo roon habang umiiyak, lagpasan ang tingin.
“Sabi ko naman sa’yo, tawagan mo ako ‘di ba?”
Tulala akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na ‘yon. Akala ko, dinadaya lang ako ng pandinig ko ngunit si Amadeus talaga ang naroon sa tabi ko.
He was my savior again.
“Bakit nagawa nila sa ‘kin ‘yon?” Parang bata kong tanong rito. “Nang makita ko sila kanina, gusto kong sa kamay ko mismo sila magbayad. Gusto kung burahin ang mga ngiti sa labi nila. Pero hindi ko kaya…”
Hindi ito nagsalita, bagkus ay hinawakan nito ang kamay ko saka hinila ako papunta sa kotse nitong nakaparada sa ‘di kalayuan.
“I know some place where you can vent your anger,” sambit nito bago sila pumasok sa kotse nito. “Is it okay, hmm?”
Wala akong nagawa kundi ang tumango. Maski nang nasa biyahe na kami, hindi ko magawnag magreklamo habang hawak ng isang kamay nito ang isa kong kamay at nilalaro-laro ang mga daliri ko. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko ngunit pinagsiklop pa nito ang kanilang mga kamay.
“Baka maaksidente tayo,” pabulong kong sambit.
Umiling ito. “Hangga’t kasama mo ako, hindi mangyayari ‘yon.”
“A-amadeus…”
Saglit itong lumingon sa gawi ko. “Will you let me take care of you? I want to protect you from those evil people. Pero kapag dumating ang panahon na sa tingin mo, ako naman ang masama, can you still trust me?”
Nakita ko ang pagiging sinsero sa mga mata nito. Pero bakit bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa huling sinabi nito?