Chapter Three

1869 Words
Hindi ko alam kung anong mahika meron si Amadeus at kung bakit nagawa kong magtiwala rito. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa sofa sa loob ng living room nito. He sat next to me. He was eyeing me from head to toe, then he said, "Let me see." "H-ha?" kinakabahang sambit ko. Mas lalo pang lumakas ang t***k ng puso ko ng dumikit ang mga daliri nito sa aking balat nang suriin nito ang mukha ko hanggang sa may braso ko. Napatingin ito sa akin ng mapaigtad ako palayo rito. Bigla akong nahiya. Mariin kong hinawakan ang bandanang nakatabing sa aking mukha sa takot na baka bigla iyong maalis. "I'm sorry." He immediately apologized. Tumango lang ako. "Are you okay? Did you get hurt? Kung may masakit, sabihin mo lang. Dadalhin kita sa ospital-" "I'm fine," tugon ko. "Sanay na rin naman ang katawan ko sa ganitong eksena." "Sigurado ka ba?" Paninigurado pa nito habang panay ang titig sa mukha ko. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. "Doon ka na sa kwarto ko maglinis ng katawan. May nakalagay ng damit sa banyo," sambit nito saka inalalayan ako patungo sa kwarto nito. "Lilinisan ko lang ang kabilang kwarto. For the meantime habang hindi ka pa nakakahanap ng bago mong malilipatan, pwede ka rito." Huminto ako sa paghakbang saka ko ito nilingon. "Bakit mo 'to ginagawa? Naaawa ka ba sa akin kaya gusto mo akong tulungan? Gusto kitang pasalamatan pero sa mga oras na ito, hindi awa ang kailangan ko." Mariin itong napapikit pagkatapos ay huminga ito nang malalim. "Ganito mo talaga pakitunguhan ang mga taong gusto kang tulungan?" Kunot ang noo nito nang magtanong sa 'kin. Na para bang sinasabi ng ekspresyon nito na kasalanan ko kung bakit ganito ako ngayon. "I mean, you could've just thank me," sambit ulit nito. "Oo. Nagpapasalamat ako sa pagtulong mo sa akin. Pero pwede namang hindi mo ako tulungan 'di ba?" Nasanay na rin ako na ako lang mag-isa at walang tumutulong sa akin lalo na kapag nakikita nila ang itsura ng mukha ko. Kaya bago para sa akin na tulungan ako. Yes, he's a police officer pero hindi naman nito obligasyon na patuluyin ako sa bahay nito. "Can you trust me on this one? I don't mean any harm. Gusto ko lang naman na tumulong-" "Nang huli akong nagtiwala, muntikan na akong mamatay," putol ko sa sinasabi nito. "So, tell me. Paano ako magtitiwala sa'yo gayong hindi naman kita kilala. 'Yon ngang matagal ko ng mga kakilala hindi ako matulungan, eh! Saka 'yang tiwalang sinasabi mo ang nagdulot ng kapahamakan sa akin at sa pamilya ko." "At sa tingin mo, lahat ng taong nakapaligid sa'yo, kapahamakan lang ang dala sa'yo? Gano'n ba, ha?" asik nito sa akin. Mukhang tuluyan na itong nainis sa mga sinabi ko. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Neither of us wanted to talk. "I'm sorry," sambit ko. Ako na ang unang nagbasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. At isa pa, ano ba ang karapatan kong magreklamo gayong ito ang tumutulong sa akin ngayon? "I'm so sorry for bothering you. Bukas na bukas din ay maghahanap na ako ng malilipatan ko." Titig na titig ito sa akin. Sa huli, nakita ko ang pagsuko sa mukha nito. "Ikaw ang bahala. Pero kung sakaling wala ka pang makita, okey lang na dito ka muna mag-stay. Whether you trust me or not, you're still welcome here." Pagkatapos nitong magsalita ay agad akong tinalikuran. I sigh heavily then went to the room he was referring to. As usual, kung ano ang kulay sa sala nito, gayundin sa kwarto nito. Very manly ang dating. The room was a combination of white and gray, even his bedsheets and pillowcases, too. But what caught my eyes was his huge portrait where he was wearing his uniform. Ang lakas ng dating nito! Humakbang ako palapit sa litrato nito saka tinitigan ang mukha nito. Maraming beses na akong nakakita ng mga magagandang lalake pero may tila kung anong mahika ang mukha nito na hindi ko maalis ang pagtitig dito. Medyo may kakapalan ang kilay nito na bumagay sa mga mata nitong tila nangungusap habang nakatingin ka. Matangos din ang ilong nito. Palihim naman akong napalunok nang matitigan ko ang labi nitong bahagya pang nakaawang. Pero ang pinakagusto kong litrato nito ay 'yong nakasandal ito sa motor nito at simpleng black t-shirt at jeans ang suot. Nakasuot din ito ng cap na mas nakadagdag sa aking karisma at pagkamisteryoso nito. God! Hindi ko alam na ganito pala ito kagwapo. Marahan kong ipinilig ang aking ulo upang pawiin ang kung anumang naiisip ko. Hindi ito ang panahon para matukso o magkagusto ako sa isang lalake na hindi ko naman gaanong kilala. Baka sa huli, ako lang din ang maloko at maiwang luhaan. Dahil sa ganda nitong lalake, malamang maraming babae ang nagkakandarapa rito. At isa pa, sino ba ako para umasa at mag-ambisyon na magugustuhan nito? Sa itsura kong ito? I don't think any man would be interested in me. Not anyone. Even impossible to be Amadeus. Pagpasok ko ng banyo, nakita kong may t-shirt at boxer shorts na nakapatong sa may lavatory. Mayroon iyong kasamang sabon saka toothbrush. Para sa isang lalake, masasabi kong malinis at nasa ayos lahat ng mga gamit nito. Saka pakiramdam ko nasa tabi ko pa rin si Amadeus dahil sa amoy sa loob ng banyo. It smells just like him. Naging madali lamang ang paglilinis ko ng katawan. Ewan ko ba! Hindi ako mapakali saka kinakabahan pa rin ako. Alam naman ng utak ko kung ano ang tamang gawin at isipin pero sa tuwina na lamang ay nananaig ang madilim kong pinagdaanan. It just scares me a lot that it gives me nightmare every time. May mga pagkakataon ngang pati pagtulog ay kinatatakutan ko na sa takot hindi na ako magising sa bangungot na kinasasadlakan ko. "Hey!" Bahagya pa akong napaigtad dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ni Amadeus galing sa labas ng banyo. "W-why?" tanong ko. Mahigpit naman ang kapit ko sa door knob na para bang doon nakasalalay ang buhay ko. “May kailangan ka?” “No!" tugon nito. "Gusto ko lang sanang mag-apologize dahil wala akong maibigay na matinong damit sa’yo. But don’t worry, malinis naman ‘yang mga damit ko,” dagdag pa nito. “Nakisuyo na naman ako sa isang kaibigan ko na ibili ka. Hopefully, tumama sa size mo.” “It’s fine,” tugon ko. Pero sa totoo lang, hindi ako mapakali dahil wala akong suot na panloob. Okey lang ‘yong bra at magagawan ng paraan na itago ang kanyang dibdib ngunit ang pang-ibaba, hindi siya mapakali. “Okey,” anito. “Tapos ko na nga palang ayusin ang kabilang kwarto. Pwede ka ng mamahinga doon pagkatapos.” Binuksan ko ang pinto nang hindi na ito magsalita pa. Kwarto nga pala nito ang kanyang kinaroroonan. Malamang, gusto na nitong magpahinga pero heto siya, inaabala ito. “If you need anything, don’t hesitate to knock on my door,” dagdag pa nito pagkalabas niya. Tumango lang ako nilang tugon saka naglakad na ako palabas ng kwarto nito. Ang tuwalyang ginamit ko kanina ay ipinulupot ko sa magkabila kong balikat upang itago ang kanyang dibdib. Nahihiya ako dahil ramdam ko ang pagkabakat ng tuktok ng dibdib ko sa t-shirt na suot ko. God! Parang gusto kong kumaripas ng takbo habang dumadaan ako sa harapan nito. Pagkapasok ko sa kabilang kwarto, agad ko itong ini-lock saka nanaghihinang napasandal sa likod noon. Mahigpit ko ring kuyom ang aking kamao kung saan naroon ang panty ko na kinusot ko kanina. Panay ang hinga ko nang malalim. God! Bakit ba ang bilis ng t***k ng puso ko? Nang medyo kumalma na ako, agad akong sumampa sa kama. Gusto kong matulog ngunit ang diwa ko, kung saan-saan nakakarating. Nang humihip ang malakas na hangin, mabilis akong tumayo upang isara ang bintana. Akmang hahawiin ko ang kurtina ng mahagip ng aking paningin ang isang bulto ng tao na nakasandal sa isang poste ilang metro ang layo sa apartment ni Amadeus. Nakita ko pa itong nagbuga ng usok galing sa sigarilyo nito. I know, he was looking at my direction. I could feels his stares at me. Nasapo ko ang aking dibdib dahil sa sobrang takot, kasabay noon ay ang pagdaloy ng aking mga luha. Kahit anong kumbinse ko sa aking sarili na huwag magpadala sa takot…na kailangan kong magpakatatag pero hindi nakikisama ang aking katawan. Nagsimula na namang manginig ang buo kong katawan hanggang sa mapaupo ako sa sahig. I tried to get up but my knees was just too weak to do so. Pinilit kong gumapang palabas ng kwarto. Maski ang paghinga ko, pigil-pigil ko sa takot na baka marinig ako ng kung sinuman 'yon. Hindi ko rin magawang imulat ang aking mga mata. I was already out of breath when the door opened forcefully. Napasigaw ako dahil sa sobrang takot! Nakarinig ako ng mga nagmamadaling yabag palapit sa direksyon ko. Nang tangkain nitong hawakan ako, panay ang pagpupumiglas ko. No! Hindi maaari! Hindi ako pwedeng makuha ng lalakeng ‘yon! Ayaw ko pang mamatay! “Hey! Natasha….” I heard a soothing voice. And I like it. Gusto ko itong lapitan at hingan ng tulong. Ngunit paano? “That’s it! Breathe….” She heard him say. Mariin kong ikinapait ang aking kamay sa mga braso nito. Tears were streaming down my face. And it was becoming harder for me to breathe. I was on the verge of breaking down but that voice pulled me up. “You’re doing good…great. Breathe, Natasha,” dagdag pa ng boses na ‘yon. It gives me light. And for a moment, I wanted to cling unto that voice. “Are you okay now?” Amadeus? Bakit naroon ito? Binabangungot na naman ba siya?Ngunit paanong magiging bangungot ang lahat gayong ramdam na ramdam ko ang takot at panginginig ng buong katawan ko? Huminga ako nang malalim pagkatapos ay lakas loob kong idinilat ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Amadeus. “Okey ka lang ba, ha? Tell me…” pabulong nitong tanong. At dahil nakayuko ito at magkatapat ang aming mukha, ramdam ko ang mainit at mabango nitong hininga na tumatama sa aking mukha. For a moment, I was stunned to see him next to me. I wanted to hug him and tell him that I'm not okay but I don't have the courage to do so. I wanted to ask for help from him but I was too afraid. Panay ang pisil nito sa aking kamay, paulit-ulit din ang tanong nito kung okey lang ba ako. Isang tango lang ang naging tugon ko. Gusto kong magsalita ngunit natatakot ako na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsumbong at humingi ng tulong sa kanya. Unti-unti na sanang kumakalma ang buong sistema ko ng makita kong natigilan ito. Nakita ko pa kung paanong namula ang buong mukha nito. And then it dawned on me. Nakaupo ito sa sahig habang nakakandong ako rito at yakap-yakap nito. Ang aming mukha ay magkalapit, ilang pulgada lamang ang distansya sa isa’t isa. But what freaks me out the most was that pulsating thing poking at my butt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD