Mabilis akong napaigtad palayo rito. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mga nito. Bakit ba naman kasi umabot sila sa ganoong posisyon? At isa pa, bakit ba naka-boxer shorts lang ito? Diyos ko! Hindi ko man nakikita ang alaga nito, ramdam ko naman ang laki nito!
“I’m sorry,” he said in a deep and sound voice. He sound apologetic, too. “Narinig ko lang kasi ang pagtawag at paghingi mo ng tulong kaya pumasok ako. Ilang beses ko ring tinawag ang pangalan mo pero wala akong nakuhang tugon mula sa’yo. And besides, you were begging for help.”
Panay ang paliwanag nito ngunit wala doon ang isip ko. Halo-halo na rin ang nararamdaman ko ng mga oras na ‘yon. Takot at kaba. Pati ang puso ko, sobrang bilis ng t***k!
“O-okey lang,” nautal pa ako ng magsalita. “Naiintindihan ko.”
Hindi tuloy ako makatingin nang tuwid dito. Bakit ba naman kasi naramdaman niya ‘yon?
I tried to act normal then look at him.
“I-I saw s-someone,” I said. And just by remembering that man, fear started to consume me again.
Nakita ko kung paanong nagbago ang itsura ni Amadeus. Kung kanina ay pag-aalala ang nasa mukha nito, ngayon ang iba na ang awra nito. His eyebrows knitted and for a split second, I saw rage in his eyes. It was so brief but I definitely saw it.
“I know,” tugon nito. Pagkatapos ay saglit itong lumabas ng kwarto ngunit agad din namang nagbalik. This time, disente na ang itsura nito.
Lumapit ito sa may bintana, hinawi pasara ang kurtina saka ito lumingon sa gawi ko.
“Kaya rin ako nagmamadaling nagtungo rito sa kwarto mo dahil kanina ko pa napansin ang lalakeng ‘yon. I thought, isa lang siyang by stander ngunit ng tingnan ko sa cctv camera, makailang beses na siyang pabalik-balik,” paliwanag nito. “Kung sino man siya, wala akong pakialam. Maaari siyang sumubok na pumasok dito pero sisiguraduhin ko naman na pagsisisihan niya ang kanyang gagawin.”
Lalo akong hindi mapakali. Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko, pakiramdam ko anumang sandali ay lalabas na ito. Bakit ba kasi ang hina ko? Bakit ba kasi mas nangingibabaw ang takot ko kaysa sa kagustuhan kong maging palaban? Bakit ba sa tuwina ay naduduwag ako? Paano ko ba babawiin ang lahat ng meron ako kung ganito ako kahina? Hanggang dito lang ba ang kaya ko?
Paano ko rin ipaglalaban at bibigyan ng hustisya ang mga magulang ko kung sarili ko nga hindi ko magawang ipagtanggol? Paano kung dumating ang panahon na masukol ako at mahanap ng mga gustong pumatay sa akin? Basta-basta na lang ba akong susuko?
Napayuko ako. Kasunod noon ay ang pagtulo ng aking mga luha. Natatakot ako. Sobra. Pagod na rin ako. And right now, I’m in a hopeless situation where I wanted someone to help me but I’m afraid to do so. Baka kasi sa huli, malaman kong nagkamali pala ako ng taong pinagkatiwalaan.
Naramdaman ko ang paglapit ni Amadeus sa akin. Hinawakan nito ang aking kamay saka marahan akong hinila paupo sa gilid ng kama. Nanatili lang akong nakayuko habang umiiyak.
Nakita kong lumuhod si Amadeus sa may harapan ko. Hawak pa rin nito ang kamay ko.
“Can I see it?”
Nag-angat ako ng tingin. Panay ang iling ko. Magmula nang masunog ang kalahati ng mukha ko, ni isa wala akong pinayagan na makita ang mukha ko. Oo, may mga pagkakataong nalalantad ang mukha ko sa iba iyon ay dahil sa kagagawan ng ibang tao na walang magawa at gusto lang akong ipagpakababa. Pero iyong ipagpapaalam sa akin na makita ang mukha ko, never pang nangyari. At hindi ko rin kayang makita ang takot at pandidiri sa mga mata ng taong ‘yon.
“Bakit? Ano ba ang rason mo at gusto mong makita ang mukha ko?” Naroon ang pait sa bawat salita ko. Ang nakatagong parteng ‘yon ng aking mukha ang nagpapaalala sa akin sa bawat sakit at hirap na pinagdaanan ko. What does it do to him?
“Gusto ko lang makita kung gaano kasama ang nakatago sa likod ng bandanang ‘yan!” asik nito. Nakita ko pa kung paano maggalawan ang panga nito, sa inis marahil siguro sa akin. “Yon ba ang gusto mong marinig? Ha? ‘Yon ba? Kasi kahit sabihin kong okey lang kung anuman ang itsura mo, hindi ka maniniwala-”
Naputol ang kung ano pang sasabihin nito ng bigla kong hilahin ang bandanang nakatabing sa aking pisngi.
Natigilan ito, titig na titig sa mukha kong may bahid ng pagkasunog. Pero hindi ko malaman kung ano ang nararamdaman nito ng mga oras na ‘yon. He just remains calm as he stares at me.
Habang nakatitig siya sa mukha ko, gusto kong bumuka ang lupa at lamunin na ako. Ayokong makarining ng mga masasakit na salita galing dito. Ngunit ilang minuto na ang nakakaaraan ngunit wala akong narining na kahit anong salita galing dito.
“Huwag mo akong titigan nang ganyan,” I whispered, half annoyed. “Why are you doing this? Are you making fun of me?”
Umiling ito.
“Hindi. Gusto ko lang makita mismo ang mukha mo at ma-justify ko kung bakit masyado mong ibinababa ang sarili mo,” anito habang matiim ang mga titig sa akin. “Ayaw mong pandirihan ka ng ibang tao ngunit ‘yon ang ginagawa mo sa sarili mo. You’re pulling yourself down. Pero sana nari-realize mong walang mangyayari sa buhay mo kung maski ang sarili mo, hindi mo alam dalhin. Uunahin mo pa ba ang takot mo above everything? Paano kung nakapasok ang taong ‘yon dito tapos ikaw lang mag-isa? Anong gagawin mo, iiyak? Tatakbo? Magtatago?”
“Tumigil ka!” hiyaw ko. Kung nakamamatay lang siguro ang kanyang mga tingin, kanina pa ito bumulagta. “Madali lang para sa’yo na sabihin ang lahat kasi wala ka sa posisyon ko! Hindi mo pinagdaanan ang mga pinagdaanan ko! At pasensya na dahil hindi ako kasing tapang at kasing lakas mo!”
Bumuka ang bibig nito, akmang may sasabihin. Ngunit sa huli, hindi rin ito nagsalita. Pagkatapos ay tumayo ito at nagtungo sa may bintana. Sumandal doon habang nakatanaw sa labas.
“Just sleep,” anito. Lumingon ito sa akin, tinitigan ulit ako. “Dito lang ako hanggang sa makatulog ka ulit.”
Ayaw ko muna ng argumento pa. Napapagod na ‘ko.
Maingat akong nahiga sa kama habang ito naman, nakatalikod sa akin at animo nagmamatiyag sa labas. Ang presensiya nito ay naghahatid ng kapayapaan sa akin. Ipinikit ko ang aking mga mata ay hinayaan ko ang aking sarili na panandaliang makaramdam ng kapayapaan. Kahit sandali man lang ay maramdaman kung hindi ako nag-iisa.
Antok na antok na ang mga mata ko pero ang diwa ko, gising pa rin kaya ramdam ko ang marahang paglapit ni Amadeus.
A sigh escaped from him then I felt his hands fixing my hair, then he whispered, “Good night, Natasha.”
Ang buong akala ko, aalis na ito ngunit hindi. Lakas loob kong idinilat ang aking mga mata upang makita ang ginagawa nito.
Nakaupo ito sa sahig, nakatalikod sa akin at nakasandal sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Nakayuko ito. Agad ko namang ipinikit ang aking mga mata sa kaba na baka mahuli ako nitong nakatitig dito.
“Naiintindihan ko kung bakit ka nahihirapang magtiwala sa ibang tao,” panimula nito. Kahit pabulong lamang ang boses nito, rinig na rinig ko ito. “Pero sana naiintindihan mo rin ang punto ko. Hindi ko man naranasan ang paghihirap mo pero naiintindihan ko. Sa tingin mo, ilang kaso na ba ng mga babaeng katulad mo ang nasaksihan ko? Ilang babae na ba ang nagreklamo at nanghingi ng tulong sa aming mga kapulisan? Most especially sa women's desk.
“Ayaw mo na kinaaawaan kita pero anong magagawa ko kung ‘yon ang nararamdaman ko para sa ‘yo? But don’t get me wrong. Hindi kita dina-down o kung ano pa man. Ang awang nararamdaman ko para sa’yo ay hindi para ipamukha sa’yo o isumbat kung gaano ka kahina. Sa totoo lang, gusto kitang tulungan na bumangon. Gusto kitang tulungan na lumaban pero anong magagawa ko kung ayaw mo namang tanggapin ang tulong ko? Alam ko na napakadali lang para sa akin na sabihin sa’yong maging malakas ka. Na kahit masakit at mahirap, kailangan mong tanggapin ang nakaraan upang makapagpatuloy ka sa hinaharap. Help yourself, please….at kung sakaling mangailangan ka ng tulong, isang tawag mo lang darating ako.”
Sobrang sakit ng lalamunan ko sa kapipigil na huwag mapabulalas ng iyak. Sana kasi, dumating ito sa mga panahong kaya ko pang ibigay nang buo ang aking tiwala sa iba. Baka sakaling kahit paano ay nagkaroon ako ng tapang na harapin at paglabanan ang madilim na mundong kinasasadlakan ko ngayon.
Sa huli, hindi ko rin napigilan ang aking mga hikbi. Akala ko, aalis na ito subalit nanatili itong nakaupo sa tabi ko. Wala man akong narinig mula sa kanya, sapat na ang presensiya nito upang kumalma ako at maging payapa. Dahil ng mga oras na iyon, iyon ang kailangan ko. Someone who will be at my side without the need to question me or my decisions.
At umaasa siyang si Amadeus ang taong ‘yon.