Chapter Two

1415 Words
Buong akala ko, sa presinto ang magiging huli naming pagkikita ng Amadeus na 'yon. Pero hindi ko alam kung nagkataon lang ba o sadyang pinaglalapit kami ng tadhana. Nang gabi kasing iyon habang naglalakad ako pauwi sa kwartong inuupahan ko, bigla na lang akong nagulat dahil sa malakas na busina galing sa isang motor. Lakad-takbo ang aking ginawa sa pag-aakalang may masamang balak sa akin ang taong nakasakay rito. Tuluyan na lang akong napatili ng humarang ang motor sa daraanan ko. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa sobrang takot. Hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Huwag po! Maawa na po kayo sa akin," sambit ko sa nanginginig na boses. Hindi ko rin magawang pagmasdan kung sino ang nasa harapan ko. "Miss Natasha, are you okay?" Bigla akong nag-angat ng mukha ng marinig ang pamilyar na boses. Sa isang saglit, lahat ng takot na naramdaman ko kanina, unti-unti ng nawawala. Pero ang panginginig ng buong katawan ko, nararamdaman ko pa rin hanggang ngayon. Nang medyo kumalma ang pakiramdam ko, animo mga punyal ang mga tingin ko rito. "Gusto mo ba akong patayin sa takot, Mister Le Pierre?" Hindi ko napigilan ang boses ko sa pagtaas. "I'm sorry. Nabigla yata kita. But please, you can just call me by my first name. Naasiwa ako kapag tinatawag mo akong Mister Le Pierre o kaya sir," anito. Sakay pa rin ito ng motorsiklo nito habang ang helmet nito ay hawak na ng kanan nitong kamay. Panay din ang linga nito sa paligid. "Hindi ka ba natatakot maglakad mag-isa?" Napataas ang kilay ko ng marinig ang sinabi nito. "Nabigla? God! I was so scared!" Agad naman itong nanghingi ng paumanhin. Napansin siguro na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin sa takot ang buo kong katawan. "It's not safe for you to roam around at this hour," sambit nito. "Saan ka ba dito? Ihahatid na kita." Mabilis akong umiling. Saka pasimple kong tiningnan ang motor nito. Parang hindi ko kayang sumakay. Sa apat nga ang gulong, may takot na akong sumakay. Motor pa kaya nito na dalawa lang ang gulong? Anytime ay pwedeng matumba? "Hindi na po, sir," tanggi ko. Hindi ko talaga kaya. "Sige po. Mauuna na ako." Buong akala ko, aalis na ito ngunit nanatili itong nakasunod. Wari bang sinisigurado nito na maayos akong makakarating sa apartment ko. Sinubukan kong gawing normal ang mga lakad ko pero hindi talaga ako mapakali sa kaalamang nakasunod ito sa akin. Sa huli, hindi rin ako nakatiis. Tumigil ako sa paglalakad saka hinarap ulit ito. Subalit nagpatay-malisya lang ito. kunwari abala sa pag-oobserba sa paligid. Huminga ako nang malalim saka nagpatuloy ulit sa paglalakad. Pero naiinis talaga ako, eh! "Hindi mo na ako kailangang sundan, sir," mahinahon kong sambit. "Kaya ko ang sarili ko." Nagkibit-balikat lang ito. Saka ulit ako nagpatuloy sa paglalakad, this time, ramdam ko na hindi na siya nakasunod sa akin. Sabagay, tanaw ko na rin naman ang apartment ko. Hanggang sa makarating ako sa tinutuluyan ko, ramdam kong hindi na siya nakasunod sa akin. Ngunit bago ako tuluyan pumasok, saglit akong tumingin sa kalayuan. Binigyan lang pala nito ng distansya ang pagitan naming dalawa subalit nakasunod pa rin ito sa akin hanggang sa makarating ako sa aking apartment. Sumaludo pa ito bago ito tuluyang umalis. Agad ko namang isinarado ang pinto ng mawala ito sa aking paningin. Pakiramdam ko kasi, parang may nakatingin sa akin mula sa di-kalayuan. O, baka praning na naman ako? Sa huli, nagdasal na lang ako na sana, mali ang pakiramdam ko. Nagpalit lang ako ng damit at hindi na nag-abala pang kumain. Busog pa rin naman ako kasi nagpakain ang boss nila kanina. Birthday kasi nito. And she really wishes him well for being good with people. Agad naman akong nakaramdam ng kaginhawahan ng lumapat ang likod ko sa kutson. Kung mayroon man akong nilo-look forward pagkatapos ng trabaho ko, iyon ay ang oras ko ng pamamahinga sa gabi. I just love laying down on the soft mattress as I hug my pillows tight. It gives me comfort. Hindi ko na rin naman namalayan na nakatulog na ako habang ninanamnam ang bango at lambot ng higaan ko. Subalit nagambala ang mahimbing kong pagkakatulog ng malanghap kong tila may naaamoy akong usok. Agad akong napadilat, kasunod noon ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko ng makitang makapal na ang usok na nakapaloob sa apartment ko. The scene was very familiar. Even the smoke, the fire, everything is very familiar. Maya-maya lamang ay nagsimula na akong pangapusan ng hininga. Mabilis akong napabalikwas ng bangon upang lumabas ng kwarto ko ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas, agad na akong dinalahit ng sunod-sunod na pag-ubo. Nahihirapan na rin akong huminga saka nanlalabo na rin ang aking paningin. Tuluyan ng nanlabo ang aking paningin bago pa man ako makalabas sa aking maliit na kwarto. "T-tulong," namamaos kong sambit. Tinangka kong gumapang patungo sa may pinto ngunit hindi na talaga kaya ng katawan ko. "T-tulungan niyo k-ko...parang a-awa n-niyo na..." Kasabay ng panghihina ng aking katawan ay ang tuluyang panlalabo ng aking paningin. Hindi ko alam kung bakit sa bigla na lamang sumagi sa aking isipan ang mukha ng police officer na iyon. Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, may isang matipuno at matitigas na brasong bumuhat sa aking katawan. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o talaga si Mister Le Pierre ang may buhat-buhat sa akin. "Miss Natasha! Hey!" Ramdam ko ang mahina nitong pagtampal sa pisngi ko at ang marahan nitong pagyugyog sa katawan ko. Nahiwatigan ko rin ang pagkataranta sa boses nito. "Oh common! Hey, look at me!" "A-amadeus," sambit ko sa pangalan nito. "Goddamit, Natasha!" bulalas nito na tila ba nahihirapan. "T-thank you for coming," naluluhang sambit. I also felt the urge to encircle my arms around his neck. I want to feel him. I wanted to make sure that he's there. That he's there to help her. Pero marahil ay naramdaman nito ang aking takot kaya ito na kusang yumakap sa akin habang panay ang hagod ng palad nito sa kanyang likod. Paulit-ulit din nitong sinasabi na magiging okey din ang lahat. "Dito ka lang," sambit nito. He gives her a reassuring smile before he left. Nakita kong kinausap nito ang bumbero pagkatapos ay nilapitan nito ang isang nurse. Tumingin sa direksyon ko ang nurse saka naglakad palapit sa akin. "Ma'am, okey lang po ba kayo? Check ko lang po kayo, ha?" Tumango lang ako bilang tugon. Then the nurse check all my vital signs tapos ngumiti ito ng masigurong ayos lang ako. Nang matapos ay agad itong nagpaalam sa akin. Habang ako, titig na titg sa apartment kong tuluyang tinupok ng apoy. Naapula na naman ang sunog ngunit palaisipan pa kung bakit nagkaroon ng apoy sa apartment ko. Isa lang naman ang pinaghihinalaan kong may kagagawan ng lahat ngunit wala akong ebidensya na maaaring magturo sa kanila. Nakakatakot lang isipin na hanggang dito ay nagawa nila akong masundan. Nang sulyapan ko si Amadeus, abala pa rin ito sa pakikipag-usap sa mga kasamahan nitong pulis. Seryoso ang mukha nito na maski ako ay nai-intimidate sa itsura at tindig nito. Sa hula ko ay nasa anim na talampakan o higit pa ang tangkad nito tapos nakasuot pa ito ng uniporme nito kaya't sino ba ang hindi mangingilag dito? Saglit itong tumingin sa aking direksyon. Seryoso ang ekspresyon ng mukha. Maya-maya ay naglalakad na ulit ito pabalik sa aking kinaroroonan. "Sigurado bang okey ka lang? Wala bang masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong nito sa akin. "I'm okay," mahinang tugon ko. "Pero ano ba ang sabi ng mga pulis?' "They're still investigating. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi kami titigil hangga't hindi namin nalalaman kung ano ang sanhi ng sunog," paliwanag nito. "But for now, you need to rest." Hindi ako makasagot. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko at gagawin ko. It was almost midnight and I don't know if where should I go. Walang natira sa akin kundi ang suot kong damit. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin bakit ako pumayag na sumama sa apartment nito. Wala akong imik habang nasa loob ng kotse nito at binabagtas namin ang daan papunta sa lugar nito. Kinakabahan ako pero wala akong magagawa kundi kumapit at magtiwala rito. And that night, I open my heart again. Kahit natatakot ako, nagtiwala ako sa sinabi nitong tutulungan ako nito. And yes, I will trust him. Only him. After all, he's a police officer, right?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD