Chapter Five

1805 Words
Nang magising ako kinabukasan, pilit kong inalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Nilingon ko ang pwesto kung saan banda nakaupo si Amadeus kagabi. There were no traces of him being there but I know he didn’t leave my side until I fell asleep last night. Magaan ang pakiramdam ko ng bumangon nang umagang ‘yon. I was about to go outside to look for Amadeus when something caught my attention.  Isang paper bag na nakapatong sa ibabaw ng bedside tale. May note na nakaipit doon. Kinuha ko iyon at binasa.  I had an emergency at work. Nagluto na rin ako ng almusal. And by the way, may mga bagong damit diyan sa paper bag. Hope it’ll fit your size.  Tiningnan ko ang laman ng paper bag. Natuwa ako ng makitang leggings at t-shirt ang nasa loob noon. Pero halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ang ilang piraso ng lace underwear sa pinakailalim ng bag! God! If she wears those underwear, it may feel and look like she’s not wearing them at all! At isa pa, mukhang hindi noon matatabunan ang kanyang private part!  Hanggang sa matapos akong mag-almusal, laman pa rin ng isipan ko ang mga lacy underwear na ‘yon! Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng kung sinumang bumili noon at gano’n klase ang pinili? Ngunit wala akong choice kundi gamitin iyon kaysa naman wala akong panty! Tanghali na nang maisipan kong lumabas. Kailangan kong maghanap ng bago kong lilipat. Ayoko namang maging pabigat at alalahanin pa ako ni Amadeus. Mabuti na lang at na-recover ng mga pulis ang ilan sa mga gamit ko bago pa man tuluyang lamunin ng apoy ang buong apartment ko. Pero higit sa lahat, ipinagpapasalamat kong nakuha ni Amadeus ang kulay gray kong bag kung saan laman noon ang mga papel ko as Natasha Mijares, bente dos anyos at galing ng Olongapo at hindi si Natasha na tagapagmana ng isang construction business. Kinailangan kong itago ang tunay kong katauhan upang hindi ako masundan ng mga taong gustong pumatay sa akin. Maski ang aking itsura, binago ko rin. Ang dating itim at hanggang balikat kong buhok, paminsan-minsan ay pinakukulayan. Maski ang mga mata ko  na natural na ang pagka-brown ay itinago ko sa pamamagitan ng pagsuot ng contact lense sa takot na makilala ang dating ako. May mga bagay lang talaga na nahihirapan akong gawin at kalimutan katulad ng kung paano ang kumilos at magsalita. Ipinanganak ako sa isang marangyang pamilya at graduate ng kursong  Business Administration sa isang kinikilalang unibersidad sa bansa ngunit kinailangan kong magpanggap na mangmang at salat sa karangyaan. Ginawa ko ang lahat nang ‘yon sa pag-aakalang makakatulong iyon upang malaya akong makakakilos habang inaalam at naghahanap ng ebidensya sa laban sa mga taong nanakit sa akin. Ngunit ang panlabas na paghahanda ko ay walang patutunguhan kung sarili ko mismo, alam kong hindi pa handa.   Isang mahabang buntung-hininga ang aking pinakawalan. Ke aga-aga, down at nalulungkot na agad ako.  Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa aking mga labi ng mapagmasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Ang peklat sa kaliwang bahagi ng mukha ko ang nagpapaalala na may mga taong kayang gawin ang lahat makuha lamang ang gusto nila. Pinalaki ako ng mga magulang ko sa paniniwala sa Diyos at sa natural an kabutihang taglay ng tao. Ngunit lahat nang ‘yon, nagbago ng maranasan ko ang kalupitan, hindi ng ibang tao kundi ng mga taong pinagkatiwalaan ko at itinuring na pamilya.  Hanggang ngayon, sariwa pa sa aking isipan ang mukha ni Michael at Gleenie habang nakatitig sa nasusunog na bahay na akala ng mga ito ay naroon ako. Mabuti na lang dahil bago pa man ako tuluyang matupok kasama ng bahay na ‘yon, may isang taong nagsalba sa akin. Kung sinuman ‘yon, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa akin. Napatitig ako sa mga kamay kong nag-uumpisa na namang mangatog. Fear starts to consume me again.  Gano’n na lang ba palagi? Na sa tuwing naaalala ko ang nakaraan, kasunod noon ay ang takot at kagustuhang lumayo at magtago? Paano ako maghihiganti sa mga taong nanakit sa akin kung mas nauunang manaig ang takot?  Sinubukan kong ihakbang ang aking mga paa ngunit kahit anong utos ng isipan ko na ihakbang ito, nanatili pa rin ako sa aking kinatatayuan. I didn’t move even an inch! Sinubukan ko ulit pero wala talaga…mas nauna pang malaglag ang aking mga luha na kahit anong pigil ko na huwag umiyak, tila ba may sariling isip ang aking mga luha na kusa na iyong pumapatak.  Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, pilit itinataboy ang alaala nang gabing ‘yon. Huminga ako nang malalim umaasang mapapawi noon ang aking mga takot. Ngunit sadyang malakas ang sakit at pait na aking nararamdaman na hindi ko na kayang pigilin ang aking mga hikbi. Hikbing kalaunan ay naging malakas na pag-iyak. Gusto kong sumigaw ngunit kahit anong buka ng aking bibig, walang lumalabas na na boses galing dito. Ang tangi kong nararamdaman ay pananakit ng lalamunan! “Umayos ka! Natasha, wake up!” sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan. Ni hindi ko na namalayan na marahas ko na pa lang sinasampal ang aking sarili upang matauhan at makapag-isip nang matino. Wala akong magagawa kundi gawin ang bagay na ito dahil sa ganoong paraan ko lamang naibabalik sa katinuan ang aking isipan.  Nanlambot ang aking mga tuhod. Maya-maya pa ay nanghihinang napa-upo ako sahig. Pagkatapos noon ay hinayaan kong ilabas ko ang lahat ng sama ng loob at galit na nararamdaman ko. Malakas akong umiiyak na kung sinuman ang makakarinig nito, malalaman mo kung gaano kasakit at kahirap ang pinagdadaanan ko. The pain was just too much to handle pero kakatwang nananatili pa rin akong nakatayo at kumakapit sa maliit na porsyento ng aking katinuan. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak at nang mahimasmasan ako, sinubukan kong tumayo at pakalmahin ang aking sarili.  Tumayo ako sa harap ng salamin, inayos ko ang pagkakalagay ng bandana sa aking pisngi. Nang masigurong okey na ang kanyang itsura, saka lang ako lumabas ng kwarto. Tiningnan ko ang inilutong breakfast ni Amadeus.  Heat me. Nabasa niya sa isang note na nakaipit sa ilalim ng plato. Sinangag saka itlog at tapa ang naroon. Agad ko na iyong kinain, hindi na ako nag-abalang initin pa ang niluto nito. Agad akong umalis pagkatapos kong kumain. Kailangan kong maghanap ng malilipatan ko. Mas okey kung malapit sa restaurant na pinagtratrabahuhan ko. Ayaw ko namang abalahin palagi si Amadeus.  Nakailang bahay at apartment na akong nakita pero hindi niya kakayanin ang renta sa loob ng isang buwan kung ang pagbabasehan ay ang sahod niya. Maswerte lang ako noon dahil nakahanap ako ng apartment na mura at mabait ang may-ari.  Wala ako sa aking sarili ng parahin ko ang jeep na aking sinasakyan. Sa ngayon, tikom ang bibig ko habang nakatingin sa mga dikit-dikit na bahay na yari sa plywood.  Kayanin ko kayang tumira sa ganoong lugar? Sa magkabila ay mayroon talipapa kung saan samu’t sari ang itinitinda habang sa bandang dulo, tanaw ko ang mga bahay na hindi ko lubos akalain na titirhan ko. Isang buntung-hininga ang aking pinakawalan, pilit nilalakasan ng aking loob habang naglalakad papasok sa kantong ‘yon. Ramdam ko ang mga titig ng mga taong nadaraanan ko. Sa gilid ng aking mga mata, pilit kong tinitingnan at pinag-aaralan ang nasa paligid ko. Pakiramdam ko kasi, palaging may nakasunod sa akin. Naging malikot ang aking mga mata, kasunod noon ay ang pagsibol ng kaba sa aking dibdib. Saglit akong lumingon at mas lalo lang akong kinabahan ng makita ang isang lalake na magmula nang pumasok ako sa kantong ‘yon, nasa likod na.  Malakas akong napasigaw ng bigla nitong pigilan ang aking kamay.  “Ano ka ba naman, miss!” hiyaw nito nang paghahampasin ko ito ng dala kong backpack Panay ang ilag at salag nito.  Napatigil naman ako ng makitang nasa amin na ang atensyon ng ibang tao.  “Narinig ko lang naman na naghahanap ka ng malilipatan mo kaya kita sinusundan,” anito. “Kanina ko pa kinukuha ang pansin mo ngunit hindi mo yata ako marinig kaya kita sinundan.”  Iiling-iling ito habang nakatingin sa akin.  Panay naman ang layo ko rito. Naroon pa rin kasi ang kaba at takot niya. Akala niya kung sino na.  “Doon ka magtanong sa kulay maroon na gate,” sambit nito sabay turo sa tinuturo nitong gate. “Mabait ang mag-asawang may-ari noon at mura ang upa doon. Alam ko may bakante roon.” Pagkatapos ay tumalikod na ito sa kanya. Ngunit bago ito tuluyang makalayo, lumingon ulit ito sa gawi ko.  “Payo lang, miss,” anito. “Huwag kang tatanga-tanga . Malupit ang mundo at ang mga kagaya mong takot at mahina ang kadalasang biktima.” “At sino ka para sabihan ako nang ganyan?” Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para tanungin ito.  Nakita ko ang pagsilay ng ngisi sa mga labi nito. Saka siya nito tiningnan mula ulo hanggang paa.  “Miss, kahit hindi mo sabihin, nagsusumigaw sa takot at pagkabalisa ang itsura mo! Kung ayaw mong maging biktima, natuto kang kumilatis ng tao. Matuto kang makipaglaro sa kalakaran ng mundo.” Hindi ko na ito pinansin, bagkus ay naglakad ako palayo rito.  “Huwag mong sabihing hindi kita binigyan ng babala,” pahabol pa nito.  Ni hindi na niya ito nilingon. At sino ba ito sa tingin nito?  Sa huli, pinuntahan ko din naman ang itinuturong paupahan nito. So far, okey naman ang napuntahan niya. May isang kwarto tapos ang receiving at kitchen area ay iisa lang. Pwede na para sa katulad niyang nag-iisa. Kaya na sana sa budget ngunit hindi ako kampante sa lugar.  Sa huli, bigo akong makahanap ng lugar na pwede kong lipatan. Hopefully bukas ay may makita siya.  Sa kahahanap kong pwedeng malipatan, hindi ko napansin na magdidilim na pala. Dumagdag pa ang traffic sa aking kalbaryo. Nang makabalik ako sa apartment ni Amadeus, ilang minuto na lang ay alas otso na. Nakita kong pabalik-balik ang lakad nito, hindi mapakali. Subalit agad itong napatigil nang makitang papalapit na ako.  Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa akin.  “Hindi ko alam kung nagpapanggap ka lang bang takot at mahina, eh,” panimula nito. “Kasi kung pagbabasehan ang iyak at takot mo kagabi, napapaniwala mo akong takot ka at may gustong manakit sa’yo. Ngunit para sa isang babaeng takot, nagawa mo pa talagang umuwi nang ganito kagabi?” Napaawang ang aking mga labi. Hindi ko magawang sagutin ang mga paratang nito.  “Takot ka bang talaga? O, naghahanap ka lang ng lalakeng masisilo mo?” Bago pa man ako makapagsalita ng kung ano, marahas akong nahila nito saka sabay kaming napahiga sa lupa. Kasunod noon ay ang magkakasunod na putok ng baril ang aking narinig.            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD