“Damn it!” narinig kong sambit ni Amadeus. Mabilis itong nakatayo, balak habulin ang lalakeng nagpaulan ng bala sa kanila ngunit mabilis kong nahawakan nang dulo ng suot nitong t-shirt upang pigilan ang tangka nitong pag-alis.
Kitang-kita ko ang pagpipigil nito ng galit dahil sa pamumula ng buong mukha nito. Mahigpit din ang hawak nito sa baril nito. Kahit ako, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot habang nakikita ang itsura nito.
“Pumasok ka na sa loob!” utos nito sa kanya. Sa lakas ng boses nito, hindi ko napigilang hindi mapatakbo papasok. At isa pa, hanggang ngayon, abnormal pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa nangyari kanina.
Paano na lang kung hindi ako nito nahila? Sa dami ng narinig kong putok ng baril, siguradong tatamaan akong tatamaan ako. Mabuti na lang at nahila ako ni Amadeus pero paano na lang kung hindi?
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili nang maramdaman ko ang pagbalot ng takot sa buong sistema ko. Hindi pwedeng ganito na lang palagi. Na sa tuwing may mangyayaring hindi maganda ay tinatalo na agad ako ng takot.
Napalingon ako kay Amadeus nang pumasok ito. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha nito habang may kausap sa cellphone nito.
“Gusto ko nang magandang balita bukas, Diaz,” sambit nito. Nakatalikod ito sa akin kaya kitang-kita ko ang magandang hubog ng katawan nito. And he looks authoritative and mighty in that state. “And, please, i-check mo lahat ng mga cctv camera’s paikot ng bahay ko. Gusto kong malaman kung sino ang lalakeng ‘yon na nangahas na paulanan ng bala ang bahay ko! Understood?”
Agad iotng lumingon sa akin ng matapos ang tawag nito.
“Are you alright? Nasaktan ka ba?” magkasunod nitong tanong. Hindi tuloy ako mapakali dahil sa paraan ng mga titig nito sa akin.
Mukhang nakahinga naman ito nang malalim ng umiling ako.
“May sugat ka…” sambit ko ng mpanasin ko ang gasgas nito sa may siko nito.
“Wala ‘to,” pambabalewala nito sa akin. Pagkatapos ay naglakad na ito papunta sa kusina saka naghain ito ng pagkain sa mesa. “Sabayan mo akong kumain.”
Nanatili itong nakatayo, nakatingin sa direksyon ko. Wala akong nagawa kundi ang lumapit dito dahil mukhang wala itong balak na kumain mag-isa. The fact na hindi man lang ako nito tinanong kung kumain na ba ako at basta na lang akong sinabihan na sabayan itong kumain!
“Nakahanap ka na ng malilipatan mo?” tanong nito nang kumakain na sila.
Umiling ako. “Medyo may kamahalan ang mga napuntahan ko. Kung meron mang mura, sa tingin ko parang hindi safe na tumira doon.”
“Sabi ko naman sa’yo, pwede kang mag-stay rito hangga’t wala kang malilipatan. And besides, madalas namang wala ako rito dahil sa trabaho ko.”
Napatigil ako sa aking pagsubo. Mariin ko itong tinitigan.
“Bakit mo ‘to ginagawa, Lieutenant?”
Ito naman ang napatigil sa pagkain, saka nito sinalubong ang aking mga tingin.
“Kung sasabihin kong gusto kita, maniniwala ka ba?”
Napangiti ako, pero kalaunan ang mga ngiting ‘yon ay naging mga halakhak. I was laughing to my heart's content then I stopped and looked at him.
“Ang galing mo rin palang magpatawa, Lieutenant,” sambit ko. “So, ini-expect mo talagang maniniwala ako diyan sa sinasabi mo? Titigan mo nga ako-”
“Kanina pa ‘di ba?” putol nito sa sinasabi ko. Parang hindi man lang ito kumukurap habang nakatitig sa akin.
Mahigpit na kumuyom ang magkabila kong kamao na nakapatong sa hita ko sa ilalim ng mesa. Mapakla akong napangiti rito. “Sa tingin mo maniniwala ako sa kalokohan mo? Aaminin kong mahina ako pero hindi naman ako gano’n katanga para basta na lang magpadala sa mga sinasabi mo. Sa gandang lalake mo, marami kang babaeng pwedeng pagpilian. At sigurado akong hindi ka nila matatanggihan.”
“Pero tinatanggihan mong paniwalaan na gusto kita?”
“Dahil alam nating hindi totoo ang sinasabi mo!” Hindi ko na nakontrol ang pagtaas ng boses ko. “Look, alam kong malaki ang utang na loob ko sa’yo pero huwag mo naman akong singilin sa ganitong paraan!”
“Nari-realize mo ba kung gaano ka kaganda ngayon?”
Kung kanina puno ng takot ang dibdib ko, ngayon galit na ang naroon. Galit dahil alam kong pinaglalaruan lamang ni Amadeus ang nararamdaman ko. At habang nakikita ko ang mga pigil nitong ngiti, gusto kong hambalusin ng plato ang mukha nito.
“Kung nakamamatay lang ang mga tingin mo, malamang kanina pa ako pinaglalamayan,” anito. Naroon pa rin ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa akin. “Pero mas gugustuhin ko ng makita ang galit mo sa akin kaysa sa takot na palagi kong nakikita sa mga mata mo.”
Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko. I just stared at him as he continued eating.
“Kumain ka na,” sambit nito. Nakatingin ito sa kinakain nito kaya hindi ko makita ang emosyon sa mukha nito. “Alam kong magandang lalake ako, pero minsan, hindi rin nakakabusog ang kagwapuhan ko.”
At sa unang beses, napatulala ako ng makita ko ang pagngiti nito. Aminin ko man kasi o hindi, batid kong unti-unti ko ng binubuksan ang sarili ko para sa taong ito. Natatakot pa rin ako na baka mali ang maging desisyon ko pero kahit mahirap, gagawin ko.
Pinandilatan lang ako nito ng mahuli akong nakatitig dito. Tapos ay kumain na ulit ito na para bang wala itong sinabing kabulastugan.
Mabuti na lang at hindi na ito nagsalita pang muli. Pero sa manaka-naka kong pagsulyap dito, hindi ko mapigilang hindi mapailing dahil sa kalokohang taglay nito.
Siya na ang nagligpit at naghugas ng kanilang pinagkainan kahit pa pinipigilan siya nito. Pagkatapos ay sinundan niya ito sa sala upang gamutin ang gasgas sa siko nito dahil sa pagliligtas nito sa kanya.
“Hindi mo naman kailangang gamutin pa. Mas malala pa rito ang naranasan ko pero hindi naman ako namatay–Ay!” hiyaw nito ng diinan ko ng bulak ang sugat nito.
Pigil-pigil ko ang aking mga ngiti ng makita kong matalim ang mga titig nito sa akin.
“Alkohol lang ‘to,” sambit ko. “Hindi mo ito ikamamatay!”
“Hindi ko nga ikamamatay ang mga sugat ko pero hindi naman ibig sabihin no’n na hindi na ako makakaramdam ng sakit at hapdi!”
“Okay…I’m sorry.”
Hindi pa man ako tapos sa paglilinis ng sugat nito, agad na itong umalis sa tabi ko. Sinagot nito ang tawag sa cellphone nito. Suminyas na lang ako rito na papasok na ako sa kwarto ko at matutulog na.
Ngunit ang plano kong pagtulog ay hindi nangyari. Sa dami ng nangyari sa akin ng araw na iyon, kahit saglit ay hindi ko magawang ipikit ang aking mga mata. Ang dami kong tanong.
At isa pa, ginugulo ni Amadeus ang kanyang katinuan.
Bumangon siya, balak ay kumuha ng tubig sa kusina ngunit napatigil siya sa paghakbang ng makitang paalis si Amadeus. Nakabihis ito. At base sa nakikita niyang suot nito, hindi trabaho ang pupuntahan nito.
Napatingin ito sa gawi ko.
“Date?” Hindi ko alam bakit ko naitanong ‘yon.
Tumango lang ito. “Okey lang ba kung iwan kita rito? Huwag kang mag-alala, may mga tao akong nagroronda sa labas. I-lock mo agad ang pinto pagkaalis ko. You’ll be safe here.”
Parang gusto ko itong pigilan ngunit alam kong wala ako sa posisyon para gawin ‘yon. Tumango na lang ako bilang pagsang -ayon.
Katulad nga ng sinabi nito, agad kong ini-lock ang pinto ng makaalis ito. Kahit paano, pakiramdam ko safe ako sa loob ng bahay nito lalo’t sinabi nito na may mga tao itong nag-iikot sa lugar dahil nga sa nangyaring insidente kanina.
Dahil hindi pa rin ako dalawin ng antok, ipinasya kong manood na lang at para kahit paano, maibaling ko ang isipan ko sa aking pinanonood.
Nasa kalagitnaan na ako ng pinanonood ko ng mapahiyaw ako sa gulat ng biglang tumunog ang telepono sa sala.
Saglit kong inihinto ang aking pinanonood saka sinagot ang tawag.
“Huwag na huwag kang magbubukas ng pinto kahit anong mangyari!”
Hindi ako makapagsalita dahil sa narinig ko.
“Natasha! Naririnig mo ba ako? Damn it!” singhal ni Amadeus sa kabilang linya. Ngunit wala na roon ang atensyon ko kundi sa doorknob na pilit binubuksan ng kung sino sa labas.